Chapter 22

56 1 0
  • Dedicated kay NDAP
                                    

CHAPTER 22~

Nagising ako dahil sa istorbo kong kapatid na si Cheska. Pinasok ako at pinagtutulak hanggang sa nahulog ako sa higaan ko. Kakain na daw kami. Ang brutal ng kapatid ko, minsan iniisip ko nga kung magkadugo ba talaga kami niyan. 

"Ate Aly! Dito ka sa tabi ko dali." at hinila siya ni Cheska at pinaupo. 

"Hija! Eto oh, kainin mo, masarap 'yan." si mama naman 'yan habang nilalagay ang ulam sa pinggan ni Alyssa.

Umentra na ako at, "Hoy Cheska! Lagot ka talaga sa akin. Ba't mo ako hinulog ha? Alam mo bang ang sakit non!?" sigaw ko sa kapatid ko sabay kurot sa pisngi niya. 

"Awwwoy Coo-oya!" palag niya sa ginawa ko. Nakita ko naman na nagpipigil ng tawa si Aly sa isang tabi.

"Nathan! Bitawan mo na 'yang kapatid mo! Ikaw talaga. Kakain na tayo at baka gutom na si Aly." papa

"Oo nga. Sige, Nathan, pray!" si mama naman.

"Lord, may you bless this food in front of us and may you provide us with this always, thank you for the forgiving our sins. In Jesus name, we pray. Amen." 

Nagsimula na kaming kumain at teka lang .  . . 

"Eto ate Aly oh! Kain ka pa ng kain." Cheska

"Aly, tubig?" mama

"Ah, eh.. Salamat po, nahihiya naman po ako sa inyo eh. Kumain na po kayo, ako na po ang bahala sa sarili ko." sabi ni Aly na nakangiti.

"Hehe. Oo naman hija. Gusto lang namin na mabusog ka." papa

"Teka nga po. Sino po bang anak niyo? Siya o ako?" sabi ko sa kanila. Pano ba naman kasi simula ng dumating ang babaeng 'yan dito, parang nakalimutan na ako ng pamilya ko. Siya na ata naging highlight ng pag-uwi ko. Nakakatampo tuloy.

"Hahahaa. Nate? Nagseselos ka sa akin?" asar ni Aly sa akin. At isa pa 'tong babaeng 'to, akala ko ba mahihiya siya 'pag nandito na siya sa bahay. Pero kung makitungo siya sa pamilya ko eh parang matagal na niyang kilala.

"Che. Hindi ikaw ang kausap ko." sabay irap sa kanya.

"Ang pangit mo naman kuya! Bading ka ba?" halos mailuwa ko naman.'yung kinakain ko dahil sa sinabi ng kapatid ko. Ako? Bading? Asa. May girlfriend na nga ako eh! 

Shiz. Erase. Wala na pala akong girlfriend. Pahiya.

Palihim lang na tumatawa sa isang tabi si pandak. 

"Osiya. Tama na 'yan. Kakain na muna tayo tapos videoke na!!" masiglang pagkakasabi ni papa na mejo sinigaw pa ang huling parte.

-------------/

"Ate Aly!! Kantahan mo naman ako oh. Please. Siguro maganda ang boses mo no?" sabi ng kapatid ko pagkatapos naming kumain ng hapunan.

I Think I'm Falling (Magically Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon