Chapter 4-Don't Worry

46 1 0
                                    

4

Naging maingay na ulit ang mundo ko--pero hindi dahil sa mga naririnig kong sinasabi ng mga taong nakatingin sa akin. 

Kundi sa mabilis na tibok ng puso ko.

Ganito ang pakiramdam kapag hinahalikan ka sa pangalawang beses? 

"Pfft!", narinig kong sabi ng lalake sa harapan ko. "Hanggang ngayon iniisip mo pa rin yan?"

Nagbuntong-hininga ako. Oo, siya pa rin ang nakakabasa ng isipan at hindi ako. Walang nangyari sa revenge/returning-of-skill kiss niya. Nakakainis kasi siya. 

"Ah ganon sa akin ka ba nainis", bigla siyang naglakad ng seryoso. "Pasensya ka na. Pero salamat na rin"

"Kahit hindi ko naiintindihan, kailangan kong mag-cope di ba?". tumigil ako sa paglalakad, "Pero teka...BAKIT KA NANDITO SA SCHOOL KO!!"

Napasigaw nanaman ako ng malakas. Matapos ang halik na yon, hinatak na ako ni Grey papalayo. At nakakaloka dahil hanggang ngayon, mukhang naalala pa rin nila ako kahit tatlong araw na ang lumipas. 

"Wala lang. Gusto ko lang dito", ngumiti siya sa akin. 

"Kung gusto mong makita si Gracie, wag mo na akong kausapin", tinakpan ko ang mukha ko at dali-daling lumayo sa kanya. 

"Rhiella!", sumigaw siya. Napatigil naman ako. "Wag mo ng babanggitin ang babaeng yon. Tsaka", parang nalusaw ang mga ngiti niya, "Ang galing mo no. Lahat ng iniisip mo sinasabi mo, maliban don sa--Pfft!"

"Kung ipagyayabang mo yang kissing experience mo maghanap ka ng ibang kausap!!", hindi ko nanamang mapigilang mapasigaw. Ayan tuloy mukhang pinagtitinginan nanaman kami. 

"Gusto mo bang sabihin ko sa yo ang iniisip nila?", bulong niya sa akin. 

"Sa tingin ko, alam ko na yon, kahit hindi ko nababasa talaga sa isip nila. Sa mukha palang nila halata na. Sinasabi nila na ang landi kong babae", nagbuntong-hininga ako. 

"Mali kaya!", bigla siyang bumulong, "Masyado daw akong gwapo!", tapos tumawa siya ng malakas. 

"Bago ka magyabang...paano ka ba nakapasok dito? E hindi ka naman estudyante dito?" tanong ko sa kanya. 

"Hah! Madali lang yan no. Alalahanin mo ang surname ko", ngumiti siya. 

At ako naman, inisip ko naman kung ano ba ang nabasa ko, Grey...Grey...Feliciano

Ngumiti na siya, alam ko ng tama ako. 

"O ngayon naman isipin mo kung saan related ang Feliciano, gusto mo maglakad-lakad pa tayo para maisip mo e", sabi niya. 

So, ako, eto, sunod naman sa kanya. Naglakad-lakad kami habang ako, nag-iisip na. Hanggang sa mapatigil kami sa board kung saan nakasulat ang pangalan ng board of trustess....at sa pinakatuktok. 

The Mindreader's KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon