Chapter 10- Before Me

9.1K 354 22
                                    

Star

We try to hide our feelings, but we forgot that our eyes speak.
-Sexylove

Nakaupo kami sa likuran ng klase habang nag-uusap ang mga kaklase namin ni Rose tungkol sa nangyari sa UAAP.

"There's no evidence of her. As in, wala kahit isang picture." Sabi ni Michelle.

"They don't recognize you." Bulong ni Rose sa akin. Umiling ako. Kahit si Blaze, hindi niya ako nakilala.

Pumasok si Sir Blaze sa classroom na mukhang wala sa mood.
"Michelle," Tawag niya kay Michelle. Ang close nila.
"Sir, wala talaga." Sagot agad ni Michelle.
"Thanks, anyway." Walang ganang sagot ni Sir Blaze.

Tumalikod si Sir at nagsimulang magsulat. Half of me is scared he will see me and the other half is longing to be recognized.

"Star, can I ask you something personal?" Naglalakad kami papuntang library ni Rose.
"I was waiting for this day to come." I murmured.
"Ang mang-usisa ako?"
"Ang may magtanong sa akin." Huminga ako ng malalim.

Naupo kami ni Rose sa pinakatagong lugaw sa library.
"Nagulat talaga ako ng makita kita noong isang araw. You looked different. Bakit nagtatago ka?" Tanong ni Rose sa akin.
"Have you seen my Ate?" Tanong ko sa kanya. Umiling si Rose kaya hinanap ko ang picture ni ate sa phone ko.
"Look at her."
Tiningnan ni Rose si ate at napanganga siya.
"Ang ganda ng ate mo." Sabi niya.
Tumango ako at tinago ang phone.

"When I was young, parati akong inaayusan ni ate. Ginagawa niya akong Barbie. Sila ng best friends niya. I was not this shy type before. I was active and playful, something like Sexylove. Mahilig nga ako sa volleyball dati." Pagkukwento ko kay Rose.
"Then one day, nadapa ako sa school. Ang laki ng bato sa harapan ko pero hindi ko nakita. Pinagtawanan nila ako and that day started my insecurities to surface. Then pinatingin ako sa optometrist at binigyan nga ako ng salamin. Lalo akong pinagtawanan sa school at tinawag na nerd hanggang sa lumipat ako ng ibang school dahil nabubully ako. Hindi na ako nakapaglaro ng volleyball. Hanggang sa nagtago na ako. Nawala na yung dating ako. Feeling ko kasi pagtatawanan ako ng ibang tao sa bawat pagkakamali ko."

"So hindi ka talaga ganito kamahiyain dati... I see." Sabi ni Rose.
"Bakit hindi mo subukang ibalik unti-unti yung dating ikaw?" She suggested.
"Masaya na ako sa ganito."
"Masaya ka nga ba?" Tanong ni Rose.
Masaya nga ba ako? Itong si Rose ginagamitan ako ng degree niya. Pinagpapraktisan ako sa pagiging Psychologist niya.

"Alam mo Star, makikita lang ni Sir Blaze sa iyo kung ano ang gusto mong ipakita. Paano ka niya makikilala eh hindi naman kayo nabibigyan ng chance na mag-usap? Nagegets mo ako? To be able to fully recognized, one must be aware of your presence. Eh, how can he know that you are Sexylove when he doesn't even spend time with you? Example ah..." Huminga muna ng malalim si Rose bago nagpatuloy.
"Noong nakita kita na naka-ayos ka, hindi kita narecognize di ba? But when you talk doon ko narealize na ikaw nga si Star. Kasi nakasama kita diba so kilala kita. Same goes to Sexylove, paano makikilal ni Sir Blaze na ikaw iyon eh hindi mo naman siya nakakasama as Star and as Sexylove? Nakita ka nya, yes tama yun. Pero di ba kung ako na ilang taon mo ng kasama nagulat pa rin sa iyo, what more yung minsan ka lang nakikita?"

May point si Rose, as always.

"Why not spend time with him as Sexylove so he can know you, then spend time with him as Star so he can compare? Not compare like kung sino mas matimbang, compare as in to compare na yung gawi mo is the same sa gawi ni Sexylove para magkaroon siya ng conclusion. Para malaman niya na iisang tao kayo. Yun ay kung gusto mong makita ka niya. But if you want kilig lang and move on after graduation, then what's the point na makilala ka niya? And besides, bawal ang student-faculty relationship." Paliwanag ni Rose sa akin.
"You have a point." I said.
"The problem is, hindi ko alam kung ano ang gusto ko. Natatakot akong makita niya na ganito ako."
"Wala namang mali sa iyo. Nagtatago ka lang at kinalimutan ang dating ikaw." Rose smiled to me.

"Alam mo na ba ang balita?"
"Saan?" Tanong ko kay Rose.
"Si Sir Blaze ang kasama natin sa excursion." Bulogn ni Rose.
"Ha? I will back out." Natatarantang sagot ko.
"Tumigil ka nga. It's your time to shine." Excited na sagot ni Rose.
"Nag-absent ako sa trabaho para lang makasama tapos iiwan mo ako. Magtigil ka. Sasama tayo at makikipag-usap ka kay Sir Blaze." Rose said with finality.
"Ngayon pa lang ay kinakabahan na ako." I honestly said to Rose.
"Akitin mo si Sir."
Napanganga ako kay Rose.
"I am as seductive as cabbage, can't you see?"
Natawa siya. "Hindi ah, you are as bright as your own star. Kaya nga iyan ang ipinangalan sa iyo."

"Maiba ako, iba din ang landi ni Sir sa mga banat niya sa watty." Tukso ni Rose na ikinatawa naming dalawa.
"Malanding nilalang." I replied.
"See, ikaw nga si Sexylove. Ilabas mo lang yan." Rose tapped my shoulder.

Nagping ang notification ko at nakibasa si Rose sa DM.

"Nag-DM kayo?" Kinikilig na tanong niya.

Drummerboy- How's your day?
Sexylove- Starting to get gloom. I heard that you were not in a good mood.

"Taena, bakit kinikilig ako? Etong chat nyo at si Eduardo na lang ang nagpapakilig sa akin these days. Pati sa pag-ihi hindi na ako kinikilig."
Hinampas ko si Rose sa braso. Minsan, brutal ang biro eh.

Drummerboy- Just didn't sleep well. You were in my 2 am thoughts.

"Kyaaahhh..."Nangisay si Rose sa kilig.

Drummerboy- How did you know that I am in a bad mood?
Sexylove- I am everywhere. Hahaha
Drummerboy- Yeah it looks like. Students keep repeating your name and singing that song that it is now on my playlist and in repeat mode.

"Luh... si Sir, malandi din talaga." Bulong ni Rose.
Nagkatakip na kami ng bibig ni Rose para hindi kami sumigaw sa kilig.
"Go na, makipagkita ka na. Pero huwag mo na lang ipaalam sa buong sang-Atenean. Tangina din ang mga tao dito, bored na bored sa buhay nila." Napatingin si Rose sa paligid at baka may nakarinig sa amin.

Dear Blaze,

Thank you for reminding me what butterflies feel like.

Smiling,
Sexylove

Sexylove (Completed)Where stories live. Discover now