Chapter 2 ✿ The Devil's Confession

2.8K 31 8
                                    

"So Abeth, nandito na naman tayo sa usapang beauty, ganda at appearance." sabi ni Jiah habang nagpapabalik balik ng lakad sa harapan ko.

"Eh Jiah.."

"Alam mo Abeth, hindi naman ako nagagalit sayo. Ang sa akin lang, hindi ka ba nagsasawa? Dalawang taon ka ng insecure, hanggang ngayon insecure ka pa rin sa sarili mo?"

"Hindi mo kasi naiintindihan Jiah kasi hindi ikaw ang nasa sitwasyon ko." sabi ko sabay yuko.

So ano naman ang nangyari at nagiging insecure ulit ako? *insert buntong hininga here*

Second day na ng school festival at siyempre looking forward ako dahil marami kaming nakalinyang gagawin nina Miles at Jiah. Bukod sa pagbantay sa booth, marami pa kaming pupuntahang booth sa campus na di namin napuntahan kahapon.

Mag i enjoy sana kami buong araw, kung hindi lang umepal si Jayson at si Luke. Kahit kelan talaga mga kontrabida sila, hindi talaga nila ako tatantanan.

"Ikaw na naman." si Luke.

"Uy mag-isa ka ata ngayon? Asan ang matapang mong pinsan at kaibigan?" tanong ni Jayson.

Hindi ako umimik, pinagpatuloy ko na lang ang paglakad ko. Kinakabahan ako, hindi ko alam pero feeling ko hindi maganda na makita ko si Luke ngayon.

Naramdaman ko ang paghila sa kamay ko. Napatigil ako sa paglakad. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Yung bang takot na takot.

"Wag mo nga akong talikuran!" sigaw ni Luke.

"P-please...tumigil k-ka na." bulong ko. Nanginginig ang boses ko, sa mga oras na to gusto kong maiyak.

"Ha? Anong sabi mo? Di ko marinig, pakilakasan!" sbai niya tapos nagtawanan sila ni Jayson.

"Bakit mo to ginagawa sa akin? Wala naman akong ginawang masama sayo ah! Tantanan mo na ako. College na tayo, magpakamature ka naman!" sabi ko tapos bigla na lang akong napahagulhol.

Binitawan niya ang kamay ko. At saka nagbuntong hininga. Kahit sa mga ganitong sitwasyon, nag papaka cool ka pa! Nakakainis ka.

"Ayokong lumabas na masama okay? Pero galit talaga ako sayo. Sa tingin mo, natuwa ako sa ginawa mo two years ago?"

"Y-yun ba? Matagal na yun, kalimutan mo na yun!"

Kung alam mo lang Luke, mas malaki ang impact ng ginawa mo sa akin 2 years ago kumpara sa kung anong rason meron ka. 

"Sana nga eh makalimutan ko, eh kaso hindi!" nagitla ako ng tingnan niya ako ng masama. Galit na galit nga siya sa akin.

"Pinahiya mo ako! Alam mo ba nangyari nung nagtransfer ka? Naging tapunan ako ng tukso ng mga bully nating schoolmates. Sinasabihan nila akong bakla, at ng kung ano ano pa! Sinira mo ako! Ginawa mong impiyerno ang huling taon ko sa highschool!" sigaw niya.

HIndi ako nakaimik. Ibig sabihin, hindi lang pala ako ang biktima.

"K-kasalanan mo rin. Kung h-hindi ka s-sana umisip n-ng mas-sama sa a-akin, di sana..."

"Wala akong masamang gagawin sayo! Gusto ko lang nun makipagkaibigan!" sabi niya at saka yumuko.

"Huh?Ano? Wag ka ngang magbiro! Narinig ko lahat ng usapan niyo! Impossible!" sigaw ko.

Hindi yan totoo. Pagkatapos niyang sabihin na hindi ako maganda, at makikipagclose siya sa akin para may makokopyahan siya ng assignments! Sino bang niloloko niya!

"Tsk tsk, Abeth kung makikinig ka man lang kasi ng usapan ng iba, tapusin mo." sabi ni Jayson.

"Eh?"

Innocent BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon