15

10.7K 124 14
                                    



Milo

The entire ride going to my condo was silent. Sa sobrang tahimik rinig na rinig mo na ang paglipad ng langaw kung mayroon man.

Hindi na ako nagsalita matapos nang huling sinabi ni Dos. I don't feel like arguing and explaining myself kasi half of my life, I've been doing that. Nakakapagod na at ang sakit kasi ng anit ko. Parang namimintig iyon at para ring banat na banat ang mukha ko. May sa-amazona ata iyong si Mari.

"We're here." He announced nang makapagpark sa isang parking slot for visitors. I looked at him. Nakatingin lang sya sa labas. Ganoon na lang ba siya mandiri at hindi niya magawang tignan ako? Pero hindi naman ako kabit. I sighed.

"Thank you for helping me, Dos. I'm sorry for the trouble." Hinawakan ko ang bukasan ng pinto at akmang bababa na nang magsalita muli ito.

"What were you thinking, Isla? Meeting a boy - merely a man." He said coldly still not looking at me. Pag kasabi niya no'n ay parang sinasaksak ng isang dosenang kutsilyo ang puso ko habang pinaliliguan ng seventy percent alcohol. Sobrang hapdi. Wala sa sariling napahawak ako sa aking kwintas. I hold on to it as if it could give me energy.

Lumingon ako rito at pilit nananalangin na tumingin ito sa'kin, hindi 'yong ganitong parang diring diri siya sa nalaman niya. Wala naman akong masamang ginawa.

"I was... I... I..."

"You what?!" He snapped at galit na nilingon na ako.

"You know what? I don't have the time to argue with you and to explain myself to you. I am grateful sa pagtulong mo kanina but I can handle -"

"Clearly not! You cannot handle yourself, Isla. Kung hindi ako dumating baka panot ka na ngayon!" I hate his guts!

"Siraulo ka! Inaano ba kayo ng buhok ko? Ano naman kung mapanot ako? May pera ako! Pwede akong pag pa-hair transplant! Alam mo? I don't have time for this." Agad kong binuksan ang pinto at lumabas ng sasakyan. I don't think I can be in the same place kung nasaan siya. Not now or not ever! Pwede namang tumulong na hindi pinamumukha! Isa pa, I didn't call for help!

Malapit na ako sa elevator nang may narinig akong malakas na busina.

"Isla!" Dos shouted. Nasa labas na ito na sasakyan niya at nakatayo. Pero ang kamay nya ay nasa manibela. "We're not done yet!"

"We're done, Dos." At pinindot ko na ang button para makapasok ea elevator. Napakamalas! Ang tagal pa bumukas. I was tapping my shoe on the ground to kill time. Hoping na hindi na lumapit pa si Dos but I was wrong. I felt him holding my elbow tightly. Medyo nararamdaman ko rin iyon pagbaon ng kuko niya. He turned me to his side para magkaharap kami. My eyes are starting to water again.

"I told you, we're not done. Look at me!" Matigas na sabi nito na hindi mo pwedeng suwayin. Naging instant batas na. Tumingin ako sa mata nito. Biglang umamo ang tingin niya sa akin. Nawala ang matinding galit sa mukha nito. Lumuwag din ang hawak niya sa siko ko. Still not letting go of my left elbow, he touched my right cheek. Agad na pinunasan ang nakatakas na luha sa aking mata. Oh! How I love the warmth of his hands.

"Just please. Let me be." Hinang pakiusap ko. Nakakapanghina ang araw na ito at wala akong ibang pwedeng sisihin kung hindi ang sarili ko. Bakit kasi ako bida bida na nagpresinta na kausapin si Cep? Hindi naman ako pinsan ni Jollibee! Pero wala namang masama! Sigaw ng isip ko.

Ting! Tamang bumukas ang pinto ng elevator. "Please let go." Mahinang pakiusap ko dahil hawak pa rin niya ang siko ko.

"I tried. But I can't." Malamyos nitong sagot.

My Best friends' BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon