Forty Six

109K 2.2K 69
                                    

"Michaela! Bumaba ka na, baka ma-late ka!" sigaw ni Kuya maico mula sa baba.

"Eto na po! Bababa na!" ganting sigaw ko naman.

Tinignan ko pa ulit ng isang beses ang hitsura ko sa salamin. Napangiti ako sa sarili ko. Okay na. Kinuha ko na ang mga gamit ko saka bumaba ng hagdan at dumeretso sa kusina.

Nandito ngayon si Kuya at 'yung dalawa niyang anak. Oo, dalawa. Si JM na bitbit niya ngayon habang hinehele at 'yung isang...

"Betty!" saway ko. Nginangatngat na naman kasi ang tsinelas ni Xander na pambahay (binili namin 'yun ng terno para pag nandito siya).

Sandali lang tumigil sa pagngatngat ang aso at nagpatuloy ulit. Sa ngayon, mas malala pa. Mukhang gusto talagang murderin 'yung tsinelas ni Xander. Inis na tumingin ako kay Kuya na tatawa-tawa lang.

"Kuya! Sawayin mo nga 'yang anak mo!" sabi ko bago umupo sa hapag.

Narinig ko namang tumawa si Kuya saka sinaway ang aso. Sana, this time, tumigil na siya.

Umuwi ng probinsya ang yaya ni JM kaya nandito sila ngayon. Isang linggo lang naman hanggang sa bumalik ang yaya niya. Itong si Kuya, kailangan daw ng tulong kaya ako ang ginugulo. Hindi niya raw kayang alagaan mag-isa si JM. Saktong nandito ang dati kong yaya kaya may mag-aalaga sa bata.

"Ayos na ba 'yung mga kailangan niyo?" tanong ni Kuya.

Tumango ako. Ang tinutukoy niya ay ang mga nilutong palaka na dadalhin ko ngayon sa campus.

Ngayong araw, pagpipilian ang mga finalist ng outstanding research ngayong taon. At pinalad kami ni Xander na mapasama roon. Nagawa na namin ng maayos ang research this time at nakakuha kami ng mataas ng marka. At heto nga ngayon, candidate pa sa outstading research.

It's been nine months simula nang magkaayos kami at sinabi niyang engaged na ako sa kanya. Well, hindi naman talaga namin 'yun sineseryoso. Though, in the future, sana, doon din ang punta namin. Naging mas maayos ang relasyon namin this time. Hindi kami masyadong nagtatalo. Though hindi naman mawawala 'yung paminsan-minsan na tampuhan, mabilis naman naming nalalampasan 'yun.

Nitong mga nakaraang buwan lang may nabago kay Xander. Masyado siyang naging busy sa pagtulong sa Papa niya. Nagtatayo kasi sila ngayon ng mga branches ng grocery store nila. Sa pagkaka-alam ko, may tatlong branch na 'yun at may limang itatayo pa sa iba't-ibang panig ng probinsya. Dahil mag-isa lang naman ang Papa niya at hanggang ngayon ay nagta-trabaho pa rin naman sa company ni Kuya, silang dalawa ng Ate niya ang umaasikaso sa karamihan ng kailangan para roon.

"Susunduin ka ba ni Xander?" tanong ni Kuya na pumukaw sa akin.

"Ah, hindi. May aasikasuhin daw siya ngayon sa kabilang bayan. 'Yung tinatayo nilang branch dun," sabi ko.

Tumango lang si Kuya saka nagpatuloy sa paghehele kay JM. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang bata. Parang kahapon lang nang dumating siya sa buhay namin, ngayon malapit na siyang mag isang taon.

Kelan kaya kami magkakaroon ng JM ni Xander?

Napailig agad ako sa naisip ko. Ano ba 'yun? Ni hindi pa nga namin na-iisip ang kasal kung anu-ano nang pumapasok sa isip ko. Saka, ni hindi pa nga kami nakaka-graduate!

"Alis na ako, Kuya," sabi ko pagkainom ng tubig.

"Sige, ingat ka."


~*~


Marami nang tao sa grounds nang dumating ako. Kanya-kanya nang tent ang bawat finalist. Hinanap ko naman ang tent na naka-assign sa amin ni Xander. Napangiti na lang ako nang makitang naroon na ang banner na pinagawa namin.

My Poker-Faced GuyWhere stories live. Discover now