26. My Karma

2.3K 54 12
                                    

--Heaven's POV--

Isang linggo nang nakalipas pero hindi pa ako umuuwi sa amin. Ayoko doon kasi makikita ko nanaman si kuya at si Liz. Shit siyempre masakit para sa akin. Nag-i-stay ako kila Sirius.

"Pare ano ba kasing problema?" tanong ni Sirius.

"Wala. Gusto ko lang magstay dito."

"Isang linggo brad? Bakit dito sa dorm namin? Tigas mo ah!" sabi naman ni Burn.

"Wala nga. Uuwi na din ako. Mamaya."

"Tss. Bahala ka nga bro. Adik ka." sabi naman ni Tyrone.

"Pre may tawag ka, unregistered number." sabi ni Kristoff na kanina pa laro ng laro sa cellphone ko. Lumabas ako at sinagot ko yung tawag.

"Hello?"

"Hi future brother-in-law." sabi ng boses. Malamang si Orange to.

"Where did you get my number?" tanong ko

"Somewhere... down the road? Hahaha." 

"Hindi ako nakikipagbiruan."

"Gusto ko lang namang sabihin sayo na babalik ako saglit ng London at babalik ako sa Pilipinas agad para sa isang malaking pasabog." sabi niya at binabaan ko nalang siya ng phone. Punyeta eh. 

Anong sabi niya? Aalis na siya?  Pupunta siya ng London? Biglang nagflashback sa akin ang nakwento ni dad sa akin sa library. Nakiusap daw si mom kay Lizette na hanggang sa makaalis lang si Orange dapat manatili si Liz sa tabi ni kuya. Ibig sabihin ba nito...?

"Pre alis na ko. Bye. Salamat!" sabi ko sa kanila at umuwi agad. Hinanap ko si dad at pinuntahan sa library.

"Dad."

"Oh! Buti umuwi ka pa! Okay ka lang ba? Bakit isang linggo kang wala?" sabi ni dad

"Gusto ko lang dad. Pero I've got something to tell you."

"What is it?"

"Orange is leaving. She's heading back to London." sabi ko kay dad.

"Sige salamat sa information. Pagkalabas mo dito, tawagin mo si Lizette, nasa kwarto ng kuya mo." sabi ni dad. Ouch </3 Bullsh*t magkasama nga ulit sila.

"Pero dad--"

"Walang pero pero."

"Dad, hindi kami okay ni Liz kaya ikaw nalang magpatawag sa kaniya."

"Why?"

"Basta. Ikaw nang bahala." sabi ko at pumasok nalang sa kwarto ko.

Namiss ko din tong kwarto ko. Ngayong babalik si Orange sa London, malamang, wala nang rason para patagalin pa ang kontrata. Kailangang tapusin yun ni Liz. Kailangan nilang maghiwalay ni kuya. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ko yung unregistered number.

"Hello?" sabi ni Orange

"Pagbalik mo ng Pilipinas, may sasabihin ako sayo."

"Sure. Asahan ko yan ah... Sige pala bye na! Baka malate pa ako sa flight ko." sabi niya

Ngayon, ibabalik ko ang lahat ng bagay where it used to be. Si kuya kay Orange.

--Lizette's POV--

Nandito kami sa kwarto ni Harvee ngayon. As usual, landian nanaman kami. Hahaha. Sinusulit ko lang naman ang panahong kasama ko siya... Ang panahong maayos kami... Ang panahong kami pang dalawa... At ang panahong hindi niya ako kinamumuhian.

"Honeystars..." sabi niya

"Bakit Honeystars?"

"Kantahan mo ko..." sabi niya

Ang Boyfriend kong Manly [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon