II.

231 10 3
                                    

"Teka, Champ anak, maghunos-dili ka." Pinigilan ako ni mama bago ako makahakbang palabas ng kusina.

Huminto ako sa paglalakad. Sino ba talaga ang anak dito? Sirang-sira na ang birthday ko.

"Eh, hindi ka ba muna maghihilamos?" humakbang siya palapit sa akin.

"Oo nga naman, hijo," dagdag ni Daddy. "At saka, di ka ba naaawa dun sa tao? Nakailang araw siya sa ospital dahil sa hika niya."

Kinokonsensya nila ako. Tsk.

Ibinaba ko na lang si Chichi.

Kinuha ito ni Cielo. 

Pumunta muna ako sa lababo at wala nang imik na naglakad paakyat ng kuwarto ko.

Sumpa talaga ang babaeng yun. Wala nang ginawang mabuti sa buhay ko.

Kinuyom ko na lang ang mga kamao ko. Nauubusan na ako ng pasensya.

##

May napansin na akong siwang sa pinto ni Shane nung mapadaan ako sa kuwarto niya.

I decided to ignore what I saw. Ayokong makita si Sumpa ngayon. Hindi pa ako handang magkaroon ng Dilubyo sa araw na 'to. Tama na muna ang Bagyo.

Nagsimula na ulit akong maglakad palayo. 

But damn!

My curiosity's killing me. Gusto kong makita ang loob ng kuwarto niya ngayon.

Dahil yun ang dating kuwarto ko. Inalagaan ko ang kuwarto na yun ng labing-anim na taon. Ano naman kayang klase ng pangangalaga ang ginawa niya sa kuwarto ko?

Hindi ko alam kung bakit pero natagpuan ko na lang ang sarili ko na naglalakad pabalik ng kuwarto niya.

Humigit ako ng malalim na hininga bago ko binuksan nang tuluyan yung siwang.

Nanlaki ang mga mata ko nung makita ko na ung loob ng kuwarto.

Kuwarto pa ba 'to?

Basurahan na yata ang tawag dito. 

Nagkalat yung mga papel. 

Yung mga damit niya kung saan-saan nakasampay.

Pati yung kama...paano niya nagagawang matulog sa  ganyang kama? Tambakan yan ah. Ang daming nakakalat na mga libro. Yung mga notebook niya gusot-gusot na. 

Pati yung sahig. Wala yatang matinong pwedeng tapakan dito. Kailan ba siya huling naglinis ng kuwarto? Maalikabok.

Hindi pa yata niya nagagalaw ang mga dumi sa kuwarto na 'to mula nang lumipat siya.

Nakapanlulumo. Gustong bumagsak ng mga balikat ko.

Ang tagal kong iningatan ang kuwarto na 'to pero heto, naging dump site sa loob lang ng isang buwan. Tsk.tsk.tsk.

Ipinikit ko ang mga mata ko at nasapo ang ulo dahil sa kunsumisyon.

Mas maganda pa kung hindi na lang ako pumasok.

Ugh! Nakakapagpakulo siya ng dugo!

Nagpasya na lang akong lisanin na ang kuwarto niya.

"Lalalalalala..." narinig ko siyang kumakanta habang naliligo sa kuwarto.

Napalingon ako sa banyo.

Psh. Ang tatag ng sikmura niya. 

Pumihit ulit ako paharap ng pintuan. 

Dun ko pa lang napansin na puno pala ng sticky notes ang likod pinto niya.

Nilapitan ko yun para mabasa yung mga nakasulat.

Trinie's CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon