FLIAFS: Chapter Seven Part 2

56 4 1
                                    

[Daniella's POV]

"Ano, masakit ba?" tanong nito sakin habang hawak ng isang daliri niya ang baba ko at bahagyang itinaas.

Napatakip ako ng bibig ko gamit ang kamay ko at napaurong sa aming kinatatayuan.

"What?" tanong niya sakin. Baka nakahalata at nagtataka kung anong nangyari.

"B-bakit mo ako tinatanong ng ganyan?"

"Natural. Dahil napaso ka."

Takte. What is this feeling.

"B-bakit bigla bigla naman ata ang pagkaconcerned mo sa akin ngayon?"

"Haha." Napatawa naman siya ng konti. God. I love his smiles. Hindi nakakasawang tingnan. Pero .Wait! Daniella. Ano bang pinagsasasabi mo jan! You dont even like him! Do you!?

"Dream on girl. Im just making sure that nothing bad will happen coz you are my responsibility until our deal is done." Nagpatuloy na siya sa pag inom ng kape niya . Ako naman ay talaga nalilito at natutulala.

"Iyon lang iyon." dagdag pa niya. Parang nangungumbinsing yun lang talaga.

Tapos pumunta na siya dun sa sofa niya sa sala at humiga.

"Ano kayang nangyayari sa impaktong yun. Hindi siya yung Daniel na nakilala ko."

OMG. Does he like me?

Anokeberrr. Assuming ko naman ata. Pero malay nyo diba!

"Miss.." lumingon ito sa akin at mukang nagtataka. Kumunot na naman ang noo niya.

"Ano pang ginagawa mo diyan? Pumunta ka rito at ipagtitimpla mo pa ako ng kape."

Aba. Adik sa kape? 

"Ano. Magtimpla ka mag-isa ---..."

"Katulong kita ngayon baka nakakalimutan mo. Gawain mo ang ipagtimpla ako ng kape." Bumaling ulit ito sa panunuod ng tv.

"Now if you dont mind. Pumunta ka rito and make me some coffee."

"Pano po ako makakagawa ng kape kung pupunta ako dyan?"

"iniinsulto mo ba ako?"

"Ay hindi po. Gagawa na nga po ako ng kape. Sabi ko nga ho Sir." Topak ng impaktong ito. Kani-kanina nagcoconcern pa sa akin tapos ganyan. Tssss. ako. Ilusyon ko lang yung concern concern na yan! Nako .Tigilan mo yan Daniella.

Pagkatapos kong maggawa ng kape ay isnunod ko agad ito sa kanya.

"Halika. Dun tayo sa labas." Anak ng teteng. Pinapagod ba ako nito. Kanina nasa labas na nga pumasok pa. Nakakapagod magpaikot ikot aba!

"Yes sir." sabi ko na lang.

Umupo siya dun ulit sa couch niya tapos inilapag ko na rin sa table yung kape niya.

"Nag breakfast ka na ba?" Aba. He does really care. Hahahah. Assuming na ko!

"Sagot!" 

"O-oo. Nagbreakfast na ako bago pa ako pumunta rito."

"Good. Ayoko kasing may kasama kapag kumakain ng kahit anong meal." Ay yun naman pala. Kala ko yayayain niya ako ng breakfast! Hahahah.

"At ipaggawa mo na rin ako ng breakfast. Gusto ko yung heavy meal." God . I cant believe this. Kinarir talaga niya pagiging seniorito niya ha! Hampas lupang ito. Nakakagalit.

"Problem?" Nagtatakang taong ito sa akin.

"Wala ho among tunay!" tapos pumunta na ako sa kitchen iya para ipagluto ng kung ano man tong impaktong ito.

"Daniella." Bago pa man ako makapasok sa bahay niya ay tinawag niya ulit ako.

"Ano po iyon?"

"Ayusin mo yang paggamit ng balabal. Bigay sakin yan ng fan ko." At kelan talaga ipagdiinan na galing sa fan niya?

Nagulat na lang ako ng nasa harapan ko na siya. Inayos nya yung balabal sa leeg ko. Dahil dun ay napaatras naman ako.

"Oh, may problema ba?" tanong nito sa akin.

"Ngayon lang ba may nag-ayos ng balabal para sa'yo?" tanong ulit niya.

"Well. There's always a first time for everything. Right."

Teka. Bakit ba kasi ganito ang nararamdaman ko ngayon. I dont know. Bigla bigla bumibilis tibok ng puso ko tuwing lalapit siya.

Tinapik niya ako at dahil dun natauhan naman ako sa kaiimagine ko ng bagay-bagay.

"Kung alam mo lang .Ngayon lang may nag ayos sakin ng balabal. Ngayon lang may nagalaga sakin ng ganito. At nakaka inis. at ikaw pa yung kaunahang taong gumawa sakin nito." wika ko sa isip ko.

Finding Love in a Flower ShopTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon