The Ending

29 4 0
                                    

Kasalukuyan kong tinitignan ang payapang mukha ni Vince. Hawak ko ang kamay nyan sinalpakan ng dextrose. Awang awa ako sa kalagayan nya. Hindi ko na naman tuloy napigil ang mga luha saking mga mata.

"Vince, pagaling kana please. Hindi pa tayo nakakasal eh" hagulgol ko na naman. Hanggang sa hindi ko namalayang nakatulugan ko na ang pag-iyak.

Naramdaman kong may humawi sa buhok ko. Agad naman akong napabalikwas.

"Vince? you're awake. Kamusta ka na? May masakit ba sayo? Ano sabihin mo"

"Babe, calm down. Okay na ako since nandito ka sa tabi ko ngayon"

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" ToT

"I'm sorry baby. Alam kong masasaktan ka pag nalaman mong hindi na ko mag tatagal pa sa mundong to" umiiyak na din sya.

"Pero bakit? Kung sinabi mo ng mas maaga di sana nag karoon ako ng mas maraming oras para alagaan ka!" nag hehersterical na ako.

"I'm sorry talaga. Di ko na kasi alam kong anong gagawin ko. Masyado akong natakot. Natakot akong anytime ay mawawala na lang ako bigla sayo"

"Napaka unfair mo naman Vince!" TToTT

"Mahal na mahal kita Trish. At ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko mula nung makilala kita. God knows how much I'm blessed since the day I confess my love for you and you never hesitate to accept it." ngayon ko lang nakitang umiyak ng ganito si Vince. Sobrang emotional nya ngayon. Dagdagan pa ng weak expression nya. Lalo akong nasasaktan sa mga pinagsasabi nya.

"Sobrang masaya at nagpapasalamat ako dahil binigyan mo ako ng chance para mahalin ka even though alam kong at the first place you love somebody. And you only love me as your bestfriend. Thank you so much Trish. For the memories we shared. I will treasure it forever." namamaalam na ba sya sakin? Bakit ganun ang mga pinagsasabi nya?

"Shhhh.. Hush now baby. Just take a rest. Mag pagaling ka please" pag mamakaawa ko sa kanya.

"Gagawin ko ang lahat para gumaling lang ako at para manatili ako sa tabi mo Trish. Pero hindi na kaya ng katawan ko. Ilang taon na akong nakikipaglaban sa sakit ko. Kaya hinahanda ko na ang sarili ko sa mga mangyayari. Sana ganun ka din babe."

"No! Don't say those words baby. Hindi ka pa mawawala okay?" tumingin at ngumiti sya sa akin.

"Pag nawala ako. Pakiusap ko sayo, mag mahal ka ulit ha? Gusto kong maging masaya ka baby ko" ToT

"Vince ano ba? Hindi ka pa sabi mamamatay eh!" ano ba kasi ang sinasabi nito? iiwan na ba talaga nya ako? Kukuhanin Mo na ba talaga sya sakin? "Vince, ipangako mo sakin na hinding hindi mo ko iiwan"

"Pangako baby. Hinding hindi kita iiwan. Pakakasalan pa kita. Bubuo pa tayo ng sarili nating pamilya" may determinasyong sabi nya.

"Salamat" yun na lang ang nasabi ko at hinalikan ko sya sa mga labi nya. "Mag pahinga ka na mahal ko" naka ngiti ng sabi ko.

Lumipas ang mga araw at patuloy paring sumasailalim si Vince sa pag papagamot nya.

There are times na nagiging negative ang results ng mga test nya. Hindi tinatanggap ng katawan nya ang mga gamot na binibigay sa kanya. Hindi rin nawawala ang mga ilang komplikasyon sa pag u-undergo nya sa ilang therapy.

Minsan nagiging positibo naman ang resulta sa katawan nya kaya akala ng lahat ay tuluyan na talaga syang gagaling. Makikitang hirap na hirap na si Vince lumaban sa kamatayan. Sobrang laki na ng pinayat ng katawan nya to the point na halos buto na lang ang natira.

Sobra naman akong nasasaktan sa mga nangyayari sa kanya. Minsan sinasabi ko na sana pwede kong bawasan ang sakit na nararamdaman nya at ilipat na lang ang iba sa akin. Ayokong nakikita sya ganyan. Parang pinapatay din ako ng paunti unti.

Hanggang sa napag desisyonan ng mga magulang nyang dalhin na sya sa ibang bansa para mag pagaling. Doon mas advance at siguradong malaki ang chance na gagaling sya.

Hindi nila ako pinayagang sumama sa kanila. Kaya wala na rin akong magagawa sa ngayon. Matinding dasal na lang talaga ang magagawa ko para sa kaligtasan ng taong pinakamamahal ko.

Nakatanggap ako ng tawag mula sa mama ni Vince. Ibinalita lang nya na hindi na kinakaya ng katawan ni Vince. Dahil sa balitang yun parang nawalan na din ako ng pag-asa. Pag-asang makikita pa ang dating sya. Hindi ko nakausap si Vince nung mga time na yun kasi hindi pinayagan ng doktor.

Pero sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay bigla na lang akong nakaramdam ng kakaibang lungkot. Lungkot na ngayon ko lang naramdaman. Na parang yun na nga huling pagsasama namin ni Vince. Nag uunahan na naman sa pag patak ang aking mga luha. Sobrang sakit ng aking nararamdaman ngayon. Pero kelangan kong mag pakatatag. Hindi gusto ni Vince na ganito ako. Kaya kelangan maging positibo ako sa pag galing nya.

Kinaumagahan. Nagising ako sa ingay ng aking alarm clock. Pinakiramdaman ko muna ang aking sarili. Bigla na naman tumulo ang aking mga luha. There was this feeling na may kulang na sa buhay ko. Na may nang iwan na sa akin..

Hindi na natupad ni Vince ang pangako nyang hindi nya iiwan si Trish..

Last KissWhere stories live. Discover now