40. Final Wave (Epilogue of Book 1)

1.8K 47 8
                                    

--Pink's POV--

"Pink, ano ba ang tagal mo diyan sa cr! Puny*ta! Ang sakit ng ulo ko! Magdala ka nga ng tylenol dito!" sigaw ng boss ko. -_- Basta. Ewan ko ba, ayaw ako tanggapin sa ibang company na pinapasukan ko kaya ito ako, alalay ng ampon ng mga magulang ko. Walang iba kundi si Orange. 

"Na-e-LBM ako! Wait lang!" sigaw ko. Pero ang totoo niyan, nagwa-wi fi lang ako dito habang nakaupo sa toilet seat. Hahaha. Bahala ka. Mamatay ka sa migraine! Teka... May namamatay ba sa migraine? -_- 

"Basta dalian mo!" sigaw niya. Che! Basta ako magtu-twitter muna. Wahahahaha! Mamuti sana mata mo sa kakahintay. Well, ang tahimik ng condo ng babaeng to. Hahaha. Eh pano kasi, LONER. Pinagpipilitan niya pa kasi ang sarili niya sa baklang Harvee na yun. May asawa't anak na nga yung tao, nilalandi pa rin ni Orange. Hayy nako. 

"Hello?!... Oh?! P*cha! Ang sakit ng ulo ko!... Ha?! Nakita niyo na si Heaven?... Nadakip niyo na?... Very good!... Mag isip na kayo ng Plan B at Plan C!... May Plan B na? Anong gagawin?..." sabi ni Orange! Si Heaven? Aba may evil plans nanaman yata ang ampon na to! Matawagan nga si Harvee bakla!

"Hello?" sabi ni Harvee

"Shh. Wag ka maingay. Pakinggan mo lang ang maririnig mo. Huwag mong ibababa utang na loob! Irecord mo tong call natin. I loudspeaker mo diyan hangga't maaari." sabi ko at dinikit ang cellphone sa pinto.

"Lagyan mo nga ng tape yang bunganga ni Heaven! Ang ingay! Parang bakla! Paluin niyo na ng dos por dos para makatulog!" sabi ni Orange

"Oh ito ang Plan A! Susugo--" sabi ni Orange pero napahinto siya ng marinig ang bumagsak. SHIT! BAT NGAYON PA NABAGSAK PHONE KO! Fck na disassemble pa! Tanggal battery at sim! Leche.

"Hoy! Pink! Aba! Hassle naman yang LBM mo! Ano yang bumagsak diyan?!" sigaw niya at pinindot ko na ang flush at lumabas ng cr.

"Bakit Orange? Ikaw lang ba may karapatang jumebs?!" sabi ko at inirapan niya lang ako. Tusukin ko ng tinidor yang mata mo eh! Agad kong nirestart ang phone ko para tawagan ulit si bakla.

"Hello! Bat nawala ka?!" sabi ni bakla

"Nahulog phone ko!" bulong ko sa kaniya

"Ang tanga mo naman!" sabi ng bakla. Aba! Na - tanga pa ako!

"Pasalamat ka, kaaway ko tong ampon na to, kundi, baka tinulungan ko pa siyang paslangin kayo!" sabi ko. Imbyerna! Pinatong ko ang phone ko sa ibabaw ng dashboard. Saktong papasok palang ng kotse si ampon.

"Ano ba Pink! Bilisan mo naman ang pagdrive! Kabadtrip ka talaga! Sa bahay ni Harvee! Dali!" sabi ni Orange

--Harvee's POV--

"Huwag kang masyadong ngumisi, you look like an asong ulol." sabi ni Hershee habang nakaupo kami sa living area

"Eh bati na kami ni Honeystars ko eh!" sabi ko at nakita ko namang namumula si Honeystars. Hahaha! Mahal niya pala ako eh.

Ininvite ko na din ang security team sa bahay namin upang bumuo ng plano kung paano namin ipapahuli si Hera. Pinag-stay ko muna sila sa guest room para magpahinga sandali.

*Pink calling* 

"Hello?" sabi ko. Mahirap na. Baka mamaya kasabwat to ni Hera.

Ang Boyfriend kong Manly [COMPLETED]Where stories live. Discover now