Kabanata II: Elixion Maige Academy

29.9K 787 21
                                    


Kabanata II:  Elixion Maige Academy

Kasalukuyan buma-byahe sina Irish, kasama ang mga magulang n'ya papunta sa bago nilang bahay. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ipinapaliwanag ng magulang niya kung ano ba ang tunay na dahilan ng paglipat nila.

Nakinig na lang siya ng musika galing sa kanyang cellphone, habang nakapikit malayo-layo rin kasi ang kanilang pupuntahan. Dinadama niya ang bawat liriko sa kanta at hindi niya namalayan na siya ay nakatulog na.

---

"Anak gising kana." Nagising ako sa mahinang tapik ni Mama sa aking pisngi.

"uhmm"

"Anak, gising ka na. Nandito na tayo sa bago nating bahay." Unti-unti kong minulat ang aking mata. Kinusot ko ito, dahil medyo blurred pa ang mata ko. At nang medyo naka-adjust na ako ay namangha ako sa nakita ko. 

"wow! Mama ang laki at ang ganda naman ng bago nating bahay atin ba ito talaga."

"Ha? hindi naman kasi yan ang bahay natin ayon oh." Itunuro ni Mama ang isang maliit at parang kapag dinaanan ng malakas na hangin ay bibigay na.

"ay hihihi akala ko ayon na eh, Mama naman mas maganda pa diyan 'yung apartment natin dati eh."

"hahaha joke lang ayan nga ang bahay natin hulugan ko kinuha 'yang bahay na 'yan para may bahay na tayo dito kasi permanente na tayo titira dito."

“Whoa! Talaga Ma?” Sabi ko sa kaniya. Aba naman kasi buti na lang hindi talaga doon kami nakatira haha. At tama ang nabasa ninyo, sa Apartment kami dati nakatira sapagkat laging palipat-lipat ng trabaho sina Mama at Papa. Parang may tinatakasan silang kung ano. Pero hindi sila mga drug pusher ha. Matitino magulang ko. Kaya wala akong masyadong kaibigan dahil na rin sa sitwasyon naming iyon at dahil… feeling ko kakaiba ako sa kanila.

"Irish, tulungan mo kami sa paglilipat ng gamit. Pagkatapos ay linisin na rin natin para bukas ay maka-punta tayo sa paaralan na papasukan mo." tawag saakin ng aking Papa.

"Ah, sige po Papa." Tinulungan ko sila ayusin ang mga gamit at linisin ang bahay. Medyo maalikabok kasi halatang matagal ng walang tumitira sa bahay na ito.

“Ma, bakit n’yo pala naisip na lumipat ulit ng bahay at hindi lang ‘yun permanente pa.” tanong ko kay Mama habang inaalis ang puting tela na nakatakip sa mga gamit dito sa bago naming nilipatan.

“Malalaman mo rin Irish ang katotohanan sa takdang oras” sabi niya ng nakangiti at ginulo ang buhok ko.

Anong sinasabi niyang katotohanan? Bakit pakiramdam ko ang dami nilang sinesekreto saakin? Sino ba talaga ako? Bakit pakiramdam ko iba ako… na hindi ako normal katulad ng iba. Totoo kaya ang sinasabi nila na halimaw ako?

Patuloy akong ginugulo ng napakaraming tanong at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa pagod physically and emotionally.

---

Maagang akong nagising dahil naalala ko na ngayon na nga pala kami pupunta sa bago kong papasukan. Dali-daling akong lumabas  papuntang banyo hiwalay kasi ang banyo sa kwarto ko kaya ganun hindi naman kasi super laki ng bahay namin simple pero maganda ito. Pagkatapos gawin ang dapat gawin ay umalis na kami. Medyo kinakabahan ako sa bagong paaralan na papasukan ko pero hindi ako nag pakita ng kahit anong emosyon ayaw kong mag-alala saakin sina Mama at Papa. 

Puro puno ang tumambad sa paningin ko saan ba kami pupunta? Mukhang nasa isang gubat kami. Ah, hayaan na nga tutal ang ganda rin naman ng tanawin sa labas. Nakita ko nga na may parang wait… isang beach! Paano nagkaroon ng dagat sa loob ng kagubatan na ito. Nakapapagtataka napatingin ako kay Mama na katabi ni Papa na nagdri-drive.

“Ma, saan ba talaga ako mag-aaral at bakit dito tayo sa gubat?” tanong ko sa kanya.

“malalaman mo rin pag dating doon. Isa pa isa kasing sikretong paaralan ang papasukan mo kaya nasa gitna ito ng kagubatan at tanging kauri lang natin ang makakakita noon.”

Lalo akong naguluhan sa sinabi niya. Oh well Irish lagi ka naman naguguluhan wala ng bago doon.

“Hey, Irish where here.”

Lumabas na ako ng kotse namin at tumambad saakin ang isang napakalaking gate na kulay silver at napapalamutian ng gold na linings. Kapansin-pansin din ang nakaukit na ‘Elixion Maige Academy’ na purong ginto at may dyamante pang nakadikit dito. Ma umagaw ng pansin ko isang bato na kumikinang na nakalagay sa may logo nito.

“ito na po ba ang sinasabi ninyong bagong paaralan ko?”

"Oo, ito kasi mas safe kung dito ka mag-aaral"

"Huh, ano po ibig n'yong sabihin?"

"Malalaman mo din iyon sa tamang panahon chosen princess"

“anong ginagawa ninyo dito?” tanong ng isang lalaki na nakasuot ng uniporme na pang guard.

“I’m Alejandro Valiente nandito kami para ipasok ang aming anak dito”

“okay”

May sinabi siyang parang chant at bumukas ang gate. Whoa amazing.

Pagpasok namin sa may gate ay tumambad sa amin ang napakagandang garden. Namangha ako sa dami ng mga bulaklak na nakatanim dito at halos lahat ay bago sa paningin ko. Paaralan pa ba ito? Mukhang hindi pa ako nagtatagal dito ay parang ayaw ko ng umalis sa sobrang pagkamangha. Everything looks magical.

Pumunta na sa principal office at kasama pa rin namin ‘yung guard kanina.

Pumasok kami sa parang palasyo style at pumasok sa isang elevator. The fudge! Hindi naman ako nahihilo pagsumasakay dito pero ngayon halos magsuka na ako sa sobrang hilo. Shit ano bang klaseng elevator yun.

“okay ka lang ba ‘nak” tanong saakin ni Mama.

“okay lang po ako” mukha namang sanay na sanay na ang mga kasama ko sa sasakyan na iyon. Ano ba ‘yan hilong-hilo na ako. Tiniis ko na lang ang hilo at nagpatuloy maglakad. Tumigil naman sila at sa tingin ko nandito na kami. Huminto kami sa isang napakalaking pintuan. Tiningnan ko ang nakasulat sa taas ‘Principal Office’ mahinang sambit ko.

Kumatok muna ang dalwang guard na kanina pa naming kasama at pinagbuksan kami ng pinto.

Kinilabutan ako sa kakaibang aura dito sa loob. Puno ng mamahaling gamit ang buong silid na ito. Napadako ang tingin ko sa nakatalikod na silya na unti-unting umikot paharap saamin.

“Good Day! Have a seat” napanga-nga naman ako sa angkin niyang ganda. Nasa middle 20’s pa siguro siya. Shook!

"Magandang Araw Miss Louise Jane.”

"Hey! Wag kang masyadong formal Alejandro. Hello sayo Iya, namiss kitang babae ka" masayang sambit ni Ms. Louise

Wait magkakilala sila?

“hahah hindi ka pa rin nagbabago Louise.”

“maganda pa rin?”

“Sira! S’ya nga pala siya si Irish Laura Valiente, anak namin. Gusto namin siyang ipasok dito.”

“Sure. Next Monday simula na ang klase niya.”
“Salamat. Sige kelangan na namin umalis gusto man naming makipag-kwentuhan muna pero may mahalaga pa kaming gagawin.”

“Sige walang problema sana sa susunod ay makapag-bonding naman tayo.”

Lumabas na kami at umuwi. May trabaho pa raw kasi sina Mama at Papa kaya kelangan na namin umuwi. Gusto ko mang manatili pero hindi ako pinayagan dahil delikado raw kung mag-isa lang ako.

--

Comment and Vote madlang pips.

Elixion Maige Academy #Wattys2015 (Re-edit)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon