16. Before I let you go

1.3K 41 10
                                    

A/N:

OMG! Mga kahoneystars? Are you still alive but you're barely breathing? WOOOH! PUSH NA ITU! Salamat-hamnida sa komento at boto. Naks. Labyuol! Para sa inyo ituuu! <3 Labidabs. 

-----------------------------------------------------------------------------------

--Lizette's POV--

Pagkagising ko, jusko, blurry pa ang vision ko. Pinaligiran na yata ng isang tipak ng nanigas na muta yung mata ko. Teka... amoy sterilizer -_- siguro nasa ospital ako. Saktong may nurse na papalapit sa akin kaya hinawakan ko ang wrist niya.

"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHH! Jusko lola, patawarin niyo po ako sa mga kasalanang nagawa ko. Hindi ko po sinasadyang mangupit kanina sa ama ko. Huwag niyo naman po akong multuhin~" sabi ng nurse na hindi lumilingon sa akin.

"N-nurse." sabi ko at napalingon siya sa akin na nanlalaki ang mata.

"M-maam! Ang swerte niyo po... Buti ay nagising po kayo bago pa kayo i-embalsamo..."  sabi ng nurse

"Ha?!" tanong ko na puno ng pagtataka. 

"Ma'am eh, kanina po nung sinugod kayo dito sa hospital eh, DOA na kayo. Nakuuu, salamat sa diyos...." sabi ng nurse

"T-talaga?"

"Opo. Kaya akala ko minumulto ako. Teka lang po ma'am, pupunta lang po ako sa nurse's station, irereport ko lang po saglit." sabi ng nurse. Napaisip ako. Maswerte nga ba ako at buhay pa ako-- o sana namatay nalang ako para mawala na ang sakit na nararamdaman ko? Naaalala ko nanaman kung paano ako pinagtaksilan ni Harvee. Napakadumi nila! Kinasusuklaman ko sila! Pero... Teka...

Nasaan ako?

Kung dead on arrival ako kanina... Ibig sabihin...? PTNGN! Nasa morgue akoooooo! 

*Lingon sa kaliwa* 

*lingon sa kanan*

Puro kama na may taklob na kumot. WAHHHHHH! Get me out of hereeeee! Maya-maya may mga pumasok nang nurse dito sa loob at kinain ako ng buhay. De joke lang. Nagawa ko pa talagang magbiro eh no? Maya-maya pa ay nakarating na kami sa private room. Sh*t. Bakit nandito yan?!

"H-honeystars!!!" sabi ni Harvee na akmang papalapit sa akin pero binato ko siya ng unan.

"Get out!" sigaw ko.

"Honeystars, magpap---" sabi ni Harvee pero inawat siya ni Winter at napilitang lumabas na siya.

"Ate Lizzie, OMG! Thank god na you make gising...." sabi ni Hershee.

"H-hershee, nasaan si Haruki?" tanong ko.

"He's at the unit of Baboo's kapatid so you don't have anything to worry about." sabi ni Hershee.

"Gusto ko siyang makita." sabi ko

"I will text Baboo's kapatid so he will make hatid Leighton here." sabi ni Hershee.

"Hershee, pwede kausapin mo ang kuya mo, ayoko muna siyang makita dito." sabi ko. Ayoko muna siyang makita... Siguro mapapatawad ko siya pero... hindi muna ngayon. Maya-maya ay may kumatok at biglang pumasok na mukhang familiar sa akin.

"Good morning? Oo, tama, morning na. Naaalala mo pa ba ako?" tanong ng babae.

"Familiar po kayo sa akin pero hindi ko po maala--- Dr. Reyes?!" tanong ko. 

"Yes I am. Are you feeling better na ba?" tanong niya. Si Dr. Reyes yung doctor sa Korea nung nalaman kong I'm pregnant with Haruki.

"Ah opo. Medyo mahapdi ng konti yung bandang noo ko tsaka masakit yung mga pasa ko. Bakit po pala kayo nandito sa Pilipinas?" sabi ko naman. May sugat siguro ako sa noo. Mahapdi eh. Malay ko ba, hindi pa ako nagsasalamin.

"Saktong delegate ako ng seminar dito sa Manila tapos nabalitaan ko ang nangyari sa iyo kaya I decided na dumaan dito bago ang flight ko pabalik... Ah eh may sasabihin sana ako sa'yo about your condition... I only have 20 minutes bago bumalik ng airport." sabi ni Dr. Reyes at sumeryoso ang mukha niya.

"Po? Tungkol po saan? Malala na po ba ako?" tanong ko. 

"Kasi... Y-your..." sabi ni Dr. Reyes na halos pinagpapawisan na ng malamig.

"My ano po?" tanong ko.

"Your baby is already gone." sabi niya.

"Po?" tanong ko.

"I'm sorry to say this pero... nakunan ka." sabi ni Dr. Reyes. Ano?! 

"Ano pong ibig niyong sabihin? Hindi po ako--" sabi ko at hinawakan ni Dr. Reyes ang kamay ko. Magsasalita na sana ulit siya pero biglang nagring ang phone niya at umalis na kasi malelate na siya sa flight niya. Pagkalabas ni Dr. Reyes, lumapit sa akin ulit si Hershee.

"Ate Lizzie... I'm sorry to say this pero... Kanina kasi kinausap ako ni Dr. Reyes and ako lang at siya knows about this." sabi ni Hershee.

"Knows about what?" tanong ko

"She told me just kanina that you were 3 weeks pr--" sabi ni Hershee at tumulo nalang ang luha ko.

"P-paanong....?" 

"Ate Lizzie, she made blah blah tests sayo when you were inside the morgue kasi gaylord make pakiusap to her na baka you can still survive or what... Nagulat talaga kami kanina na you are still alive because wala kang heartbeat kanina and kahit na they are reviving you, wala kang response kanina. Thank god you are alive." sabi ni Hershee at niyakap ako.

"H-Hershee.... Ang tanga tanga koooooo!" sigaw ko.

"No, ate Liz, don't make sabi that..." sabi ni Hershee  na tinatry na pakalmahin ako.

"NO! ANG TANGA TANGA KO! KASALANAN KO TO! KASALANAN NILA TO! KUNG HINDI SA KANILA, EH DI SANA OKAY ANG BABY KO!" sigaw ko at hindi ko na namamalayan kung anong mga nahahawakan ko at binabato ko sa sahig. Biglang may mga pumasok sa loob ng room at nakita ko si Harvee na lumapit sa akin.

"WAG NA WAG KANG LALAPIT! WAG KA NANG MAGPAPAKITA SA AKIN! KALIMUTAN MO NA ANG LAHAT TUNGKOL SA ATIN! I HATE YOU!" sabi ko

"Honeystars huminahon ka m---" sabi ni Harvee

"AKO? HIHINAHON? PAANO AKO HIHINAHON EH ANAK KO ANG PINAG-UUSAPAN DITO?! TSAKA HUWAG MO NGA AKO MATAWAG-TAWAG NA HONEYSTARS!" sigaw ko sa kaniya at binato siya ng mga unan.

"Honeystars, anak ko din siya. Hindi lang sa'yo, anak natin yun." sabi ni Harvee

"ANG KAPAL NG MUKHA MO! MATAPOS MONG MAMBABAE, LALAPIT LAPIT KA SA AKIN?! UMALIS KA NA DITO!" sigaw ko.

"Honeystars hindi ako aalis hangga't hin--" sabi niya

"ANONG SABI KO SAYO?! DIBA SABI KO HUWAG MO NA AKO TATAWAGING HONEYSTARS?! NO! ALIS! ALIS!" sigaw ko at tuluyang lumabas na si Harvee. 

Harvee... Akala ko kaya kong palampasin ang lahat... Pero akala ko lang pala... Pati pala buhay ng anak ko nawala nang dahil sa atin... I'll take my son with me... Nagsasawa na ako. Sana minahal mo ako kahit papaano... Kahit na mas pinili mo si Mariah sa akin kagabi. Sana mahalin mo si Haruki kahit na may Mariah ka na... I guess this is it. We should end this. Nakakapagod na eh. Ang dami nang hadlang sa ating dalawa... I think the best solution is-- magdivorce nalang tayo. It's better off that way. Pero sabi nga sa kanta... Before I let you go, I want to say I love you.

Ang Boyfriend kong Manly [COMPLETED]Место, где живут истории. Откройте их для себя