I Love You since 1892 by UndeniablyGorgeous (Binibining Mia)

539 13 1
                                    



Status: Completed, Published

Genre: Romance, Historical Fiction

"Meet Carmela Isabella ang spoiled maldita na nabitter sa pag-ibig pero lahat ng iyon ay magbabago nang bigla siyang napunta sa unang panahon, in the year of 1892. Oo tama kayo, panahon pa nila Jose Rizal. 

 Natuklasan ni Carmela na may dalagang nabuhay noong 1892 na sobrang kamukha niya at ito ay si Carmelita Montecarlos ang bunsong kapatid ng kaniyang lola sa talampakan. Para makabalik siya sa 2016 kailangan niyang baguhin ang mapait na kapalaran na sinapit ni Carmelita dahil sa pag-iibigan nila ni Juanito Alfonso. 

 Pero paano na lang kung sa hindi inaasahang pagkakataon ay ma-inlove siya sa lalaking nasa ibang panahon? Ang spoiled brat ng 2016 na si Carmela ay nainlove sa gwapong gentleman ng 1892 na si Juanito, posible kaya to? 

 Samahan niyo na ang makulit at sobrang epic na adventure ni Carmela sa panahon pa ng Espanyol... muli nating balikan ang love story of 1892." [Taken from the description]

So, paano nga ba ako napadpad sa story na 'to? Ganito kasi yun, may nakita akong same day edit wedding video, tapos yung "Una't huling pag-ibig" yung ginamit na background music, pinakinggan ko sa YouTube, nagandahan kasi ako. Sabi ko pa gusto ko yun din yung magiging tugtog sa kasal ko. Tapos nag-scroll pa ako sa comment section, puro "carmela and juanito" yung sinasabi, sabi ko siguro wattpad 'to. True enough, nakita ko rin sa comment sa section na sa wattpad nga, at nakita ko rin yung title. sinubukan ko siyang basahin.

Hindi ako nagsisi mga besh! Ang gooonnddooo!!!! Promise! Pagnakikipagusap nga ako sa mga workmates ko at sa love of my life (landi lang!) malalim na tagalog na rin eh, nakakahawa sila! Hahaha!!  

Pero hindi ko pa rin maiwasan yung habit ko na binabasa yung Epilogue, na-share ko naman na yun sainyo di ba(sa mga nagbasa ng mga naunang recommended stories dyan)? Ayun, nalungkot ako nung nabasa ko, akala ko nga hindi ko na matatapos basahin eh, ganun kasi ako, kapag di ko nagustuhan yung ending, hindi ko na tinatapos. Sorry. :(
Pero, okay naman yung ending niya kahit ganoon yung nangyari sakanila.

Pero, sobrang na-hook at na-curious ako sa flow ng story. Grabe pala yung plot twist!! Hindi ko talaga inaasahan na ganoon yung mangyayari! As in!!! Kakaiba siya, hindi ko rin akalain sa sarili ko na magbabasa ako ng historical fiction.

Tapos yung kantang "una't huling pag-ibig" kapag naririnig ko ngayon sila na rin ang naiisip ko. Tapos nahahabag yung damdamin ko kapag naaalala ko yung storya nila! Huhuhu! Basahin niyo yung ending habang pinapakinggan yung kantang yun, mas dagdag sa feels yun besh!

Basta! Basahin niyo na lang, baka ma-spoil ko pa kayo kapag nagtuloy-tuloy pa ako dito or bilhin niyo yung book!! Support Filipino writers guys! :)




Try it and enjoy! ^__^  





PS: Je'taime... Ich Liebe Dich... Te Amo! Carmela and Juanito. And sa'yo author! Salamat sa story nila. Isama ko na rin yung mga nagbasa at magbabasa ng istoryang ito. <3 Oo! Ako ng mapagmahal. Hahaha!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 14, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Chubbychic's Recommended StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon