FLIAFS : Chapter Two

93 4 2
                                    

[Daniella's POV]

Huminga ako ng very deep at ngumiti. Umalis ako sa counter para i assist tong impaktong ito. Para matapos na at para maipagpatuloy ko ang pagnanasa ko kay Axel ko.

"Yes sir? What can I do for you?" Sabi ko rito ng may pagkaasar na tono.

"Wala kasi akong alam sa flower-flower combinations na yan eh. Pwede mo ba akong tulungan?" Aba at naging buo ang boses nito. Not to mention, ang ganda ng boses niya. Pero hinding hindi mo ako matatablan ng killer looks and voice mo! Dahil para sa akin isa lang talaga ang nasa puso ko. Isa lang.

"Give me something that a special woman would want to have."

Walang sabi-sabi. Binigay ko sa kanya ang nasa flower vase na nakadisplay sa ibabaw lang ng counter, ang nag-iisang tangkay ng zinnia flower at yon ang binigay ko rito habang nakangiti ako.

"Heto sir, Zinnia flower. Maganda yan. Para sa mga special woman."

"Miss, ang sabi ko for a special woman. Muka namang ewan yang bulaklak mo."

"Special as in retarded diba!?" asar kong tanong.

"Retarded?"

"Yes! Natumpak mo. Sabi mo special. Special is equal to Retarded in my flower dictionary Sir." syempre smile parin ako sa kanya.

Nagsalubong ang mga kilay nito. Infairness. Gwapo pa rin siya. And if its what I think. Huhulaan ko.  Hindi siya iimik, ibabalik niya sa akin ang mga flowers at aalis sa shop ko at magpapatuloy ako sa pagtingin sa aking irog. End of story!

"Kahit kelan hindi pa ako nakatanggap ng ganitong klaseng company!" Galit na wika nito sa akin. Aba kung hindi niya ako inistorbo hindi ko siya gaganunin. And whats wrong sa ginawa ko diba! He asked for my assistance ayan I gave him naman! Topak ng hayop na to.

"I have never felt insulted like this in my entire life here at Club Unlimited! And to you miss. Kung ayaw mong pagsilbihn ang mga costumer mo dapat hindi ka na lang nagtayo ng shop dito."  Dagdag pa nito.

"Excuse me sir ha, teka lang." Breathe deeply Daniella. Focus. Focus. Inhale. Exhale. GO!

"Teka, una sa lahat SIR, hindi kita iniinsulto. Anong pang iinsulto ba ang ginawa ko sayo? Ang bulaklak? Excuse me. Ang zinnia ang bulaklak na nagbibigay relaxation sa mga tao." Ayan ang paliwanag ko. Kunwari totoo lahat ng sinabi ko tungkol sa bulaklak.

"Humingi ka ng suggestion diba. Ayan I gave you an answer. I dont think there's an insult about that right? Tapos sasabihin mong ininsulto kita, how dare you SIR, at gusto mo pang ipasara ang shop ko! Ano ka boss dito? Excuse me porke Exclusive member ka eh kaya mo na ipasara ang shop ko." Inabot ko sa kanya ang zinnia na binalik niya sa akin. "Heto sir, flower for you! For free. Baka kasi troubled rin utak mo, kaylangan mo yan! Para makapagrelax ka naman!"

Galit na siya. HAHAHAHA.

Kinuha niya ang bulaklak.  " You're sick!" anya pa nito.

Ginaya ko lang naman ang seryoso nyang mukha at boses niya. "Then call the doctor very quick." sabi ko.

Tumingin lang siya sakin ng matagal. Sa sborang tagal, parang tinubuan na ako ng ugat  at nagkalanta lanta na ang mga tinda kong bulaklak. At sa sborang tagal ng pagtititigan namin. Napansin ko ang kanyang kagwapuhan.

I admit. Gwapo siya. As in. Material Boyfriend. Angelic face. Cute pointed nose. OO tangos ng ilong niya. As in. Rosy and mukhang kissable lips. Smiling and tantalizing eyes and kahit hindi siya nakasmile that time, he really looks so handsome. Kahit na may Axel ako, kung hindi lang pang impakto ang ugali nito. Malamang. Tumpak! Baka pagpantasyahan ko rin itong isang to.

To break the silence and awkward titigan namin. "Hoy, manong. Bibili ba kayo o ano?" Hindi pa rin siya kumikibo. "Aba'y marami pa po akong gagawin imbis na makipagtitigan sa inyo. Gusto mo bigyan na lang kita ng picture ko, may autograph pa yon--"

"Hindi na." Pagputol nito sa pagsasalita ko. Napaka antipatiko talaga! Walang galang sa babaeng nagasalita. And worst. Pinutol niya yung tangkay ng zinnia flower ko then isinuksok yung bulaklak sa may vase.

"Salamat na lang sa napakagandang pag aassist mo Miss."

Tumalikod na siya. "Uy sige ingat!" sabi ko sa kanya. Nakakainis kasi. Grabe sinayang nya ang oras ko!

Dinampot ko agad ang telescope pagka alis na pagka alis niya at tumingin pabalik kay Axel ng buhay ko. "Hey Axel,  how are you eh? Nandito lang ako ha!"

"Kung hindi ba naman ako sinuswerte, grabe! Those muscles!" saktong-sakto naghubad si Axel babes! God! Just look at those muscles! Panalo itey!

Sulit na sulit talaga ang unexpected kong pagtatayo ng shop dito sa CU! Bukod sa walang lugi, malakig tubo. Maraming gwapo. Libre pagkain every friday. Malaki ang bonus. Ay ito pa! Ang pinakamalaking bonus sa lahat. Si Axel Bryan Hermoso. Ang tanging lalaki ng buhay ko. Sino ba namang babae ang hindi magpapantasya sa kanya. Lalo na kung nasa harap lang ng shop mo! Hayysst. This is the dream! Life couldn't be any better than this!

Nagpalipat lipat akong tingin dahil biglang umalis ang irog ko. Nagulat ako ng masilayan ko si Kuya Mark at ang boss ng CU si Phillip James Palmero. 

OMG. Whats happening!!!!!

Finding Love in a Flower ShopTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon