Entry #3

311 5 2
                                    

Dear Ex Best Friend

Naaalala mo ba? Dati lumilipat ka pa ng upuan kasi dalawang pagitan pwesto natin. Lumilipat ka palagi kapag recess tapos magtatanungan tayo kung sino crush natin, kasali pa nga non si Danica, Rein at Elmer. Sinulat ko sa papel yung akin. Dinahan dahan ko pa nga yun e. Letter B una kong sinulat. Di ko alam nakatingin ka din pala sa papel na sinusulatan ko tapos bigla ka nalang umalis, tumakbo ka sa likod habang tumatawa. Alam mo ba? Isusulat ko talaga dapat pangalan mo dun? Kaso natatakot ako sa magiging reaksyon mo. Reaksyon nung isa pa nating close friend, crush ka kasi nun e diba? Yung kanya hindi sekreto, alam ng lahat maski nga ikaw diba alam mo? Pero anyway, yun nga sinulat ko na ng buo ung pangalan ng crush kuno ko nalang. Yung pangalan mo na isusulat ko naging Bryan. Pagbalik mo tiningnan mo agad yung papel na hawak ko. Di ko alam kung assuming lang ba ko o ano pero malungkot ka mga ba talaga nun? Hahahaha asa pa ko. Bestfriend nga lang pala tayo NOON.

Ncl

Dear Ex Best friend (Epistolary)Where stories live. Discover now