III.

256 11 3
                                    

Pumunta na ako ng kuwarto nila Mommy para kunin sa cabinet niya yung itim na fur coat.

Matagal kong tinitigan yung fur coat nung mahawakan ko na ito.

Talaga bang sinabi kong isusuot ko 'to? 

Imposible.

Napakamot ako sa ulo bago ako lumabas ng kuwarto nila Mommy.  Kinuha ko na rin yung isang sombrero para sa dekorasyon.

Kailangan ko nang magmadali, baka maabutan pa ako rito at maisip pa nilang nag-iiba na ako ng kasarian.

Huminga ako nang malalim nung makabalik na ako sa kuwarto ni Shane.

Nakita kong namimilog na ang mga mata niya dahil sa excitement.

Paano ba ako napapayag ng babaeng 'to? May sa-sumpa nga yata talaga.

Delikado talaga ang buhay ko hangga't nasa paligid ko lang siya.

"Waaah! Ang cute cute naman niyan!" excited na komento niya. "Isuot mo na dali!" para na naman siyang bata.

Batang may matataas na sungay.

"Ito na ang una't huling beses na gagawin ko 'to," paglilinaw ko sa kanya habang idinodoble yung fur coat sa damit ko. Mabuti na 'to nang magkalinawan. "Sa susunod gagawa na ako ng rules para sa ating dalawa."

Nakita kong nag-pout siya.

"Huwag mo ngang gawin yan!" sigaw ko sa kanya.

Nagsalubong ang mga kilay ko nung makita kong lalo pa siyang nag-pout.

"Hindi ko kasi mapigilan e," murmur niya.

"Pwede kang mag-pout sa harap ng kahit na kanino, pero hindi pwede sa harapan ko," seryosong sabi ko. "Naiintindihan mo ba ako?"

Parang napipilitang tumango siya. 

Kahit naman pala papaano pwede ko rin siyang pasunurin.

"Kunin mo na yung camera mo," utos ko.

Napailing na lang ako nung nahirapan siyang maghanap dahil sa kakalatan ng kuwarto niya.

"Saan ko ba nalagay yun?" narinig kong bulong niya. "Alam ko dito lang yun e."

"Sa kama mo," nakangiwing sabi ko sa kanya.

Napalingon siya sa akin, pagdaka'y sa kama.

"Ah! Oo nga!" bumaling siya sa akin. "Salamat Champ!' ayan na naman ang pagpapa-cute niya. Psh.

Naalala kong isara yung pinto, baka kasi may makakita.

Siya naman, pumwesto na sa tapat ng kama niya nung makuha yung camera at naghandang kunan ako ng picture.

Pagharap ko pa lang sa kanya, kinuhanan na niya ako ng picture. Nasilaw lang ako sa flash ng camera.

"Waaah! Ang cute cute mo pala pag naging babae ka!" 

Mas mabuti pa nga sigurong naging babae ako. Mas mabuti pag ganun matatahimik ang buhay ko mula sa Sumpa ni Shane Yuan.

Pinili kong wag na lang magsalita at humarap na lang sa kanya.

"Ayy," nag-pout na naman siya pagkatapos ng ilang shot. "Gusto ko sana yung naka-pose ka!"

Ha! Pose?! Ano bang iniisip niya sa 'kin? Laruan?!

"Hoy babaeng sumpa, sumusubra ka na ah, pumayag na nga akong magsuot ng ganito, hihirit ka pa?!"

Natahimik siya at parang natauhan. Natulala e.

Dapat lang talagang maisip niya ang mga ginagawa niya.

Napamulagat ako nung makita kong humigit siya ng malalim na hininga.

Trinie's CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon