38: Backfired plan of Irish...

1.6K 38 3
                                    





+38: Backfired plan of Irish...+






MARA'S POV




Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako maka-move on sa sinabi ni Sophie sa akin...



Iiwasan ko si Enzo???



Hindi ko gagawin ang sinabi niya kahit ano pang gawin o sabihin niya dahil...



Dahil...



Alam kong nasaktan ko si Enzo pero hindi ang pag-iwas ang magiging solusyon para maka-move on dapat harapin iyon...



Kung iiwasan ko siya baka mas lalo lang masaktan si Enzo at iyon ang hindi ko gustong mangyari dahil bago siya nanligaw ay kaibigan ko muna siya at hindi mababago na parte ako ng buhay ni Enzo at parte si Enzo ng buhay ko...



Gusto kong kahit man lang ang pagkakaibigan namin ay maibalik...



Kahit iyon na lang dahil hindi ko na mababawi kung ano man ang mga nangyari sa pagitan namin...



Alam ko rin nang dahil sa nangyayari sa pagitan namin ni Enzo ay nagkakaroon din ng malaking gap sa amin ng iba pa naming kaibigan katulad kanina...



They treat me as if I'm a stranger and not a friend siguro napakarami ko nang namimiss na mga pangyayari sa buhay ng mga kaibigan ko at marami nang nagbago sa loob lamang ng ilang buwan...



Ni hindi ko nga alam kung bakit nag-away noon si Sydney at Josh...



Kaya hindi ko iiwasan si Enzo dahil kung gagawin ko iyon ay kailangan ko ring iwasan ang mga kaibigan ko na bata pa lang ay mga kasama ko na...



"Andre, ayos lang ba na hindi na ako sumabay na mag-lunch sa inyo.. gusto ko kasing makasama ang mga kaibigan ko kahit lunch lang.. starting today??" sabi ko.



"Oo naman, kasama ko naman ang mga kaibigan ko.. tutal ay lagi na tayong magkasama at para mamiss mo naman ako.." biro nito.

Royalty AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon