Baka Sakali by Jonaxx

1.4K 12 0
                                    

Status: Trilogy: Book 1 & 2 - Complete, Book 3 - Coming soon

Genre: Romance, General Fiction

Ang Pag-ibig ay parang nagsusugal. Pag sigurado kang mahal mo ang tao, ibibigay mo ang lahat. Ang problema dito ay di mo alam kungmay maibabalik pa ba sa'yo o wala. Maswerte ang nakakakuha ng higit pa sa inaasahan, pero luhaan ang mga sumusugal at natalo. Pero ganun pa man, tulad ng sugal, kahit walang kasiguraduhan, marami pa ring umiibig, marami pa rin sumusugal, Dahil... Baka Sakali... Baka Sakali...

[Taken from the description of the story]

Nung mga panahong binabasa ko 'to, may klase ako, review namin. Sinimulan ko 'tong basahin out of boredom at dahil di ko na rin talaga napigilan ang sarili kong mag-basa, kahit nakapangako akong hindi muna ako mag-babasa sa Wattpad habang nag-rereview [sorry love love], Na-hook na ko sa pag-babasa.

At sa mga panahong binabasa ko 'to hindi ko rin mapigilang mag-isip na BAKA SAKALI may tulad pa ni Jacob, na sobrang mag-mahal, na si Rosie lang talaga yung para sakanya, na kahit maraming umaaligid sa kanyang babae, si Rosie pa rin ang babae para sakanya.

Grabe din yung kabog ng dibdib ko habang binabasa ko 'to dahil sa mga intense (para sa'kin ah, ewan ko sainyo) na mga pangyayari sa storyang 'to.

Ayun lamang po.

Try it and Enjoy!

Chubbychic's Recommended StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon