Chapter 8. Red Car

19.4K 303 32
                                    

Chapter 8. Red Car


"Sabi ko na nga ba dapat hindi na lang ako pumayag eh," yuko lang Alex, wag kang titingin sa kaniya.

Eto kami ngayon, sa loob ng kotse niya, hindi ako nag-sasalita. Sinesermonan pa ako eh. Kanina pa talaga.

"Nasanay naman talaga ako eh." sabi ko na lang, para hindi na magalit.

"Nasanay? Kulang na lang nga sampalin ka ng babaeng yun eh." galit na talaga ( _ _")

"Galit ka?" tanung ko. Aist! Para na talaga akung bata na pinapagalitan ng tatay.

"..." 

Walang imik.

"Oi!" ano ba hindi ba ako papansinin nito?

"Wag ka ng magalit, sorry na." sabay poke ko sa braso niya.

"Why are you apologizing?" suplado ng mukha nito.

"Kasi ano...kasi galit ka?" tama ba? Oo nga naman, hindi ko rin alam ba't sorry ako ng sorry dito eh. Kanina pa, ano ako echo?

"Hindi ako galit" hindi daw galit -__- Psh!

"Eh kulang na lang lapain mo ako dito eh!" sigaw ko sa tenga niya.

"Ano ba Alex, wag kang sisi--"

TOK! TOK!

Napalingon kami sa window, kumakatok si Lornie, yung classmate ko. Aist! Ano na naman ba? Nagalit na ba ang mga highschool classmates ko sakin?

"Ibaba mo," senyas ko kay Dave para ibaba niya yung window.

Hindi naman ako sinunod. Ang tigas ng ulo.

"Dave, isa!" galit kung sabi. 

Effective naman, binababa nga ni Dave ang window sa side niya, dun kasi kumakatok si Lornie.

"Hi Lorn" bati ko kay Lornie na may weird na smile....kay Dave.

Eto namang isa hindi man lang nagawang ngumiti, nakatingin lang ng diretso.

"Ahhh...Pasensya na kayo kay Stephanie ha, nagbibiro lang naman yun..Anoo...Ahh...Balik na kayo sa cottage natin.." -__- patay na! It's official sa way pa lang nang pagsasalita ni Lornie, alam ko na na nakuha na siya ng kung ano mang kamandag ang meron si Dave.

"Wag na." malamig na sabi ni Dave. Hindi man lang tumingin kay Lornie -__-

"Aii, hindi Lorn, sige, susunod na kami." sabi ko.

"Aahhh..Sige Alex, hihintayin namin kayo." ako ang kinakausap tapos titingin kay Dave. Wala na! Wala na talaga!

Umalis na si Lornie at sinara na naman ni Dave ang window, tapos binuksan ko ang pinto sa passenger side.

"San ka pupunta?" tanung niya na nakataas pa ang kilay.

"Uhhmm... Babalik, tara na" yaya ko.

"Hindi pwede." he said firmly.

Eto na naman tayo.

"Dave..." I sighed.

"Hindi ka na pwedeng bumalik dun." sabi niya.

"Don't you trust me?" pinakawalan ko na ang pinaka-cute kung mukha na pwede kung magawa, dapat effective to.

BOOK 2: Never ForgetWhere stories live. Discover now