Previous Page of 2Next Page

Innocent Beauty

spinner.gif

"Talaga? Gusto niya 'ko?"

"Oo pare, lakas mo talaga sa chicks."

Nag smirk si Luke. Wah! Ang mga smirk niyang nakakaloko! Kinikilig ako!

"Yun nga lang hindi siya chicks." sabi ni Luke saka nagtawanan silang magkakaibigan.

"Hard pare!" sigaw nung isa niyang barkada.

"Totoo lang sinasabi ko. Hindi naman maganda ang Anabeth na yun, wala siyang panama sa ibang girls na nagkakagusto sa akin. Wag na siyang umasa na mapapansin ko siya."

"Hahaha pero pare may kwenta rin ang babaeng yun!" sigaw naman nung isang chinito.

"Oo nga pare! Pwede tayo dun magpagawa ng assignment."

"Wow! Good suggestion pare!" sigaw ni Luke sabay apir doon.

"Konting landi lang dun Luke, bibigay din yun!" sigaw uli nung chinito.

"Kinikilabutan ako sa suggestion mo Jayson!"

Yumuko ako. Unti unting pumatak ang mga luha ko. Grabe ang sakit. Ang sakit ng mga salitang narinig ko. Feeling ko, ang baba ko masyado para apakan lang nila at pagsabihan ng mga ganun. Hindi sila nakakatuwa. Nakakainis sila!

"Gusto pa naman kita Luke, pero ang sama mo! Hindi ako papayag na bastusin niyo lang ako ng mga barkada mo!" bulong ko.

"Bahala nga kayo. Hindi nakakatuwa ang pinaplano niyo. Manggagamit pa kayo ng ibang tao."

Natigilan ako. Agad akong sumilip sa bintana. Sino kaya yun?

Ano ba naman yan, ba't nakatalikod siya? Di ko tuloy makita ang mukha niya.

"Di ka namin pinipilit Jude. Bahala ka nga sa buhay mo!" sabi ni Luke.

"Fine. Bahala rin kayo." pagkasabi nun naglakad na palabas yung tinatawag nilang Jude.

"Jude..." bulong ko.

September na. Malapit na ang exams, lahat kami busy. Bukod sa review, marami rin kaming nakatambak na assignments at projects na dapat tapusin bago ang exam week. Nakakastress maging estudyante, gusto ko na magbakasyon!

"Abeth, pahiram nga ng notes mo sa algebra." sabi ni Jiah.

"Kunin mo sa bag ko. Tinatamad ako."

"K dot." pagkasabi nun, kinuha ni Jiah ang bag ko na nakasabit sa desk.

Si Jiah pala ang pinsan ko. Parehas kaming nasa third year highschool, yun nga lang di kami classmates. Bumaba kasi grades niya last year kaya sa ibang class siya napunta.

Nasa may school cafeteria kami para pumatay ng oras and at the same time para mag aral na rin. Kaso si Jiah lang ata mag-aaral kasi tinatamad ako. T_T

"Hi Anabeth!"

Pamilyar ang boses na yun. Lumingon ako sa gawi ng tumawag sa akin. Napa simangot ako.

"Oh my gosh my dear cousin! What's the meaning of this? Si Luke? Seriously? Close kayo?" tanong ni Jiah na manghang mangha sa nangyayari.

Kung alam mo lang Jiahna ang dahilan kung bakit nandito ang lalaking yan. Napifeel ko ang pag kulo ng dugo ko.

"Anabeth, buti na lang nakita kita." sabi nito at saka nag smile. Lumapit siya sa table namin ni Jiah.

"Bakit?" sabi ko, kunwari di ako galit.

Previous Page of 2Next Page

Comments & Reviews (43)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Cast

Kim Yoonaas Anabeth Santiago
Choi Si Wonas Jao Hayden Kim

Who's Reading

Recommended