Abeth●Jao

5.1K 47 18
                                    

"And the ugly duckling was amazed to realize it had grown into a beautiful swan."

Napabuntong hininga ako. "So kelan ako gaganda?" sabi ko.

"Abeth! Ano ka ba? Akin na nga yan!" sigaw ni Jiah sabay agaw nung book na binabasa ko. "Alam mo insan, hindi to totoo! Duck naging swan? Isa tong katangahan. Hahaha."

"Buti pa ang pato gumaganda." bulong ko ulit.

"Eh hindi ka naman pato insan este, hindi tao ang pato so bakit siya gaganda? Nuh ka ba!"

Tiningnan ko ng masama si Jiah. Kanina pa tong umiepal na pinsan kong to. Nag da drama ako eh, sinisira niya moment ko.

"Ano na naman nangyari ha Anabeth Santiago? Bakit nagiging ganyan ka na naman? May umaway na naman ba sayo?" tanong niya.

"Actually wala." straight kong sagot.

"Wag mo akong niloloko dyan. Sino? At ng ma resbakan natin?" sabi niya.

"Wala talaga Jiah." napabuntong hininga ulit ako. "Ano kasi, bukas."

"Huh? Ano bukas?" tanong niya.

"Diba kasi school festival bukas? Naassign akong magbantay sa booth namin. Nahihiya akong humarap sa maraming tao."

"Kaya ka nagkakaganyan?"

"Mm, parang."

Hindi umimik si Jiah. Siguro nagsasawa na siya. Nagsasawa na siyang palakasin ang loob ko at sabihan ng ano ka ba insan, wag mo na yang isipin, wala silang paki sayo kaya hindi ka nila aawayin. Tapos tatawa pa siya ng malakas, ngayon tahimik na lang siya.

"Wahahaha Jiah, kungsabagay wala naman silang paki sa akin kaya ba't nila ako aawayin? Overthinking na naman ako. Pasensiya na Jiah."

"Of course pinsan! Wapakels talaga sila sayo, at saka di ka nila kilala. Tsaka, mas interesado sila sa laman ng booth niyo, hindi sa inyong mga bumabantay! Ikaw talaga hahahaha." sigaw ni Jiah habang tumatawa.

"Ba't kasi ako umiisip ng mga ganito." kinuha ko yung book kay Jiah. "Geh, matutulog na ako. Panira ka ng moment Jiah pero loves pa rin kita. Good night!"

"Good night rin sayo Abetha, makatulog ka sana!" sabi niya at saka ako kiniss sa pisngi.

Naglakad na ako diretso sa kama. Mahihiga na sana ako kaso bigla akong may naalala.

Teka, wait. Di ko pa na iintroduce ang sarili ko.

Ako pala si Anabeth Santiago. Abeth for short. 18 at first year college na. Engineering pala ang course ko kasi matalino ako, joke lang. Gusto ko sana mag psychology, kaso ang daming babae dun. Babaeng matataray, baka awayin nila ako. Buti pa sa department namin, wapakels sa akin ang mga kaklase ko. Karamihan kasi sa kanila lalaki, kaya hindi naman nila ako inaaway.

Anyways, simple lang ako. Hindi maarte, hindi mataray, mabait kasi ako at saka masayahin! Isama niyo na ang pagiging maingay ko. Yun nga lang, wala akong tiwala sa sarili pag dating sa ibang bagay. Hindi rin malakas ang loob ko, most of the time napapaatras ako, lalo na kung maraming tao. Siguro dahil na rin sa nangyari sa kin nung highschool ako.

Nakatira pala ako sa bahay ng tita ko. Nagshishare lang kami ni Jiah sa iisang kwarto, which is kwarto niya. Ang parents ko kasi ay busy people. Twice a month sila umuuwi, at di rin naman tumatagal, kaya naiiwan sa katiwala ang bahay namin. Sanay naman ako, kasi ganito na kami since elementary days.

Bukas pala, school festival. Naiexcite ako pero at the same time kinakabahan. Na assign kasi ako magbantay sa booth namin. Yung booth namin nagbibenta ng mga dreamcatchers, friendship bracelets, keychains at kung anu-ano pa. Sana mapagawi kayo dun! Wahahaha.

Anyways, gabi na at may event pa bukas kaya kailangan ko ng matulog. Goodnight sa inyo!!! 

❈❈❈❈❈❈❈❈❈❈❈❈❈❈❈❈❈❈

Jao Hayden Kim went from being "in a relationship" to "single".

a minute ago .Like.Comment

515 people like this.

Hmp. Single na nga yung tao, nilike pa nila. Nakakabwisit. Magla log out na sana ako kaso biglang may nag chat sa akin.

Wendy: Jao. SIngle ka na?

Kinikilabutan ako sa babaeng to, Hanggang ngayon nagpapapansin pa rin siya sa akin kahit sinabihan ko na siya na wala siyang pag-asa sa akin dahil di ko siya gusto. Bahala ka nga sa buhay mo.

Nag log out na ako at saka inayos ang hihigaan ko. May pasok pa ako bukas, kailangan ko ng matulog.

≥Ö‿Ö≤: T-teka lang Jao! Magpakilala ka muna!

Hm? (─_─)

(─‿‿─): Jao, kailangan mong magpakilala sa mga readers para naman may idea sila sayo kung anong klaseng tao ka.

(⌣̀_⌣́): Sorry pero matutulog na ako. Ikaw na lang, at saka obligasyon mo yan. Geh.

ᕙ(`皿´)╯: Walangjo ka Jao! Ang sama mo talagang lalaki ka!! Naku naku kung di ka lang gwapo eh sinisante na kita! Bwiset!

Innocent BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon