Chapter 25

45 2 0
  • Dedicated kay wattpad
                                    

CHAPTER 25~

"Pssst." tawag atensyon ko kay Ally na nagmumukmok sa lamesa dito sa field. 

Aba, binalewala lang ako ah. Ang kapal talaga ng babaeng 'to. 

"Hoy, pandak!" mas malakas na tawag ko sa kanya.

"Huh?" napakahinang tanong niya.

"Ang pangit mong tignan. Pupunta ako sa park." Nakatayo na ako at handang-handa na sa pag-alis.

"Huh? Iiwan mo ako? Diba nangako ka sa akin?" Natatarantang saad niya at kung titignan mo siya ngayon parang hindi siya 'yung babaeng kasama ko kanina. Buhay na buhay siya ngayon, malayo sa parang zombieng nakatunganga kanina.

"Alam mo kung hindi ka lang mukhang inalila sa mukha mo ngayon, malamang binatukan na kita. Kasama ka! Tanga." Sabi ko at saka nagsimulang maglakad palabas ng campus.

"Eh, tanga ka rin! Hindi mo naman ako niyaya. Alangan namang magsunud-sunuran ako sa'yo!" nakabusangot na sabi niya. Tupakin pala 'tong babaeng 'to eh.

"Anong ini-expect mo sa akin? Yayain ka? Asa ka naman. Bilisan mo nga diyan. Ang bagal-bagal mo talaga, pandak kasi." Narinig ko pa siyang nagrereklamo na nakasunod sa akin.

Napangiti ako. Susunod din pala. 

Two weeks na simula nang maghiwalay 'yung dalawa at two weeks na rin na parang bangkay na pumapasok sa paaralan 'yang babaeng 'yan.

Nakakairita minsan pero sa tuwing naaalala ko na pareha lang kami ay iniintindi ko nalang.

Nakarating na kami sa park at umupo kami sa pinakaunang upuan na nakita namin.

"Diyan ka lang ha? May bibilhin lang ako." mahinang sambit ko at tumungo sa banda ng park kung saan nagtitinda sila ng ice cream. 

Bumili na ako ng dalawa at kinain ang isa habang pabalik sa kung saan naiwang nakaupo si Aly.

Nakita ko naman siyang interesadong nakatingin sa paligid niya. Parang magaan na siyang tingnan ngayon kaysa sa kanina. 

Maganda pala talaga si Alyssa. Kahit, alanganin ang height niya, cute naman siyang tignan dahil napakaamo ng mukha niya at napaka-inosente narin.

Sana talaga, mahanap na niya ang lalaking magmamahal sa kanya ng buong-buo at hindi siya papaiyakin. At dahil hindi pa dumadating ang araw na 'yon, ako na muna ang mag-aalaga sa kanya.

"Nat! Halika na dito! Natutunaw na 'yang ice cream ko oh! Tsk." May konting lakas na pagkakasabi niya.

Hindi ko naman namalayan na kanina pa pala ako nakatayo dito. 

Lumapit na ako sa kanya at iniabot ang ice cream niyang unti-unti nang natutunaw.

Kinuha niya 'yon at bumalik ang tingin sa mga taong dumadaan sa park. 

"Salamat, Nate." mahina lang ang pagkakabigkas niya sa mga katagang 'yan pero, rinig na rinig ko pa rin.

Sa kabila nang napakaingay na parke at napakalakas na tibok ng puso ko ay narinig ko pa rin ang dalawang salitang 'yon.

"Para saan?" takang tanong ko.

Nginitian niya muna ako saka sinabing, "Kasi, pinapagaan mo ang pakiramdam ko. Andiyan ka 'pag kailangan kita. Pinapatahan mo ako sa tuwing umiiyak ako. Sa lahat-lahat." Salaysay niya.

Ngingiti sana ako ngunit naisip kong pagtripan muna 'tong babaeng emo na katabi ko.

"Ginawa ko lang 'yun dahil wala akong choice. Kapal nito." 'Yung mukhang galak na kanina ay makikita mo sa kanya ay napalitan ng pagkairita.

I Think I'm Falling (Magically Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon