Chapter 18: Blessing

5.9K 118 28
                                    

ADAM'S POV

 "Come on, bro. Wala naman si Melody!." iniabot sa'kin ni Elie ang isang shot ng tequila. "Just one! D@mn, kung sila nage enjoy, dapat tayo din." he's freaking drunk. Natawa nalang ako dahil ilang mura pa ang narinig ko galing sa kanya. He thought the girls went to the club. Mabuti nalang at sinabi din sa'kin ni Cheska ang totoo. Dahil kung hindi, babantayan ko lang si Yeobo sa bahay nila at di ko talaga sya papayagan. 

"Tama na yan, Elie. What's wrong with you?parang palagi kayong may problema ni Kairie." palagi syang nag aaya uminom. Kapag tinatanong namin sya kung anong problema, palagi nyang sinasabi na personal daw 'yon at inaayos na nya. Umiling lang ito at saka uminom ulit. Stubborn.

Tinapik ni Daryl ang balikat ko. "Hayaan mo na sya,bro. Let's just celebrate with Sean." tinignan namin ito at ngumiti lang sya sa amin.

He is really happy. Matagal nyang pinaghandaan ang pagpo propose kay Yannie. Ang totoo, alam ko na noon na mauuna talaga sila sa amin ni Melody. Bukam bibig nya kasi talaga ang kasal. I guess, he is really ready to settle down.

"Dude, mutual ba yang pagpayag nyo sa pagpapakasal?." bigla nalang nagtanong si Elie kay Sean. "Ikaw din, mutual ba yung pagpayag nyo na mag settle down na?." tumingin naman ito sa akin.

"Of course. Bro, nakakatakot mag propose lalo na kung hindi mo ramdam na hindi pa din ready mag settle down ang girlfriend mo. It's a risk. A big risk." Sean answered.

I smiled bitterly. Totoo yun. Nakakatakot mag aya ng kasal. Masyadong paiba iba ang isip ng babae kaya hindi mo malalaman kung ano ba talagang gusto nila.

"Pero paano kung ikaw palang ang gustong mag settle down?." tanong ulit ni Elie.

"Ah that one is hard. If that's the case bro, all you can do is to wait for her." muling uminom si Sean at tinignan si Elie. "Mahirap madaliin ang babae. Kasi kapag pine pressure mo sila, may posibilidad na yung sagot nila ay dahil ayaw lang nila makasakit. And in the end?ikaw lang ang masasaktan pag sakaling nagbago ulit ang isip nila."

Napatigil ako. Ako 'yun. Yung mga sinabi ni Sean,pakiramdam ko para sa akin lahat. I pressured her before to say yes in my proposal. Is that a bad thing?I just want to secure my future with her.

Tumingin ulit si Daryl kay Elie. "Narinig mo 'yun,bro?Wag daw i-pressure.  Kaya wag mong madaliin lahat. " binato agad ng unan ni Elie si Daryl habang tawa ito ng tawa.

"Dont worry bro, sooner or later aayain ko na si Cheska magpakasal. Papayag ka na naman di ba?." tinignan ko ng masama ito. No. Not yet. My sister is still young.

"No." matipid kong sagot dito. Bata pa ang kapatid ko. She is still watching Nickelodeon for Pete's sake!!! Paano sya mag aasawa kung puro Cartoons ang gusto nyang panuorin.

"Okay! okay! Calm your tits!Haha. Maybe sooner,bro. Mag iipon pa ko dahil kung hindi,mamumulubi ako sa pagkain palang ni Mahal." i agree with this one,tho.

Napag usapan na ang date at kung saan ang kasal. Cebu will be the wedding place. Masyadong madaming gustong gawin si Yannie sa kasal according to Sean.

"Kayo?saan kayo ni Melody?" bigla akong tinanong ni Elie.

"Still don't know yet. Sya ang mamimili ng lugar." matipid kong sagot.

"Gentleman talaga. Naaalala ko pa noon ng magkakasama tayo sa bahay. Ang sabi mo pag-iisipan mo pa yung kasal. But the next day, you already asked Melody to marry you. Pabigla bigla ka din, bro e."

I can still remember that. That day when I suddenly received a call from someone. And the call that triggered me to do everything. Tama si Daryl, kasi dahil sa takot ko nung araw na yon, minadali ko ang lahat. God, I was so scared to lose her. So scared that 'he' might take her away from me.

It's the only way I know to keep her. 'Cause if she finds out everything, i know, she would definitely leave me and it will be the end of us.

'Ask her to marry you now.I am telling you, kapag nalaman nyang hindi kami totoong nagpakasal at ang mga nangyari kay Kris, you will lose her forever.'

Pinakinggan ko siya kahit hindi kami magkakilala. Naniwala ako kasi naunahan na ako ng takot. I just hope tama ang ginawa ko. And hopefully everything will turn out good and the way it should be.

***

MELODY'S POV

"Malapit na ako. Ten more minutes?." ang totoo hindi pa ako talaga nakakaalis ng bahay. I'm still fixing myself. Naligo ulit ako pagkauwi galing office dahil para bang na-stress ako sa pag uusap namin ni Monique. I need to refresh!! Isa pa ay biglaan sila nagsabi. Halos alas-8 na ng gabi ngayon. Mapapagsarahan na kami ng mall nito.

"Whaaaaat? Oh my fudge, kailan ka ba magbabago. Anyway, just hurry up. It's getting late and we still have work tomorrow. Kung hindi lang talaga ikakasal 'tong si Yannie. " its girls night out again.  And as usual, si Yannie ang nagyaya. Nilulubos na daw nya ang mga natitirang panahon na malaya syang makakaalis ng ganito.

Dahil traffic ay inabot ako ng halos 30 minutes papunta sa meeting place naming magkakaibigan. Oh i should ready myself.

"Ten minutes,ha?." Yannie was standing in front of the store. Halos nanlilisik ang mga mata nya habang papalapit ako.

Malambing ko syang inakap at nginitian. "Sorry. Nakaidlip lang po. Let's go?" hinila ko na sya papasok sa loob kung saan naman naghihintay si Kairie at Cheska.

"I had my power nap already. Thank you,Melody Denise Aguilar." sarkastikong sabi sa akin ni Kairie. Habang si Cheska naman ay tahimik ngunit nakataas ang kilay sakin. See why I have to get ready?Kung nakakamatay ang tingin ay baka hindi na ako umabot sa loob ng masssage room. Kung anu-ano pang sermon ang inabot ko sa tatlo bago kaming tuluyan nakapasok sa loob.

Tumahimik lang sila ng nagsimula ng magpa massage. Sobrang sarap sa pakiramdam yung para bang nababanat ang buto mo at nawawala ang mga lamig sa katawan. Heaven,indeed.

"Im hungry." natawa kaming apat ng marinig namin si Cheska na nagsalita habang nagpapa massage kami. "Why?Di pa ko nagdi dinner." malungkot nitong sabi. Hindi talaga pwedeng hindi kakain kapag kasama si Cheska. Kaya naman right after na magpa massage kami ay nagpunta kami agad sa isang coffee shop. Ito nalang ata ang natitirang bukas na kainan dito sa mall kaya wala din kaming choice.

"Ano sa'yo?" tanong sa akin ni Yannie.

"Uhm, Caramel Macchiato?cold please." sagot ko.

"Chocolate Chip for me. And uhm two cinnamon roll. Two ha? two. Dalawa." sagot naman ni Cheska.

Natawa si Yannie. "Okay Cheska,dos. Dalawa.Two.Dul. Ano pang language?." tumingin ito kay Kairie."Ikaw mine---ay why?you don't feel well?." napatingin kaming lahat kay Kairie na namumutla at nakatakip ang kamay sa kanyang bibig.

"Wait for me." tumakbo ito papunta sa restroom at doon nagsuka. Baka sumama ang pakiramdam nya dahil sa massage?

"Okay ka lang?Anong nangyari,fudge?." hinimas himas ko ang likod nya at inabutan ng tissue.

Naghilamos ito ng mukha at humarap sa amin. Pero nagulat nalang kami ng bigla itong umiyak at napaupo. "Im sorry. I don't like the smell of coffee now." iyak lang ito ng iyak.

"Wag ka na umiyak. Okay lang,hahanap nalang tayo ng ibang makakainan." natatarantang sabi ni Cheska. Pero ayaw pa din tumigil ng iyak ni Kairie.

Mulit itong humarap sa amin. Basang basa na ng luha ang kanyang mukha. Inayos ko ang kanyang buhok at inabutan sya ng panyo. "Thank you girls.  Sorry, I guess my baby doesn't want coffee. Pareho sila ng Daddy nya." ngumiti lang ito ng pilit habang pinupunasan ang kanyang mukha.

Napanganga kaming tatlo sa sinabi ni Kairie. Oh my god?!!! nasi speechless ako!!!!

It's Gotta Be You (IHYS Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon