Chapter 15. Forgetting

16.9K 273 33
                                    

Chapter 15. Forgetting


I don't exactly know kung anung dapat maramdaman. Wala akung maramdaman. Hindi ko alam kung iiyak ba ako o kung tatalon na lang mula sa taas ng building.

Basta ang alam ko lang hindi ako masaya.

Sino ba ang magiging masaya kung ang iniisip mo sa bawat umaga, sa pagmulat pa lang ng mata mo ay kung maaalala ka pa kaya ng pinakamahalagang tao sa buhay mo.

"Okay lang ako tita beth, sige po." pagkatapos namin mag-usap ni Tita Beth pinatay ko na agad ang cellphone. 

Tumawag kasi siya dahil nabalitaan niya nga yung kay Dave. Hindi pa rin kasi siya nagigising.

Andito na ako sa labas ng hospital, at papunta na sa elevator. Umuwi lang kasi ako saglit para makapagpalit na rin ng damit, naiwan na rin sa bahay si Kathy dahil magpapa-enrol pa siya.

Sana naman magising ka na Dave kasi malapit na ang pasukan.

*rrriiinnnnggg*

Kinapa ko sa bulsa ang cellphone ko, siguro si Tita Beth lang.

Ai hindi, si Elle.

"Hello Elle?"

"Alex nasan ka? Si Prince nagising na."

Nung oras na sinabi niya yun, parang nabuhayan agad ako ng dugo. Buti na lang bumukas agad ang elevator.

Aist! Ang tagal pa talaga.

Gising na si Dave.

Kinakabahan ako, naaalala niya pa kaya ako?

Diyos ko! 

*TING!* Sabay bukas ng elevator.

Tumakbo na ako agad, ngayon lang ako tumakbo ng ganito na parang hinahabol.

Dave! Malapit na ako.

Hanggang sa nasa harap na nga ako ng pinto.

Kinakabahan ako.

Gising na si Dave, maaalala niya pa kaya ako?

Aist! Oo naman! Mahal niya kaya ako! Bakit naman hindi?! Alex talaga...

Dahan-dahan kung inikot ang door knob

 Ewan ko pero parang ang tunog lang ng puso ko ang naririnig ko. 

Dahan dahan akung pumasok sa loob. 

Agad kung nakita si Tito KIng at Tita Viel na magkatabi, tiningnan nila ako at binigyan ng matipid na ngiti. 

Tapos nakita ko ring palabas sa kwarto ni Dave si Elle at Ash. Hindi ko mabasa ang expression nila sa mukha, sana man lang kahit sa expression na lang ng mukha nila makita ko kung ano ba ang dapat kung iexpect.

"Alex, pasok na." tawag sakin ni Ash habang hinahawakan ang pinto sa kwarto ni Dave.

Mas lalo akung kinabahan ng maisip ko na naman ang pwedeng mangyari sa pagpasok ko.

Naglakad ako papunta sa pinto, parang ang bigat ng paa ko. Ganito rin kaya ang naramdaman ni Dave nung naospital din ako? Nagalala rin kaya siya?

Ano na lang kaya nung nag-pretend akung merong amnesia noh? 

Ang sama ko talaga nun, kaya siguro pinaparusahan ako ni God ngayon, pero naman! Pwede namang ako na lang bakit si Dave pa?

Ganun ba kalaki yung kasalanan na yun?

BOOK 2: Never ForgetWhere stories live. Discover now