Chapter 13- Sungit ni Sir

8.4K 318 17
                                    

Blaze

Taragis, kinailangan ko pa talagang tingnan si Google para sa meaning ng tachycardia. Fast beating of a heat. I made her heart beats fast. That made me smile like an idiot.

Nakatitig ako sa name ni Lovely sa cellphone ko at hindi ko alam kung tatawagan ko ba or ime-message or DM sa wattpad. Damn, hindi ko alam ang apelyido niya. Hindi ko naitanong man lang kung may IG siya. Nagfreeze ang utak ko simula pa lang ng tumingin siya sa akin mula sa librong binabasa. May sense ba ang mga pinagtatanong ko kanina?

For the sake of not looking an idiot, I didn't message or call her that night. But doesn't mean I didn't sleep smiling. Kinabukasan, sa sobrang laki ng ngiti ko, napansin agad ng mga estudyante ko.

"Wow, Sir, you're kinda in a good mood today." Bungad sa akin ng isang student. Ano nga ang pangalan niya? Hay basta... isa sa student.
"Yes, so don't start." I tried to look stern but failed.
"Ayyyieee, si Sir. So landi today." Sabi ng isa.
Napailing na lang ako instead na magalit.

Habang hinihintay ko silang matapos kumopya ng lesson sa board, I typed in a short message to Lovely.

How's ur day?
-Blaze

Mayroong tumunog na phone sa loob ng classroom at uminit yata ng kaunti ang ulo ko. Alam naman nilang ayaw kong nakakarinig ng sound ng cellphone sa klase.

"Can you please put your phone to silent mode?"
Nakayuko ang student kong babae na nasa likod na natatarantang naghalungkat ng bag at nilagay sa silent ang phone. Tumatawa naman sa tabi niya ang kaibigan niya. Diyos kong mga bata ito.

Matagal bago sumagot si Lovely. Palabas na ang mga student ko sa classroom ng makareceive ako ng message galing sa kanya.

Phones are allowed in Ateneo during the class hour?
-Lovely

I chuckled while typing.

Allowed, if you are not caught.
-Blaze

Too bad for students that were caught, then.
-Lovely

Natingin ang ilang student sa akin na palabas ng classroom. Particularly ang napagalitan ko kanina.

How did you know I was in class?
-Blaze

Six sense. Need to go to class. Baka mapagalitan ako ng masungit na prof dahil sa phone. Ciao.
-Lovely

Ingat ka.
-Blaze

I felt a little guilty for that student that I reprimanded.

Kachat ko si Lovely papunta sa next class ng tumawag si Brix.
"Conyobels." Bungad nya agad.
"Gago. May kasalanan ka pa."
"Hirap mo namang magtampo." Sabi niya. Narinig kong tumawa si Ryker sa background.
"Bati na tayo babe." Sabi pa ni Brix.
"Problema mo, kupal?" Tanong ko.

"My Gawd Sir Blaze. How many times do I have to tell you, do not curse at the corridor?" Sigaw ng isang student sa likod ko na ikinatawa ni Brix at Ryker.
"Sir Blaze, the conyos are reprimanding you. Do not make tawag us kupal." Tumatawang biro ni Ryker na ikinatawa ko na rin.
"Ano ba kailangan nyo?" Tanong ko sa mga kolokoys. Natanaw ko si MS. Rodriguez sa hallway kaya pumasok muna ako sa toilet ng mga student para magtago. Matindi pa sa tuko at linta ang babae na iyon.
"Free ka ba sa weekend?"
"Hindi. May excursion kami?" I replied.
"Para saan?" Usisa ni Brix.
"Para turuang maging mahirap ang mga bata dito." Sarcastic na sagot ko na ikinatawa nila.
"Sayang namans. Anyway, pakita ka sa amin minsan. Naghahanap kami ng kapalit ni Drake. Baka gusto mong bumalik pre."
Napahinto ako sa paglabas ng toilet. "Bakit daw?"
"Magmimigrate na daw sa US of A. Lalagay na sa magulong buhay. Iiwan na ang banda." Paliwanag ni Ryker.

Nang masure kong wala sa hallway si Ms. Rodriguez, lumabas na ako ng toilet at pumunta sa next class ko.
"Kailan aalis si Drake?"
"In three months yata. Pag-isipan mo ah. Tangina original Overdrive member tayo eh. Bumalik ka na Conyobels." Sabi ni Brix.
"Pwede ka naman magturo habang nasa banda gaya ni Jaxx." Dagdag pa ni Ryker.
"Sige kita tayo pagbalik ko next week."
"Bye Conyobels..." Paalam nila.

Tangina, aalis si Drake.

Fan ako ng Overdrive.
Babalik ba ako o hindi? Ano kaya ang masasabi ni Lovely?

Dear Sexylove,

Still thinking about you.

Can't wait for next time,
Blaze

Sexylove (Completed)Where stories live. Discover now