Prologue

11.4K 97 43
                                    

"Talaga? Gusto niya 'ko?"

"Oo pare, lakas mo talaga sa chicks."

Nag smirk si Luke. Wah! Ang mga smirk niyang nakakaloko! Kinikilig ako!

"Yun nga lang hindi siya chicks." sabi ni Luke saka nagtawanan silang magkakaibigan.

"Hard pare!" sigaw nung isa niyang barkada.

"Totoo lang sinasabi ko. Hindi naman maganda ang Anabeth na yun, wala siyang panama sa ibang girls na nagkakagusto sa akin. Wag na siyang umasa na mapapansin ko siya."

"Hahaha pero pare may kwenta rin ang babaeng yun!" sigaw naman nung isang chinito.

"Oo nga pare! Pwede tayo dun magpagawa ng assignment."

"Wow! Good suggestion pare!" sigaw ni Luke sabay apir doon.

"Konting landi lang dun Luke, bibigay din yun!" sigaw uli nung chinito.

"Kinikilabutan ako sa suggestion mo Jayson!"

Yumuko ako. Unti unting pumatak ang mga luha ko. Grabe ang sakit. Ang sakit ng mga salitang narinig ko. Feeling ko, ang baba ko masyado para apakan lang nila at pagsabihan ng mga ganun. Hindi sila nakakatuwa. Nakakainis sila!

"Gusto pa naman kita Luke, pero ang sama mo! Hindi ako papayag na bastusin niyo lang ako ng mga barkada mo!" bulong ko.

"Bahala nga kayo. Hindi nakakatuwa ang pinaplano niyo. Manggagamit pa kayo ng ibang tao."

Natigilan ako. Agad akong sumilip sa bintana. Sino kaya yun?

Ano ba naman yan, ba't nakatalikod siya? Di ko tuloy makita ang mukha niya.

"Di ka namin pinipilit Jude. Bahala ka nga sa buhay mo!" sabi ni Luke.

"Fine. Bahala rin kayo." pagkasabi nun naglakad na palabas yung tinatawag nilang Jude.

"Jude..." bulong ko.

September na. Malapit na ang exams, lahat kami busy. Bukod sa review, marami rin kaming nakatambak na assignments at projects na dapat tapusin bago ang exam week. Nakakastress maging estudyante, gusto ko na magbakasyon!

"Abeth, pahiram nga ng notes mo sa algebra." sabi ni Jiah.

"Kunin mo sa bag ko. Tinatamad ako."

"K dot." pagkasabi nun, kinuha ni Jiah ang bag ko na nakasabit sa desk.

Si Jiah pala ang pinsan ko. Parehas kaming nasa third year highschool, yun nga lang di kami classmates. Bumaba kasi grades niya last year kaya sa ibang class siya napunta.

Nasa may school cafeteria kami para pumatay ng oras and at the same time para mag aral na rin. Kaso si Jiah lang ata mag-aaral kasi tinatamad ako. T_T

"Hi Anabeth!"

Pamilyar ang boses na yun. Lumingon ako sa gawi ng tumawag sa akin. Napa simangot ako.

"Oh my gosh my dear cousin! What's the meaning of this? Si Luke? Seriously? Close kayo?" tanong ni Jiah na manghang mangha sa nangyayari.

Kung alam mo lang Jiahna ang dahilan kung bakit nandito ang lalaking yan. Napifeel ko ang pag kulo ng dugo ko.

"Anabeth, buti na lang nakita kita." sabi nito at saka nag smile. Lumapit siya sa table namin ni Jiah.

"Bakit?" sabi ko, kunwari di ako galit.

"Ah well, yayain sana kitang mag snack. Pero nagmamadali ka kasi kaninang labasan so, hinanap na lang kita."

Talaga? Hinanap mo ko? Tss.

"So anong kailangan mo sa kin?'" tanong ko.

"Huh?"

"Uy anong sinasabi mo dyan Abeth?"

"Di ba kaya mo lang naman ako kinakausap eh kasi may kailangan ka sa akin? Go, sabihin mo na. Di mo na kailangan mag kunwari."

"T-teka anong sinasabi mo Anabeth?" sabi ni Luke.

"Oo nga Abeth ano sinasabi mo?" dugtong ni Jiah.

"Anong subject? Math? Science? Gusto mo bang ako gumawa ng projects mo? Ano?"

"What the hell are you talking Anabeth?"

"Narinig ko Luke. Narinig ko lahat. Ang drama nga eh, feeling ko may movie tayong shino shoot. In fairness galing mo din mag acting!" sabi ko.

"Oh well, narinig pala niya mga brad." sigaw niya at saka nag smirk.

"Di ka man lang mag sosorry?" tanong ko.

Kahit man lang sorry, kaya ko naman siyang patawarin. Hindi naman ako masama eh.

"Why should I? Wala naman ako kasalanan sayo." sabi niya.

"Yung mga sinabi mo..."

"Opinion ko yun. Masama bang sabihin na hindi ka attractive? Na PANGIT ka?" sabay nagtawanan sila. Pati yung ibang students sa cafeteria na nakikinig sa amin.

Nandlim ang paligid ko. Bakit? Bakit ang sama nila? Hindi naman ako pangit ah?

"Hoy Luke! Sumusobra ka na ah! Hindi pangit si Anabeth! Walangjo kang lalaki ka!" sigaw ni Jiah.

"Siyempre kaibigan ka niya kaya di siya pangit para sayo." sabi ni Luke.

"Hindi ko lang siya kaibigan! Pinsan ko siya, kadugo ko siya kaya wala kang karapatan pagsabihan siya ng masama!"

"Ows? Magpinsan kayo? Tsk, kawawa naman si Anabeth, hindi man lang napasahan kahit konting beauty."

Parang paulit ulit kong naririnig ang mga salitang binitiwan niya sa tenga ko.

Ako...kawawa...pangit...

Yung mga tawanan, yung mga tingin ng tao sa paligid ko na puro panghuhusga. Nakakainis. Kinuyom ko ng mahigpit ang kamay ko.

"BAKLA!" sabay suntok ng malakas sa mukha ni Luke.

 

Innocent BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon