Epilogue

5.3K 316 55
                                    

Binabawi ko na pala 'yong sinabi ko sa prologue na iyon 'yong huli kong sinulat. Naisip ko dagdagan ng epilogue para kumpleto na. Hahaha. Sige na, batukan niyo na ko. Sabi ko nga, arkitekto ako at hindi ako isang professional writer na iiyakan niyo na lang basta-basta 'yong kuwento.

Akala niyo mamamatay si April tapos ako ang huli at ika-dalawampu't dalawang boyfriend niya, 'no?

Hindi 'no. Iyong babaeng 'yon? Mamamatay? Hahaha. Ako muna, 'no. No way, tol.

Hindi tulad niyo na sa umpisa pa lang e alam na kami ang magkakatuluyan, ako naman ay walang ka-ide-ideya na kami pala ang magkakatuluyan. Kung alam ko lang, e di sana noong elementary pa lang kami e nagpropose na ko at niyaya siyang magpakasal.

Muntakin mo 'yon? Kaaway ko noong bata, best friend ko noong high school, at girlfriend ko pagkatapos ng college? At hindi lang basta basta girlfriend . . .

Future-asawa-to-be.

At ako?

Ako lang naman ang ika-dalawampu't dalawang boyfriend niya.

Ang haba na nito. Tatapusin ko na.

Naisip ko na iregalo 'tong kuwento sa kanya sa ika-dalawampu't walong birthday niya. Layo no? Hahaha. Mababasa niya kung paano ko kinakausap 'yong computer na parang tinuturing kong isang grupo ng tao na parang kinukuwentuhan ko lang. Pero dahil kilala ko siya, sigurado ako na ang unang babasahin niya ay 'yong dulo. Kaya ko 'to ginawa para maguluhan siya.

Pero tinapos ko na ngayong taong 'to ang kuwento namin. Hindi ko sasabihin na tapos na, e di ba pinilit nga lang niya ako isulat 'to? Pagka-print at pagka-bind ko nito, e itatago ko na 'to sa baul at hihintayin ang pagkakaton na 'yon.

At siguro . . . lalagyan ko na rin ng singsing.

Tingin niyo?

Start of chapter uno.

***


I was stuck in love, so I called her for help.

But before she could pull me out completely,

She also got stuck . . . with me forever

The 22nd of AprilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon