Chapter 6-You're Here

42 4 0
                                    

6

Dahil bored ako nitong mga nakaraang araw, napagdeisyonan kong magregister sa isang OUTBREAK campaign para mamayang gabi. Naging tahimik na rin kasi ang mga araw ko simula ng pumunta si Grey ng Korea. Pero don't get me wrong hindi ko siya namimiss...oo, tama, yun nga ang dahilan. Yun nga di ba?!

"AAAAAAHHHH!", malakas kong sigaw. 

"Miss ayos ka lang ba?", tanong sa akin ng manong driver. 

"Pasensya na po Manong hehe", sabi ko nalang sa kanya. 

Ngayon, naging mas maagaan na ang ulo ko dahil na rin siguro dahil wala na akong marinig na iba pang ingay galing sa isip nila, pero mabigat ata ang pakiramdam ko ngayon. Bwisit ka Grey!

Ay teka...bakit ko ba siya iniisip. Nandito ako para sa isang adventure!

Ngayon lang ulit ako sumali ng isang Outbreak Campaign. Nung nagtry kasi ako ng ilang beses, walang thrill, dahil na nga sa  nababasa ko na ang isip ng mga coordinator kaya alam ko na ang dapat daanan at kung saan lalabas ang mga zombies. Kaya iyon, nakakatamad. Pero ngayon, mukhang may astig na zombie adventure na ako!

Oo, ang event na ito ay parang isang Real-life experience ng Walking Dead o Zombie Apocalypse.

Pagkababa ko sa lugar,  nagparegister na ako at binigyan na ako ng number. 

"Wala po ba kayong teammates Miss?", tanong sa akin ng isa. 

"Ay wala e. Okay lang ako kung saan man", sabi ko nalang sa kanya. 

"Ah, sige po sama nalang po kayo dito sa team na ito kulang po sila ng isa", sinama niya ako sa isang grupo ng mga lalake. Seryoso ba siya? 

Puro sila nakatalikod sa paningin ko at mukhang nagdedevise na sila ng plano. Tinawag na sila ng Coordinator at sabay-sabay silang humarap. 

"Ah hello, please isama niyo siya sa Team niyo. Thank you", nakangiti niyang sabi. 

Kailangan pa bang magplease. Sana pala nag-isa nalang ako. Pero--

"Rhiella!", gulat na gulat niyang pagkakakita sa akin. Para siyang sira. Para pa rin siyang bata. 

"O nandito ka pala!", nagulat ako dahil akala ko isang linggo siya sa South Korea. E pang 6th day palang ngayon. Don't get me wrong, hindi ko yon bilang a, hindi yon nakamark sa calendar ko!

"Magkakilala kayo?", nagtaka yung isa. 

"Hi Miss ano nga palang pangalan mo?", sabi nong isang lalake. 

"Rhiella Santibanez", sabi ko sa kanila at ngumiti ng kaunti. 

"Ang cute naman ng pangalan mo, bagay sayo", ngumiti ang isang lalake sa akin, "Hi! Ako nga pala si Blue!", hinawakan niya ang kamay ko at sapilitan siyang nakipagshake hands. 

"Ah e", tumango nalang ako. Pero alam kong alam na ni Grey ang iniisip ko. 

"PFFT!", sabi niya sa tabi. 

Tinignan ko siya at sa isip ko, "Grabe tong kaibigan mo katulad mo talaga"

Nandito na ulit si Grey sa harapan ko. 

Biglang naging seryoso ang mukha niya at pagkatapos nakita ko ang genuine na ngiti sa mukha niya. Ngayon ko lang ulit to nakita. Parang ang saya. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 20, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Mindreader's KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon