Chapter 8

3.5K 206 102
                                    

Squash Stalker


Nag-umpisa na ang December, pero 'yon pa rin ang nasa isip ko.

Naglakas-loob ako na i-text si May para yayain siyang lumabas. Ayoko talagang may bumabagabag sa isip ko tulad nito. Pero sa totoo lang, kinikilabutan talaga ako pag naiisip ko 'yon.

Tumataas 'yong balahibo ko sabay napapakanta ng "Okatokat" ng Parokya. Pumayag naman si May na makipagkita sa 'kin. Siyempre, inasar ako agad ni April nang sabay kami umuwi at kaka-oo lang sa 'kin ni May.

"Ikaw a!" sabi ni April habang sinusuntok 'yong braso ko. "Jumajaporms ka na!"

"Sabihin mo lagi na lang ako humihingi ng tulong sa 'yo," sagot ko sa kanya.

"Matanong ko lang, bakit mo naisipang yayain bigla si May makipag-date?"

Napatingin ako sa kanya tapos diretso sa labi 'yong tingin ng mga mata . . . sabay iwas.

Anak naman ng tofu 'yan e. Nababaliw na talaga ako.

"Wala lang," depensa ko. "Para makilala ko pa siya."

"Talagaaaaa?"

"Hay! Tumigil ka nga dyan."

Unang bumaba si April. Habang ako, pinapalo ko 'yong ulo ko para tumilapon 'yong alaalang 'yon kasama ng utak ko. Ano ba! Una sa lahat, hindi magandang 'yon ang nasa utak ko. Pangalawa, bale wala lang naman 'yon kay Abril. Kung paulit-ulit ko 'tong iisipin, hindi talaga tama. Kailangan na 'to tigilan.

Sinundo ko si May sa school nila. Siyempre, tinutukso siya ng mga kasamahan niya.

"Naaabala ba kita?" tanong niya.

"Ano ka ba," sagot ko. "Ako nga 'yong nagyaya e."

"Saan tayo?"

"Hindi talaga kasi ako magaling sa mga date date. Pero gusto mo sa may Megamall?"

"Ayos lang kahit saan."

Nagkomyut kaming dalawa papuntang Megamall. Pinilit ko na gastos ko lahat dahil first "date" namin. Kumain lang naman kami at kinilala lang ang isa't isa lalo. Nakatulog lang si May sa byahe. Mukhang pagod na pagod. Ako naman, inabuso ko na 'yong pagkakataon na matitigan 'yong natutulog niyang mukha. Walang duda 'yong pagka-anghel niya.

Pagdating namin ng SM, nagyaya na ako agad kumain. At dahil sinabi sa 'kin ni April dati na mahilig siya sa pizza, dinala ko siya sa Pizza Hut.

Umupo kami at saka nag-order tapos hinintay na lang namin 'yong mga order namin. Habang naghihintay ng order, nag-usap muna kami tungkol sa nangyari sa kanya noong araw na 'yon.

"Nasa school kami kasi ginagawa namin 'yong paper namin," sabi ni May.

"Nakaistorbo ako, sorry."

"Ayos lang. Kailangan ko rin naman ng pahinga."

"Bukod ba sa 'kin," sabi ko, medyo pabulong dahil nahihiya rin akong itanong, "may nanliligaw pa ba sa 'yo?"

"Merong gusto manligaw . . . pero hindi ko inentertain."

"Kaya . . . ako lang?"

Tumungo siya.

Napangiti ako nang tumungo siya. Sumaya ako, natural. Parang tumaas pa nga 'yong tingin ko sa sarili ko dahil ibig sabihin, masuwerte pa akong pinayagan niya akong manligaw sa kanya.

Kaya ikaw, Kurt, isip-isip ko, tigilan mo na ang pag-iisip at i-focus mo ang sarili mo sa panliligaw mo kay May.

Dumating na 'yong order naming pizza. Nagulat nga siya dahil dalawa lang naman kami at mukhang napadami ata ako ng inorder. Sabi ko i-te-take-out ko na lang 'yong iba para sa mga kapatid ko, o kung gusto niya, magtake-out din siya.

The 22nd of AprilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon