Eksesna II: And this is cuh-razy!

385 4 4
                                    

Naglakad lakad kami at nagcoffee muna. Medyo malamig ngayon ang klima dito sa Japan kumpara sa pinas.

"Ok ka lang ba Michelle?" tanong ko sa kanya

Tumawa sya, "Ok lang ako.Bakit kailangan buong pangalan pa yung itawag mo sakin?Chel nalang"

Anak ng tokwang gawa sa taho naman oh. Bakit sa lahat ng nickname CHEL pa talaga ang napili nya. Nakakaloko naman 'tong babaeng 'to.

"Mitch nalng siguro itatawag ko sayo. Mas ok pakinggan.Anu nga pa lang ginagawa mo dito sa Japan?"

"Pinadala ako ng kumpanya dito kasi may Seminar daw akong aatenand.Sa modeling agency kasi ako nagwowork e.Ikaw?Bakit ka andito?"

"Binilihan ako ng Ticket ng papa ko.Matagal na para magbakasyon ako dito. Ako lang may ayaw kc bz ako sa work."

"ahh..Buti at nagamit mo na.Sayang lang din kasi kung hindi mo gagamitin"

"oo nga e.San ka nga pala magstay?"

"Binigyan ako ng budget ng Boss ko, bahala na daw ako maghanap.Mahalaga, attenand ko daw yung Seminar" sabay higop nya sa tsaa nya.

"Marami dito, depende nalang sa trip mo.Meron dito sa Tokyo ng Capsule Hotel"

"AH..narinig ko na yun, pero hindi ba nakakatakot sa ganun?"

"Hindi naman pero sabagay, babae ka kasi.Hanap nalang tayo mamaya,samahan nalang kita"

"Ok sige.Pero alam mo ba kung saan 'to?" sabay abot nya ng papel sakin.

"Ahh..oo, malapit lang 'to sa apartment ng papa ko.Bakit?"

"Jan daw kasi ang seminar ko."

"Five star hotel 'to dito sa Shibuya.Mukhang bigtime ang kumpanya nyo ha."

"Hindi naman.Alam mo pwede ka ngang model e.Gusto mo magVTR ka tapos ipadala ko sa Boss ko" sabay smile nya

Tumawa lang ako, "naku wag na.Malugi pa yung ieendorse ko.Tara na, baka gabihin tayo sa paghahanap"

Nagikot ikot kami.Medyo coboy naman sya.Hindi masyadong maarte sa lugar.Pero syempre pinili ko sya ng malapit lang sa pupuntahan nya para hindi na sya mahirapan pa. Ok din syang kausap.Makulet tsaka masayahing tao.

-Chellay's POV-

"Ok nako dito Kenzo.Salamat sa pag check-in mo sakin" habang nakasmile ako sa kanya.

"Sus!wala yun. Eto yung number ko.." sabay abot nya ng calling card nya.."tawagan mo ko anytime pag kailangan mo ng tour guide.Wala rin naman kasi akong gagawin dito sa Japan"

"Uhhmm..gusto mo dito ka nalang muna magstay?ipagluluto kita.Bilang thank you kasi inasikaso mo ko today" naku!sana wag nya akong tanggihan.Ayokong mapahiya sa sarili ko

"Ok sige" sabay smile nya sakin.

Pagkakataon nga naman oh.Lord, this is it, pansit! Eto na ata ang Prince charming na matagal ko ng inaantay. Salamat Lord.

Habang nagluluto ako, nakita kong may kausap sya sa cellphone.Naririnig ko nung una, kausap nya yung Papa nya.Pinaalam nya na andito na sya sa Japan at bukas sya dadalaw dun.Tapos pagkababa nya ng phone, may tinawagan ulit sya.Mukhang babae.Girlfriend nya ata. Sayang naman kung may girlfriend na sya.Ay! teka, iserve ko na'tong sopas.Baka lumamig.

Dahil nga nasa Japan kami, hindi uso dito ang sofa, sahig ang uupuan mo.

"Kenzo, tara kain tayo"

By Chance..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon