Chapter 5 - Vice President

56 1 1
                                    

Serafina's POV

Pumasok ang bus na sinasakyan namin ng kusang bumukas ang tarangkaha namamanghang pinagmasdan ko ang luob,

sa bandang kaliwa ko may napakalaking arena, katulad na katulad to sa pelikulang napanuod ko nuon, nakalimutan ko lang kung anong pelikula yun, sa bandang kanan ko naman ganuon din ang itchura yung pinagkaiba lang maliit ito kumpara sa arenang nakita ko.

Bakit kaya ang daming arena dito? Para naman itong war zone

Katabi ng maliit na arena ang dalawang building, ang isa ay gawa sa bakal hugis parihaba ito habang gawa naman sa batong crystal ang isa parang mosaic ang desenyo nito, iba iba ngalang hayop ang nakaukit dito, meron din kaming nadaanan na malaking fountain katapat ng isang napakalaking palasyo, meron din akong naaninag na ibang building pero di ko na nakita pa ng maayos dahil nasa kabilang banda ito

Ang ganda ng lugar na to, ni sa panaginip di ko alam na may ganito, subrang magical

Hindi naglaon huminto ang bus na sinasakyan namin sa tapat ng dalawang malalaking building na may apat na palapag, pinaghiwalay nila ang babae at lalake, sabay sabay naman na nagbeep ang mga bracelet namin, agad ko naman chineck kung ano ang mensaheng natanggap ko din

Status: Tyro
Section: Peculiari
Bear: Unknown
Warden: Unknown
Room#: T-19 [first floor]
Key Lock: 8976 - 1018
Points: 1000

Napakunot noo ako, ano ang ibig sabihin nito?

Nagtatakang tingin ang ibinigay ko kay mica

"Ahm? Mica? Hindi ko magets kung ano ang ibig sabihin nitong mensaheng natanggap ko" ani ko na ikinalingon niya

"Akin na patingin" sagot niya "ah! Ito yung information natin, ang ibig sabihin ng status yung level natin dito sa TFA, tyro ang level ng mga baguhan, pareho tayo, habang shrewd naman ang advance level, deft ang experts at sympre, prime ang elites, sila yung pinaka makapangyarihan" aniya na ikinabigla ko, meron palang ganyan? Akala ko sections lang "alam mo na ang bear at warden diba? Maging ang room number?" Tumango ako bilang pagsang ayon "itong key lock naman ang susi sa kwarto itatapat mo lang ang bracelet mo at bubukas na ito at kusang maglolock ulit, samantalang ang points naman ang allowance natin sa isang buwan" aniya na may ikinabigla ko

"1000? 1000 lang?" Wala sa luob na sabi ko? Tumawa naman siya

"Wag kang mag alala malaki ang value ng 1000 dito kumpara sa vesti, ang pagkain dito nasa 1 point hanggang 8 points lamang, ganun din sa inumin maging ang mga bilihin sa fetish market hanggang 20 points lang, depende sa bibilhin mo" nakahinga naman ako ng maluwag, akala ko pa di na ako makakakain ng maayos dito, napahagikhik naman siya

"At! Magkaroom mate tayo! T-19 din ako" aniya

"Talaga? Patingin!" Ani ko at tinignan ang bracelet hologram niya

Status: Tyro
Section: Peculiari
Bear: White Fire Element
Warden: Unknown
Room#: T-19 [first floor]
Key Lock: 8976 - 1019
Points: 1000

Napangiti naman ako ng todo "buti naman pareha tayo, ang akala ko kasi hindi" ani ko

"Ako nga rin eh! Meant to be talaga tayong magkakilala" napahagikhik ako dahil sa sinabi niya "naniniwala ka pala sa destiny?" Inirapan niya ako at hinapas ng mahina

"Duh! Oo naman noh! Ay naku wag kang bitter" aniya at humagikhik

"Students, go now to your respective rooms, wear your uniforms and after 30 minutes proceed to the gym for your orientation"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 25, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Farther: Underground Society of MagicWhere stories live. Discover now