Ibong Mandaragit, si Ciro ba?

296 0 2
                                    

MAY MGA MANGANGARAL na nagpapaliwanag na si Ciro ang " Ibong Mandaragit" na hinulaan saIsaias 46:11. Isa na rito si Charles John Ellicott na ganito ang kaniyang Bible Commentary:

" Tumawag ng ibong mandaragit. Ganito inilarawan ni Ciro katulad ni Nabucodonosor sa Jer.49:22; Ezek.17:3. Ang ganitong pag-lalarawan ay bunga ng katotohanang ang sagisag na ginamit ni Ciro at ng kaniyang kahalili ay isang gintong agila (Xen., Cyrop. 7:1, 4; Anab. 1:10, 12), (Ihambing din sa Mat. 24:18; Lucas 17:37.) Ang ' sikatan ng araw' ay kumakatawan sa persia; ang ' malayong lupain' ay maaaring kumakatawan sa Media." (p. 538)

Halos ganito rin ang pagpapaliwanag ng mga Saksi ni Jehova:

" Tinawag niya si Ciro-'mula sa sikatan ng araw,' sa Persia (hanggang sa silangan ng babilonia), at itinayo ang punong-lungsod na paborito ni Ciro: ang Pasargade, at si Ciro ay magiging tulad ng 'ibong mandaragit' sa mabilis na pagsakop niya sa babilonia (Isa.46:10,11). Mapapansin na ayun sa Encyclopedia Britanica (1911, tomo10, p. 454b), ang Hukbong Persiano ay may taglay na agila sa dulo ng isang sibat, at ang araw, na kanilang sinasamba, ay naroon din sa kanilang bandila ... na mahigpit na binabantayan ng matatapang na kawal. " ( Aid to Bible Understanding, p. 409)

Kaya, ayon sa ibang tagapangaral, si Ciro ang hinulaang "ibong mandaragitsa Isaias 46:11. Gayundin, ang Persia diumano ang tinutukoy na "sikatan ng araw" at ang Media naman daw ang " malayong lupain".

MAY PAG-AANGKIN BA SI CIRO? 

Bakit natitiyak natin na ang hula sa Isaias 46:11 ay hindi tumutukoy kay Ciro? Kung susuriin ang Biblia nalalaman ng mga sunugo ng Dios ang mga hulang tumutukoy sa kanilang pagkasugo. Halimbawa, alam ni Juan Bautista kung aling hula ang tumutukoy sa kaniya:

Juan 1:22-23

" Sinabi nga nila sa kaniya, Sino ka baga? Upang ibigay namin ang kasagutan sa nangagsugo sa amin. Ano ang sinasabi mo tungkol sa iyong sarili? "

" Sinabi niya, Ako ang tinig ng isang humihiyaw sa ilang, Tuwirin ninyo ang daan ng Panginoon, gaya ng sinabi ng propeta Isaias. "

Ang isa pang halimbawa ng isinugo na alam niya ang hulang tumutukoy sa kaniyang pagkasugo ay si apostol Pablo. Ganito ang kaniyang pahayag:

Gawa 13:47

" Sapagka't ganito ang ipinagutos sa amin ng Panginoon, na sinasabi, Inilagay kitang isang ilaw ng mga Gentil, Upang ikaw ay maging sa ikaliligtas hanggang sa kahulihulihang hangganan ng lupa. "

Ang Panginoong Jesucristo, sa maraming pagkakataon ay ipinakikita sa Biblia na alam Niya ang mga hulang tumutukoy sa Kaniyang pagkasugo. Ito ang isang halimbawa:

" At ibinigay sa kaniya ang aklat ng propeta Isaias. At binuklat niya ang aklat, na nasumpungan niya ang dakong kinasusulatan, "

" Sumasa akin ang Espiritu ng Panginoon, Sapagka't ako'y pinahiran niya upang ipangaral ang mabubuting balita sa mga dukha: Ako'y sinugo niya upang itanyag sa mga bihag ang pagkaligtas, At sa mga bulag ang pagkakita, Upang bigyan ng kalayaan ang nangaaapi, "

" Upang itanyag ang kaayaayang taon ng Panginoon. "

" At binalumbon niya ang aklat, at isinauli sa naglilingkod, at naupo: at ang mga mata ng lahat ng nangasa sinagoga ay nangakatitig sa kaniya. "

" At siya'y nagpasimulang magsabi sa kanila, Ngayo'y naganap ang kasulatang ito sa inyong mga pakinig. " [Lucas3:17-21]

Samakatuwid, alam ng mga sinugo ng Dios ang mga hula sa banal na Kasulatan na sa kanila natupad. Alam ni Juan Bautista at siya mismo ang nagpaliwanag na siya ang tinutukoy na " tinig na sumisigaw" sa ilang:

Ang PagbubunyagTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon