Paru-paro

437 8 6
                                    

  Sorry, I’m not into rhymes na po, kaya please bear with me kung freestyle gagawin ko. “)Oh siya, so much for drama..aja makata!

----------------------------------------------------------------@@@------------------------------------------------

    Paru-paro       

Ako’y uod na kay pangit,

gumagapang, lumalaban,

mayamaya’y mahihimlay,

paggisi’y bagong-buhay.

Lumilipad na parang anghel,

bampirang naninisipsip

ng dugong ubod-tamis,

paglaking umaasa sa iba.

Tumigil ka bulaklak,

di ko kailangan ang iyong ganda,

di ko kailangan ang iyong halimuyak.

Ang ganda ng buhay,

may saya itong taglay,

may aksyon itong hatid,

may pait na mababatid.

Buhay ko’y di magtatagal

pagkat pitong araw aking taning;

mula sa aking pagsilang,

gawi ko’y didili-dilihin.

Salamat sa isang linggong pag-ibig,

salamat sa pitong araw ng ligalig,

salamat sa mga oras na pinagsamahan,

paalam, kaibigan, paalam.

Trinie's CollectionWhere stories live. Discover now