Ang Pagtalikod Ng Iglesia ni Cristo Noong Unang Siglo

1.7K 7 5
                                    

Ang pagtalikod ng Iglesia Ni Cristo noong unang siglo


Ang karamihan sa mga tao ay ang Iglesia Katolika Apostolika Romana (IKAR) Ang kinagisnan na ng marami, at sa pag aakala naman nilang, Ang Iglesiang itinayo ni Cristo mula noong unang siglo ay hindi nawala o naipatalikod at nagpatuloy daw hanggang ngayun ng walang lagot.Ito ang ating suriin kung ano ang nangyari sa Iglesia noong unang siglo

Ang Iglesia ay itinayo ni Cristo (mateo 16:18) at kung paano tawaging ng mga apostol ay IGLESIA NI CRISTO (roma 16:16, gawa 20:28 lamsa trans.). Ito ay binubuo ng tatlong pulutong o ng grupo. Ganito po ang patotoo :

Gawa 2:39

" Sapagka't SA INYO ang pangako, at saINYONG MGA ANAK, at sa lahat ngNANGASA MALAYO ,maging ilan man ang tawagin ng Panginoon nating Dios sa kaniya. "

Ito po ang tatlong groupo na

bahagi na ipinakilala :

SA INYO -hudyo

SA INYONG MGA ANAK- Mga gentil (1cor. 4:15 , roma 9:4)

NANGASA MALAYO -Ang ibang tupa ni Cristo(Juan10:16 )

Ano ang mangyayari sa tatlong pulutong ayun sa hula ni Propeta Zacarias ? 

Zacarias 13:8-9

" At mangyayari, na sa buong lupain, sabi ng Panginoon, dalawang bahagi ayMAHIHIWALAY at MAMAMATAY; nguni't ang ikatlo ay MAIIWAN ."

" At aking dadalhin ang ikatlong bahagi sa apoy, at sila'y dadalisayin ko na parang pilak na dalisay, at sila'y susubukin ko na parang pagsubok sa ginto. Sila'y magsisitawag sa aking pangalan, at akin silang didinggin: aking sasabihin, Siya'y bayan ko; at kanilang sasabihin, Ang Panginoon ay aking Dios. "

ANG sabi po ng talata , ang mangyayari sa unang dalawang bahagi ay ganito :

MAHIHIWALAY

MAMAMATAY

Ang ikatlong pulutong na MAIIWAN ay mula sa MALAYO, At ayun sa hula ng propeta Isaias ay magmumula sa malayong silangan sa panahun ng mga WAKAS NG LUPA (Isaias 43:5-6 Mofatt Translation) , na ito naman ay mula sa Malayong silangan kung saan ang maraming polo ng Dagat (Isaias 24:15 NIV) na ang pilipinas ang siyang katuparan ng pagbangon ng Huling bahagi ng ikatlong pulutong ng IGLESIA NI CRISTO .

Ito po ang ating suriin sa mga naunang dalawang pulutung,Paano ito nawala at naitalikod ? Ano po ang paunang babala ni Cristo sa mga kaanib noong una?

"At sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, Mangangingat kayo na huwag kayong maliligaw ninoman." (Mat.24:4)

Pinagpaingat ang lahat ng mga kaanib,bakit sa anung dahilan?

"At magsisibangon ang maraming bulaang propeta, at kanilang ililigaw ang marami." (Mat 24:11)

Sapakat lilitaw ang mga bulaang propeta, na ililigaw nila ang karamihan, sa paanung paraan ?

"Ngunit hayag na sinasabi ng Espiritu, na sa mga huling panahon, ang iba'y magsisitalikod sa pananampalataya, at mangakikinig sa mga espiritung mapanghikayat at sa mga aral ng mga demonio." (I Tim. 4:1)

Dala nila ang Aral ng Demonio na siyang dahilan ng pagkaligaw ng marami. Anu ang halimbawa ng mga Aral ng Demonio na kanilang pinangaral?

1 Timoteo 4:3

" Na IPINAGBABAWAL ANG PAGAASAWA, at ipinaguutos na LUMAYO SA LAMANGKATI, na nilalang ng Dios upang tanggapin na may pagpapasalamat ng mga nagsisisampalataya at nangakakaalam ng katotohanan. "

Ang PagbubunyagWhere stories live. Discover now