18

8.9K 114 16
                                    

Penpen de sarapen

"What is this and why are you giving this to me?" Kunot noo akong nakatingin sa isang maliit at kulay asul na velvet ring box.

"Singsing 'yan. Damage control. We have to do this kasi sinabi ni kuya na asawa ka n'ya. Alam mo namang kilala si kuya sa business at may plano pang tumakbo sa government position soon." He let out a frustrated sigh habang nililipat ang channel sa tv.

"I'm sorry for all this trouble, Wacks. I'd understand if you'd wanna break up with me as your bestie." Pumunta si Wacks sa condo kaya wala rin talaga akong chance na makaiwas pa. He came unannounced.

"Gaga ka! Bakit ko gagawin 'yon? You're dear to me, Isla." Inabot niya sa akin ang kanyang pinky finger.

"What's that for?"

"Promise. To be your beshiebells." Iniabot ko ang pinky ko. "Forever." He added.

"Walang forever! Maghihiwalay din tayo sa 23." I commented. Nangunot naman ang noo ni Wacks na parang hindi nagets ang joke ko hanggang sa mahinuha niya na.

"That's so old, Isla. Yuck! Member ka na ata ng tita's of Manila." We both laughed.

Sa tingin ko, hindi naman kailangan ng ganitong pagdamage control dahil wala naman doon sa video iyong parteng sinabi niya na asawa niya ako gusto ko sanang sabihin 'yon sa kanya pero mas concern ko yata ang family nila ngayon at kung ano ang reaction nila about dito. Nakakahiya. Una, kabit ako ng pinsan ko. Pangalawa, asawa ko na iyong anak nila na panganay. Imposibleng hindi nila alam iyon kasi techy na rin si tito Jaime at tita Silvia. Lastly, parang medyo nakakaoffend 'yong damage control. Ako ba iyong damage na tinutukoy?

"Paano iyong parents n'yo? Nakakahiya. Ang alam nila magjowa tayo." I am really worried. Ayaw ko ng may nagugulo ng dahil sa akin.

"Alam na ni dad." He said silently but enough for me to hear.

Nagkwento siya sa akin at nabanggit niyang kinompronta siya ng kuya niya about sa gender niya at inaantay na lamang umamin but Isla Alail Soreta-the-fake-girlfriend happened. Umamin na raw siya sa kanila nila. Sa ngayon daw, he feels free as a bird, however, hindi madaling nagsink in kay tito Jaime na pagiging pusong babae ni Wacks. Hindi raw s'ya kinakausap pero hindi naman siya binugbog or nagover react about it. Siguro iyong thought na nagsinungaling kami sa kanya ay iyong nagpasama ng loob ni tito. All the more na dapat akong makahingi ng sorry kay tito.

He can talk the way he wanted to talk na raw and be with people he wants to be with without thinking anything. I am happy for him pero I still feel troubled. Dumagdag sa list ko ng dapat makausap ang daddy ni Wacks. They deserve an apology dahil sa pagsisinungaling ko. They've been nothing but nice to me.

Sa ngayon, I am wondering kung bakit hindi nagpupunta si Dos. Not that I want to see him... Okay! Fine! Gusto ko siyang makita. I know I caused him so much trouble. Let's not be hypocrite here; I want to see him because the last time I saw him, he made me feel at home.

"Pupunta raw si kuya mamaya, bakla ka. Mag ayos ka na. Magpaaraw ka nga! Mukha kang panda." He said at pinatay na ang tv after browsing all the channels while we're talking.

UMALIS NA SI WACKS kanina at naiwan naman akong magisa sa condo. Tamad na tamad akong kumilos at lumabas lately. Wala akong ginawa rito kundi ang manuod ng movies ni Robert Downey, Jr. tapos lipat sa Netflix para sa Riverdale because of Hiram Lodge and Fp Jones being daddy as fvck. After ng Riverdale ay Dynasty dahil sa lupet ng plot twist at kung gaano kalandi si Elizabeth Gillies doon.

My Best friends' BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon