31: The Surprise 2...

2.1K 37 6
                                    

+31: The Surprise 2...+

ENZO’S POV

Hindi ko na talaga maintindihan ang nangyayari...

Paanong bigla-bigla na lang wala nang pakialam si Ethan kay Sophie???

Ang labo naman yata niyon...

Alam kong mahal ni Ethan si Sophie at hindi naman ganon-ganon na lang mawala ang pagmamahal...

Ano iyon dahil lang sa tampuhan ay mawawala na ang pagmamahal niya kay Sophie???

Imposible naman iyon...

Walang ganon...

Saka sigurado naman ako na hindi pa nagkikita ang dalawang iyon sa loob ng ilang araw para mag-away sila ng mas matindi...

AAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHH!!!

Nakakabaliw namang mag-isip, oh...

“Sigurado ka talaga na si Ethan yung kausap mo, ha, Enzo??” tanong ni Lyndon.

Nandito kami ngayong lima sa greenhouse sa RA kahit ala-siete na ng gabi...

Pare-pareho kaming nakatulala at malalim ang iniisip...

At pare-pareho rin kaming nag-aalala kay Sophie...

Hanggang ngayon kasi ay hindi pa namin siya makontak...

Nagri-ring lang yong cellphone niya...

“Malamang.. siya lang naman ang tinawagan ko at boses lang naman niya ang narinig ko..” sabi ko.

“Imposible talaga na sasabihin iyon ni Ethan.. kahit naman galit siya kay Sophie ay syempre mag-aalala iyon dahil nawawala si Sophie at walang may alam kung nasaan siya.. paano na lang kung may masamang nangyari doon..” sabi ni Irish.

Alam kong imposible talaga iyon pero hindi man kapanipaniwala ay boses talaga ni Ethan ang narinig ko at siguradung-sigurado ako doon...

Isang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan ko...

Naihilamos ko pa sa mukha ko ang mga kamay ko sa sobrang frustration...

SH*T!!!

Sophie, where the heck are you???

Ano bang nangyayari???

Royalty AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon