Eksena I: Hey I just met you!

1.3K 4 3
                                    

-Kenzo's POV-

Habang tambay lang sa bahay dahil sabado ngayon, naisip kong magbukas ng laptop. Hindi dahil sa sinasapian ako pra magtrabaho kundi para makihalubilo naman sa mga malalayo kong kaibigan.

_________________

Facebook.com

Username: keikopanget@yahoo.com

password: *****0214

_________________

Ui, may dalawang message. Isa galing kay papa. Nangangamusta at nagtatanong kung kelan ako pwedeng magbakasyon sa Japan. At yung isa galing kay..

"Chelly?sinong Chelly?" binuksan ko yung message kasi sobrang curious talaga ako.Binasa ko:

[Musta ka na?]

Sino ba 'tong Chelly? Wala naman akong maalalang may kakilala akong Chelly bukod sa ex kong si Chel.Pero Rachel sya.Ay ewan.Baka Fans ko lang 'to.Logout nako.

Naboring ako kaya nanuod nalang ako ng Tv.Nang biglang may kumatok.

*knock knock*

"Teka saglit" sabay tayo ko mula sa pagkakahiga sa sofa.

*knock knock*

"Teka lang.." sabay bukas ng pinto.

"Dude, ang bagal mo namang buksan yung pinto!" hingal na hingal na reklamo ni Badz

"Sarap sarap ng higa ko mangiistorbo ka!sinara mo ba yung gate?"

"OO! penge ngang tubig!" pasigaw nyang utos

Binatukan ko si Badz sabay sabing, "Tarantado ka?inuutusan mo ko? sampalin kita jan e.Kumuha ka dun!"

"Sorry naman men" walang nagawa si Badz kundi magkamot ng ulo.

Umupo kami sa sofa.inabutan ko sya ng beer.Sa ganitong malamig ang panahon,masarap uminom.

"Nu bang nangyari sayo ma'men?Mukhang may takbo ka ha. Sabi ko na sayo tigilan mo na yung pagra-runner sa Drugs" sabay tawa ko ng malakas

"Gago!yung aso kasi nila Aling cora hinabol ako.Tanginang aso yan men.Ang LAKI!May lahi daw yun sabi nila e"

"O e anu daw lahi?" sabay lagok ng beer

"Anu daw e, anu ba yun?!kulay Gold tapos Retire..Parang retire yung tunog nya e.basta ganun na yun men"

Tumawa ako ng malakas,loko talaga 'tong si Badz, "Ano?Kulay Gold tapos retire? Wala namang ganung aso ha"

"meron men.Gold Retire dog." seryoso yung mukha.Seryoso sya sa sagot nya.

"May ganun ba men?" tanong ko sa kanya.

"OO!nabasa ko yun e.Aso yun ng mga mayayaman.Gold Retire Dog"

Hindi ko na ulit kayang pigilan yung tawa ko, "baka Golden Retriver"

"Golden Retriver? oo tama! tama tama.Yun yung sasabihin ko e.Nasa dulo lang ng dila ko" sabay kamot ulit sa ulo.

"hahaha.Gold retire Dog amputa.Isip isip din tayo men"

"Grabe kang hapon ka ha! kung laitin mo ko ganun ganun lang?wag kang magaangas sa lalakeng may balbas!"

"Siraulo k!Men, namomoblema ako, si papa kasi pinapauwi ako ng Japan.Gusto daw nyang magbakasyon ako dun kahit sandali"

By Chance..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon