Kabanata I: Drop Out

39.7K 879 18
                                    


“halimaw!”

“salot”

“halimaw! Umalis ka na dito”

Umagang-umaga nakakairita ang mga boses ng mga pesteng kutong-lupa na ito. Irish hindi ka pa ba nasanay. Tsk. Ako nga pala si Irish Laura Valiente sabi nila cold daw at at misteryosa, well kaya lang naman nila nasabi iyon ay dahil hindi nila ako kilala at tinturing nila akong halimaw simula noong…

“hey! Ikaw si Irish diba? Ikaw ‘yung may kagagawan kung bakit ako napatawag sa guidance office.” sigaw noong isang babae na kulot ang buhok, mapulang labi na akala mo’y nasapak at maikling palda na halos makita na ang kaluluwa.

Tinitigan ko lang siya at binigyan ng famous cold-stare ko. Lagi naman ako napapa-trouble sa hindi ko malamang dahilan. Sinabi ko lang naman sa guidance na nahuli ko siyang nilalandi ‘yung isang prof.

Namumula na sa galit ang haliparot at dumadami na rin ang mga taong nanunuod saamin kaya naman tumalikod na ako ayoko rin naman ng gulo. Nagulat naman ako ng bigla na lang akong hilahin ng haliparot at sinabunutan. Fok! Hinawakan niya at ginulo ang buhok ko minsan na nga lang ako magsuklay guguluhin pa niya at dahil sa adrenal hormones ko ay hinawakan ko rin ang kamay niya at pinilipit palikod.

Akala ko magiging ayos na ang lahat pero may humablot sa akin mga kasamahan ng haliparot. Tatlong babae at apat na lalaki hinawakan ako sa dalwang braso nung dalwang lalaki. Nagpupumiglas ako pero  mas malakas sila kesa sa akin lumapit ‘yung haliparot at sinampal ako. Awts ang hapdi medyo mabigat din pala ang kamay niya, pero hindi ako nagpakita ng kahit anong emosyon sa kanya. “Yun lang ba ang kaya mo?” nakangisi kong tanong sa kanya.

Marunong naman kasi ako ng martial arts tinuruan ako ng aking papa noong ako’y bata pa at mas masakit ang pinagdaanan ko sa kamay niya kesa sa sampal ng haliparot na nasa harapan ko.

Mukhang mas lalo siyang nagalit kaya naman pinagsa-sampal niya ako lalo. Tinulungan naman siya ng mga linta na kakampi niya sa pambu-bugbog sa akin. Madami na rin ang nanu-nuod at parang walang balak na tulungan ako. Sino nga ba ang tutulong saakin eh kilala at tinuturing na mga prinsesa at prinsipe ‘tong mga letseng ito. Bugbog na ang aking katawan at maraming galos at kalmot na ang aking mukha at braso.

“mga pakealamera rin ang magulang niya hahaha. May kasabihan nga tayo na kung ano ang puno ay siya rin ang bunga.” napalingon naman ako sa nagsalitang linta at ang sarap niyang buhusan ng napakadaming asin para mawala na sa mundo.

“ano? Totoo ba? Hahaha baka naman kulang sa pansin ng mga magulang. Balita ko kasi palipat-lipat daw sila ng bahay baka naman mamamatay tao or kaya hinahabol ng pulis ang magulang niya. Hahaha” natigilan ako sa sinabi ng haliparot.

Napatingin ako sa kanya “sabi mo nga kung ano ang puno siya rin ang bunga. Malandi rin siguro ang nanay mo kaya ganoon ka rin.” napangisi ako ng matigilan siya at halos patayin na niya ako sa tingin niya. Sasabunutan na sana niya ako pero tinaas ko ang paa ko at sinipa siya nagulat ako ng tumalsik siya sa malayo. Nakalimutan ko ang paalala saakin ng aking tatay na huwag na huwag akong makikipag-away sakanila kaya lagi akong umuuwing sugatan.

Ngayon lang ata ako lumaban kaya naman pinagsisihan ko ang nagawa ko. Binitawan ako nung dalwang lalaki at tumakbo palapit sa haliparot na nahimatay sa lakas ng impact na natamo niya. Napatingin naman ako sa mga tao na nasa paligid namin at gulat na gulat sila.

At simula noon ganiyan na ang tawag nila saakin na-hospital kasi ‘yung haliparot muntikan na akong ma-expel pero nakita nila sa CCTV ang buong pangyayari kaya na detention lang naman ako buti na lang din nahimatay lang siya at wala namang bali na natamo sa katawan. Nasa room na ako at nakaupo sa pinaka-sulok. Wala akong katabi dahil sa takot nila saakin.

Pumasok na ang aming prof “good morning class” tumayo naman kami at binati rin siya.

“Ms. Valiete pinatatawag ka sa principal office go hurry up.” napakunot naman ako ng noo bakit kaya ako pinatawag?

Nagsimula na naman magbulungan ang mga bubuyog.

“mukhang mapapatalsik na ang halimaw” 

“buti nga sa kanya”

“go! Pumunta ka na kung saan ka nagmula”

“monster”   

“Ano pang iniintay mo d’yan Miss iniintay ka na nila!” bulyaw niya saakin.

Kinuha ko na ang gamit ko at pumunta na sa may principal office. Ano kaya ang dahilan at pintawag nila ako. Mabuti na lang at malapit lang ang principal office sa room namin. Kumatok muna ako saka ko binukan ang pinto nagulat ako ng makita ko sina mama at papa.

“ano pong ginagawa ninyo dito?” tanong ko saa kanila.

“Drop-out ka na dito miss”

“what!”

“yeah, kami ng mama mo ang nagsabi ililipat na namin ikaw sa ibang school kung saan ka talaga kabilang” sagot ni Papa sa akin.

"What do you mean?" tanong ko kay papa.

"Sa bahay na tayo mag-usap"

----

Okright ELIXION MIAGE ACADEMY CHAPTER 1 IS DONE. WHOA PAWER!


Elixion Maige Academy #Wattys2015 (Re-edit)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon