40: Stalking Master Enzo...

439 11 4
                                    

+40: Stalking Master Enzo...+

ENZO'S POV

Hindi ko alam kung tama ba ang naging desisyon ko.

Mahal na mahal ko si Mara

Mga bata pa lang kami ay siya na ang ginusto kong maging future ko at wala nang iba pa

Saka sa tagal ko namang nanligaw sa kanya ay ganoon na lang ba iyon?

Susuko na lang ba ako basta-basta?

Closure ba talaga ang kailangan ko o baka naman ang kailangan ko lang ay lumaban dahil kumpara naman sa mukhang unggoy na Andre na iyon ay ako ang mas matagal na nakasama ni Mara.

Oo nasaktan ako ng sobra pero wala naman akong ginawang hakbang para mapatunayan kay Mara na mahal na mahal ko talaga siya.

Nanahimik lang ako at nagmukmok.

Tulad ng ginagawa ko ngayon dito sa loob ng kotse ko.

*ring*ring*

Napakunot-noo ako ng mabasa kung sino ang tumatawag.

It's Mara!

Mabilis na kinuha ko ang aking cellphone para sagutin ang tawag niya.

"Mar—"

("Enzo! Please huwag ka munang umimik, ako muna...")

Naririnig ko mula sa kabilang linya ang pagsinghot niya at ang pagkabasag ng kanyang tinig dahil sa walang tigil na pag-iyak.

("I'm sorry... Sorry kung natakot ako... Kung naging duwag ako sa nararamdaman ko... Sorry kung nagsinungaling ako sa'yo... Sa inyong lahat... Hindi totoo na nililigawan ako ni Andre... That would be incest because he's my cousin...)

WHAT?!

Sobrang nanlaki talaga ang mga mata ko sa siniwalat niya.

Ibig sabihin...

Wala naman pala akong karibal sa kanya.

Saka bakit naman siya natatakot sa nararamdaman niya?

Teka nga ano bang nararamdaman niya?

Did she said that para layuan ko na siya?

Para tigilan ko na ang panliligaw ko sa kanya?

Ang sakit naman niyon.

Bakit hindi na lang niya diniretso sa pagmumukha ko para hindi na ako nag-isip pa ng kung anu-ano?

("Enzo, gusto kong sabihin ito sa'yo kanina pero natakot na naman ako na baka mas lalo ka lang magalit sa akin... Ang duwag-duwag ko talaga... Ikaw yung mahal ko at ikaw naman talaga yung ultimate crush ko...")

Totoo ba itong naririnig ko?

Sobrang nanlaki yata ang mga mata ko sa sinabi niya.

May kasamang napakalawak na ngiti na abot yata hanggang sa bumbunan ko.

Hindi naman siguro ako nagkamali ng dinig o nabibingi lang dahil iyon ang gusto lo talagang marinig mula sa kanya.

("Mahal na mahal talaga kita, Enzo at walang halong kasinungalingan iyon...")

Totoo nga!

Hindi ako nagkamali ng dinig!

Akala ko kanina ay gusto niyang layuan ko siya kaya nagsinungaling siya tungkol kay Andre na pinsan pala niya.

Ganito pala ang feeling ng nagko-confess sa'yo ang taong mahal na mahal mo.

Para kang lumulutang sa hangin

Royalty AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon