Chapter 28

59 1 0
  • Dedicated kay MekiZyra
                                    

CHAPTER 28~

Ilang araw na simula nang mangyaring aminan. Sa bawat araw na lumipas ay hindi ko rin nakakaligtaan na bisitahin si pandak. Kulang na nga lang ay doon kami tumira ni Kyla sa bahay niya eh.

Ngayong araw naman, plano kong dalhan siya ng bulaklak. Pagkatapos rin nang concert nung araw na iyon ay sinimulan ko narin ang pangliligaw kay Alyssa. Kahit naman tinatawanan o binabalewala niya lang ang mga effort ko, ayos lang.

"Aba, bulaklak naman ngayon ang dala mo ah! Tiyaga mo talaga, Nathan." pabirong sabi ni Kyla sa akin.

"Siyempre naman." may malapad na ngiti sa labi kong turan.

Mga ilang lakad pa ay nakarating na kami sa bahay nila pandak.

Nakaupo lang siya sa may garden nila nang dumating kami. 

"Hi, Aly!" bati ni Kyla sa kanya.

"Oh, Kyla, Nathan! Matagal din tayong hindi nagkita ah!" dahil sa sinabi ni Aly ay nagkatinginan kami ni Kyla. Nandito naman kami kahapon ah.

"Aly, para sa'yo." abot ko sa kanya ng bulaklak.

"San ba kayong nagsusuot na dalawa? Busy ba kayo sa school? Hindi kayo nagpapakita sa akin." parang bata na reklamo niya habang inaamoy ang mga bulaklak.

"Bes? Dumalaw naman kami dito kahapon eh! Ano ka ba! Nakalimutan mo?" nag-aalalang tanong ni Kyla.

Natigilan si Aly sa pag-amoy sa mga bulaklak dahil sa sinabi ng kaibigan.

"Huh? Ganon ba? Pasensya na ha?" nginitian niya nalang kaming dalawa ni Kyla ng pilit.

Kinabahan ako sa narinig ko. Binalaan na kami ni doctor Vik tungkol dito. May mga pagbabagong mangyayari kay Alyssa dahil sa dahan-dahang paglala nang sakit niya. 

Pero, hindi ko akalaing ganito kaaga. Pinatatag ko ng palihim ang sarili ko. Hinanda ko na ang sarili ko tungkol dito. Pero, mahirap pa rin kahit anong paghahanda ang gawin.

Ilan lang 'yun sa mga panahon na ramdam na ramdam namin ang paglala sa sakit ni Alyssa.

May mga araw na bigla nalang magbabago ang ugali niya. Simula sa pagiging masayahin ay bigla siyang susumpungin. 

May mga araw na magsusuka siya kahit hindi naman siya masyadong kumakain.  Mayroong, hindi siya makalakad nang walang sumusuporta o 'di kaya'y wheel chair.

Minsan, nahihirapan siyang magsalita, sasakit ang ulo niya at isang parang bilog na walang katapusan ang mga pangyayari.

May isang bagay na parati kong dinadasal na hindi sana dumating.

'Yun ay ang katulad ng araw na ito. Kung saan, hindi kami maalala ni Alyssa. 

"H-hindi ko -kayo k-kilala." pinakamasakit na katagang narinig ko mula sa kanya. 

Sisigaw siya nang napakalakas at wala man lang kaming--akong magawa para tulungan siya, dahil, sa tuwing susubukan ko, mas lalo siyang nagwawala.

Naiyak nalang ako na nakatingin sa kanya. Sa kabilang banda ay si Kyla na, iyak na rin nang iyak.

Bigla siyang tumahimik at mas lalo naming kinabigla ang sumunod na nangyari. 

Nagse-seizure si Alyssa. 

"Aly," usal ko sa pangalan ng babaeng mahal ko.

Hindi ko alam kung paano nangyari, dahil, dumating sila doctor Vik at agad na isinakay si Alyssa sa ambulansya.

Hindi ko maipaliwanag ang mga sumunod na oras sa loob ng hospital na iyon. 

Isa lang ang matandaan ko, pumunta ako sa simbahan at nagdasal, umiyak. Nakiusap. 

Pagdating nang umaga, pareho kaming hindi pumasok ni Kyla. Sabi ni doctor Vik ay normal na raw ang mga ganoong pangyayari kay Aly. 

Alam kong natatatakot din siya para kay Aly. Maging ako ay natatakot din.

Hinintay naming magising si Aly at natuwa naman kami nang bumalik na siya sa kanyang pagiging magiliw. 

Nag-uusap lang kami tungkol sa mga nakaraan. Simula nang mag-college kami hanggang sa mga pangyayari ngayon. 

Hindi ko maiwasang malungkot nang sumagi sa akin na balang araw, ang pangyayaring ito ay magiging alaala na rin. 

Ang taong kinakausap namin ni Kyla ngayon ay magiging alaala rin pagdating ng araw.

Napangiti ako ng mapakla sa sarili ko. Umalis muna ako para bumili ng makakain namin ni Kyla sa tanghalian. Para na rin hindi nila makita ang pag-iyak ko. 

Nakakagago pala ang ganito. 'Yung hindi mo kaya na makita ang isang taong nasasaktan pero wala ka namang magawa para matulungan siya.

Bumalik na ako sa kwarto ni Alyssa at nakita ko siyang nakikipagkwentuhan parin kay Kyla.

Napatitig na naman ako kay Alyssa. Maganda parin siya kahit na sobra ang pinayat niya at kahit manipis nalang ang makikintab niyang buhok. 

"Huwag mo nga akong titigan nang ganyan, Nate, alam kong pangit na ako ngayon no. Ang payat ko pa." nagpout pa na sabi niya. 

Lumapit muna ako sa kanya at umupo sa tabi niya habang inaayos ni Kyla ang pagkain.

"Hindi naman. Ikaw parin ang pinakamaganda para sa akin." 

"Ganon? Nga pala, 'pag nagkita kayo ni Cheska, sabihin mo sa kanya na, mag-ingat siya sa mga lalaki. At saka sabihin mo rin sa mga magulang mo na salamat sa pagtanggap sa akin nung pasko at bagong-taon," may ngiting sabi niya. 'Yung totoong ngiti niya, 'yong parang walang pinoproblema.

"Oo naman, sasabihin ko sa kanila. Gusto ka na nga nilang makita uli eh. Lalo na ang barkada," sabi ko sa kanya at saka hinawakan ang nanlalamig na kamay niya.

"Haha. Talaga? Sabihin mo sa kanila na dapat mag-bagong buhay na sila. Teka, pakisabi rin sa mga katulong ko na huwag silang malungkot, ililipat din naman sila ng mapagtratrabahuan kapag nawala na ako eh." pakiusap ulit niya sa akin. 

Pinisil ko ang mga kamay niya at saka sinabing, "Sige, sasabihin ko sa kanila. Magpahinga ka muna, okay? Kakain muna kami ni Kyla." paalam ko sa kanya at ginawaran siya ng halik sa noo. 

Naglakad na ako papunta sa hinain ni Kyla nang tawagin ako ni Aly,

"Binibigyan na kita ng chance, Nate." mahinang sabi niya pagkatapos ay ngumiti nang napakatamis at pumikit upang matulog.

Napangiti rin ako dahil sa sinabi niya. Nakita ko naman si Kyla na naiiyak na nakatingin sa aming dalawa. Nagkatinginan kami, at nginitian lang din niya ako.

I Think I'm Falling (Magically Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon