Chapter 2 - The Farther Underground Society of Magic

55 8 0
                                    

- The Farther Underground Society of Magic -

"Welcome to the Golden City Sef" ani ni aling mina ng makalabas kami

Literal na nalalag ang panga ko wow! Yan lang ang masasabi ko

Kaya pala tinawag siyang Golden City dahil lahat dito ginto

Jusko po! May nag eexist palang ganitong lugar, ang ganda dito!

Pwedi kaya masangla lahat ng yan?

Mula sa tapakan ng daongan hanggang sa mga buhangin pati mga batong nakapaligid sa isla ay ginto mapa puno man hanggang sa kasuotan ng iilang taong naririto, agaw pansin din ang kastilyo sa gitna ng isla

Napalingon ang lahat samin ng bumaba kami ng barko

May dalawang sumalubong samin, isang babae at isang lalake

"Emperor, Empress"

Yumuko sina aling mina at mang berting kaya nakigaya na din ako

Ganun din ang ginawa ng dalawang taong sumalubong samin

"Miliana, Bert" tanging sabi ng babaeng ubod ng ganda

Maputi ito at may gold na buhok na hanggang bewang, ginto din ang kanyang mata, pilikmata maging ng kanyang labi

Nakasuot siya ng bralette sa pang itaas at harem pants sa baba na gawa sa ginto

Ang lalaking kasama naman niya ay naka harem pants din at vest na gawa din sa ginto

"Siya na ba?" Ani ng lalaking tinawag nila aling mina na Emperor

"Opo Emperor Gino" magalang na sagot nila mang berting

"O siya, halina kayo para makapagpahinga bago kayo gumayak papunta sa Farther" ani naman ng babaeng tinawag nilang Empress

nahihilong nagpapalinga linga ako sa paligid

Pwedi kayang kumuha kahit isa lang? Isasangla ko baka maging millionaryo agad ako, isip isip ko

Ang ganda tumira dito, siguradong lahat ng taong nakatira dito mayayaman

Pumasok kami sa luob ng kastilyong ginto, maging ang luob nito mula sa muwebles hanggang sa mga kasangkapan eh puro ginto

Nakakasilaw na nakakaamaze pagmasdan

Meron kaya silang gamit dito na hindi ginto?

Dumaritso kami sa dining hall, ginto padin ang mesa maging ang upuan hanggang sa mga plato't iba pa

Nakahinga ako ng maayos ng makitang hindi ginto ang pagkain nila

Akala ko kasi maging ang pagkain ginto din, i silently laugh at that thought

Maraming pagkain ang nakahain, may fiesta kaya?

"Ano nga palang pangalan mo iha?" Ani ng tinawag nilang empress habang nagsisimula na kaming kumain

"Serafina Faith Kenwood po, sef for short" ani ko na nakangiti

Ngumiti siya pabalik bago sumagot "ako naman si Empress Giana ang namamahala sa Golden City" aniya

"Kenwood huh, kaano ano mo si carmina at george kenwood?” Ani naman ng emperor

“mama at papa ko po, kilala niyo po sila?” tumango sila bilang sagot

"alam mo na ba ang bear mo?" Ani naman ni empress giana

"Bear? Ano po yun? Bear na stufftoy po ba?" I ask confusely

The Farther: Underground Society of MagicWhere stories live. Discover now