Kabanata III: New Friends?

25.5K 668 17
                                    


Ala sais pa lang ng umaga ay handa na si Irish pumasok sa eskwela. Gusto niya muling makita ang mala paraisong paaralan na kanyang nasaksihan sa tanang buhay niya. Suot ang unipormeng mas lalong nagpaganda sa dalaga ay lumabas na siya sa kaniyang kwarto upang ipakita sa kanyang mga magulang.

"Napakaganda mo talaga anak ko, mana ka talaga saakin." sambit ng aking ina.

"Saakin kaya siya nagmana diba Irish?" pagbwelta naman ni papa.

"Parehas na lang po akong nagmana sa inyong dalwa." napatawa naman ako sa kanilang dalwa. Mami-miss ko ang kakulitan ni Mama at Papa. Sa EMA na kasi ako titira mayroon doong dorm na nakalaan para sa mga estudyante.

"Halikana, sumakay ka na at baka ikaw ay ma-late pa sa opening ceremony."

Hinatid ako ni Mama at Papa sa school, mami-miss ko talaga sila super as in ! 

"Magi-ingat ka pag may problema ay sabihan mo lang kami ng iyong mama at pupuntahan ka namin dito."

"okay po Pa, magiingat din po kayo ni Mama"

Niyakap ko silang dalwa ng mahigpit at ganoon rin naman ang ginawa nila. Ang saya isipin na kahit busy sila sa kanilang trabaho ay naglalaan pa 'rin sila ng oras para saakin. Kahit na minsan ay parang may red days ako ay mahal na mahal pa 'rin nila ako. Sa kanila ko lang pinakapakita ang aking kahinaan dahil alam ko na kahit anong mangyari nasa tabi ko lang sila at ako'y pinoprotektahan.

Nagpaalam na ako sa kanila at malapit na magsimula ang opening ceremony na gaganapin sa auditorium. Sinulyapan ko ang mapa na nasa aking kamay at sinundan ang daan patungo sa auditorium. Napakalaki talaga ng paaralan na ito siguro ay aabutin ako ng isang araw para malibot ito.

Seryoso ang aking mukha na tumapak sa bukana ng pasilyo patungo sa auditorium. Ito ang aking maskara na laging sinusuot upang hindi nila makita ang aking kahinaan at gamitin ito laban saakin. Defense Mechanism na siguro kung ito ay ituring.

Sa wakas, nakarating na rin ako at buti na lang hindi pa ito nagsisimula. Umupo ako sa side kung saan kaparehas ko ang kulay ng damit. Sa first year ay kulay berde ang uniporme na may halong itim, sa second year ay kulay dilaw na may halo ring itim, sa third year tulad ko ay asul na may puti, at ang huli ay fourth year (senior) na kulay pula na may halong puti ang kanila. 

"Good Morning everyone! Welcome sa Elixion Mage University,..." nagsimula ng magpaliwanag ang isang guro sa unahan. Hindi ko na siya maintindihan sapagkat may kumulbit saaking tabi at nakita ko ang isang magandang babae. Maputi ang kanyang balat, mala rosas na labi, mapulang pisngi, at mabilog na mata.

"Hi, ang ganda mo naman bago ka ba dito? ngayon lang kita makita eh" bati niya saakin.

"..." tiningnan ko lang siya ng matagal at mukhang nailang siya sa ginawa ko.

"Ako nga pala si Ysabell Chavez, pero pwede mo rin akong tawaging Ysa." ngumiti siya saakin.

"Irish Laura Valiente" hindi naman ako bastos para hindi siya pansinin.

"Anong section mo?" tiningnan ko ang hawak kong papel at hinanap ang sagot sa tanong niya.

"3- Wairfe..." nagulat na lang ako ng bigla na lang niya akong niyakap.

"Yehey! Magkaklase tayo Laura"

"Hoy! Ysa sino na naman yang hinaharas mo?" may dalwang babae sa likod namin ang biglang umupo.

"Che! Mga friend, siya nga pala si Irish Laura bago nating kaklase. Laura, sila nga pala si Danica Mae Lozano at Jayzel Rodriguez mga kaibigan ko." pakilala niya doon sa dalwang umupo.

"Hi" bumati lang ulit ako sa kanila at hindi na sila pinansin. Naguusap na kasi sila at ako naman ay makikinig na lang sa nasa unahan.

"... Ang may kakayahang kumontrol ng kapangyarihan ay ipapadala sa isang misyon. Katulad na lang ng mga royalties, na kasalukuyan ngayon na nasa isang misyon. Maaring malagay sa panganib ang inyong buhay sa bawat paglalakbay kaya tanging may kakayahan lang ang pinapayagan na makalabas ng paaralan. Upang makita ang inyong improvements ay nago-organize kami ng isang paligsahan kung saan masusubukan ang galing ng inyong kapangyarihan. Maaring manalo kayo at magkaroon ng pagkakataon na mapasali sa Rank 10, o kaya ang matalo na kung saan mas lalo kayong hahasaain at bibigyan ng mahihigpit na practice. Lingid sa inyong kaalaman, lahat ng narito ay binibigyang pagkakataon na palakasin ang kapangyarihan. Hindi porket nasa pinakamataas kang rank ay sayo lang ibibigay lahat, oo may advantage na ibibigay sa Rank 10, ngunit bilang isang paaralan na sana ay ituring ninyong tahanan ay bibigyan kayo ng pantay-pantay na gabay mula saamin. Kelangan lahat ng lalabas sa paaralan na ito ay malakas at may kakayahang protektahan ang kanyang sarili. Hindi namin itino-tolerate dito ang bullying, kaya naman naglagay kami ng isang device sa inyong uniporme at sa lahat ng damit ninyo na magli-limita sa inyo sa pagamit ng kapangyarihan."

"Muli, welcome sa Elixion Mage University na hahasa sa inyong kapangyarihan. Maaro na kayong magsipunta sa inyong mga klase" nagpalakpakan ang lahat at nagsimula na silang umalis.

Aalis na 'rin sana ako pero hinila na lang ako bigla ni Ysa. Tiningnan ko lang siya na parang nagtatanong na 'bakit?' 

"Sumama ka na muna saamin, tutal magka-klase rin naman tayo sabay na lang tayo pumasok. " hindi pa man ako sumasang-ayon ay hinila na niya ako kasama ang dalwa niyang kaibigan.

"Bakit ba ang cold mo saamin?" tanong ni Danica

"Hindi lang ako sanay na may kumakausap saakin"

"Wow, pinakamahaba mo na yang nasabi Laura, eight words congratulation." may halong pagbibiro ang boses ni Ysa.

Sa hindi sinasadya ay napairap na lang ako sa sinabi niya.

"Ano kapangyarihan mo Laura?" tanong saakin ni Jayzel

"..." hindi ako sumagot sa kanya. Kahit ako ay hindi ko rin alam kung ano ba talaga ang kapangyarihan ko. Kaya kong kontrolin ang hangin at tubig. At isa pa, sabi ng aking ina wag daw ako agad magtitiwala at iwasan ko na may makaalam ng tunay kong kapangyarihan.

"eto na naman po tayo, Jayzel, ang kapangyarihan ko ay maging pipi amazing no?" sabi niya habang kinakausap ang kanyang kamay. Tinawanan naman siya ng kanyang mga kaibigan. Baliw lang eh.

"Pero hindi nga ano ba talaga kapangyarihan mo?"

"wala" tipid kong sagot sa kanila

"weh, hindi ka naman makakapasok dito kung wala. Pero kung ayaw mo sabihin okay lang." madramang pahayag ni Ysa.

Sa wakas nasa room na rin kami, magkakatabi kaming umupo sa bandang dulo. Halos sobrang ingay ng mga bago kong kaklase, hindi ako sanay na maingay. Halos sa dati ko kasing school pag dadating na ako tumatahimik sila at nagbubulungan na lang, takot na baka saktan ko sila.

Sana sa bagong paaralan na ito madami akong makilala. Tipong kahit anong problema ay hindi ako iiwan. At sana malaman ko ang tunay na ako, at lalong higit ay maranasan muli ang ngumiti ng totoo na matagal ko ng ibinaon sa limot.

-----

Elixion Maige Academy #Wattys2015 (Re-edit)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon