Poem Kuno

112 4 10
                                    


WALA LANG 'TO! Wag na basahin kung ayaw niyo. HAHAHAHA! Dahil uunahan ko na kayo, walang kwenta 'to. XD 

KBYE!~ 

~~~***~~~**

  ALAALA

 Hanggang dito na lang ba 

Ang ating mga alaala 

Hanggang dito nalang ba

 Ang ating pagsasama


 Salamat aking dating kaibigan

 Sa ating mga pinagsamahan

 Nawa'y iyo nang mas pahalagahan

 Ang mga bago mong kaibigan


 Sana ay ika'y maging masaya

 Sa mga bago mo pang makakasama

 Dahil ako ay tunay ng maligaya

 Kaya'y salamat nalang sa ating dating alaala


 Siguro nga'y panahon na

 Para ika'y tuluyang limutin na

 Tulad ng paglimot mo

 Sa lahat ng alaalang kasama ako


 Ngayong araw na ito

 Tunay na masasabi ko

 Na ika'y lilimutin na

 Para sa ikabubuti nating dalawa


 Salamat sa alaala

 Malungkot man o masaya

 Hanggang sa ating muling pagkikita

 Hanggang dito nalang talaga

 Ika'y tuluyang lilimutin na 


Ncl (9/20/16)  

Dear Ex Best friend (Epistolary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon