Extra

70 1 1
                                    


Bakit kaya may mga tao na kapag nagmomove on na tayo or nakamove on na tayo, tsaka bumabalik? Para saan? Para sirain ulit lahat ng naayos mo na, na sinira nila dati? Para ano? Para ipamukha sayo na okay sila sa mga nagdaang taon na wala ka? Pero bakit ngayon pa? Kung kailan okay na ko, tsaka ka bumalik. Kung kailan di na kita iniisip at inistalk, tsaka ka babalik na parang walang nangyari o nagbago. Okay na ko eh. Ang dami ko na ngang narealize after ng last entry ko dito. Masaya na ko, masaya na ko sa mga bagong kaibigang nahanap ko.

August 6 2018, nang-inadd mo ulit ako sa facebook. Gamit ang facebook mong inistalk ko lang dati. Imagine? After how many years without communication, bigla ka nagparamdam ulit. Kung kailan wala na kong paki sayo. Galing ng timing. Ayos yan! Inaamin ko na natuwa ako, kasi atleast di ba? Naaalala mo pa din ako kahit ilang taon na ang nakakalipas. Nagkaroon pa ko ng chance na maistalk ka ulit after ilang months. Wala, nangamusta lang kung okay ka ba talaga at ano na itsura mo. At nakita ko namang maayos ka, masaya. Kontento na kong makita ang ex boy best friend ko ng ganoon. Kaya di ko inakala na ichachat mo ko. November 25 2018, more than 3 months after you added me on facebook. Nagulat ako doon ng sobra, di ko ineexpect eh. Lalo na noong tinawag mo kong bes. Like wow, ano pong kailangan mo? charot. Nangamusta ka lang noon tapos tinanong mo saan na ko nakatira. Sabi ko "Dito na sa Bulacan" with matching tawa kahit wala naman nakakatawa. Sabi mo ang layo, at umagree ako kasi malayo naman talaga, imagine taga-Antipolo kami talaga pero napadpad kami dito sa Bulacan. Pero wala eh, ganoon talaga ang buhay.

Nagulat ako ng inaadd mo ko ulit kasi di ba nakakataka paano mo nahanap facebook ko, after how many years. Though never naman ako nagpalit ng facebook pero nakakagulat pa din. Nagulat din ako ng inaadd mo ko kasi akala ko hanggang display ka lang sa friendlist ko, taga-heart ng dp ganon. At taga-react lang din ako sa ibang post mo. Pero mas nakakagulat pala yung pagchachat mo sakin, ayon ang pinaka unexpected. Lalo na dahil sabi mo din don na kapag nagawi ako ulit sa Antipolo, magbonding tayo tulad ng dati. Pero ano nga ba yung dati? Meron ba talagang 'dati' na nakalimutan ko lang o ano? Sabi mo din na i-pm kita kapag nagpunta ko sa Antipolo. Umoo ako sayo that time kahit alam kong imposibleng magkita tayo, una dahil di naman ako pinapayagan na umalis ng nanay mo mag-isa lalo na kapag nagawi kami sa Antipolo, at pangalawa kasi kung payagan man ako syempre mas uunahin ko ang bestfriends ko bago ikaw. Sila yung nandyan para sakin mula noon, may problema o wala, masaya o malungkot, nakakausap man palagi o hindi nandyan sila. Alam kong nandyan lang sila, para sa akin. Lalo na noong mga panahon na nawala ka ng parang bula.

Di ko to sinulat dahil namimiss kita, sinulat ko 'to para di na kita isipin pang muli. Masaya ako na nakilala kita, nasaktan ako ng lumisan ka, pero lahat ng iyon ay may hangganan pala. Okay na ko, mas sumasaya sa bawat araw na kasama at kausap ang mga kaibigan na laging nandyan para sakin. At alam kong ganon ka din. Di ko alam paano sasabihin sayo, pero okay na ko sa mga alaala natin noon, na unti-unti ng natatabunan ng panibagong alaala, masaya man o malungkot na kasama ang ibang kaibigan. Ang mga alaala natin noon na kung hindi ko naisulat dito, tuluyan ng nabaon sa limot. Kaya tama na din siguro ang mga iyon, okay na 'yon, huwag na nating dagdagan pa.

Ewan ko kung nababasa mo to o ano. Pero hi, masaya akong nakausap kang muli. Salamat at sorry ulit sa lahat. Di ko din alam kung makakapag-usap pa tayo ulit o magkikita. But still, see you when I see you ex-bbf.

Ncl (11/29/18)

Dear Ex Best friend (Epistolary)Where stories live. Discover now