Chapter 7

3.5K 213 68
                                    


The Kiss


Mag-uumpisa na naman ang November, at siyempre, ang birthday ko ay sa Araw ng mga Kaluluwa. Ayos 'yon para sabay-sabay kami ng mga kaluluwa na magcelebrate. Party party!

Tuwing birthday ko, naghahanda si Ate Natasha ng kaunting salo-salo. E siyempre, siya 'yong may stable na trabaho. Si Dan, nagaaral pa, at lalo naman ako na graduating na. Butihin kasi siyang ate. At kahit malalaki na kami, pinaghahandaan pa rin ni Ate ang mga birthday namin. E apat na taon ang agwat ko sa kanya, at si Dan naman, dalawa.

Tapos iimbitahin niya si April, si Louise, at si Tito Sonny. Kasabay niyan 'yong ang dami-daming kalabasa sa bahay dahil nga kakatapos lang ng Halloween.

Kalalabas ko lang ng mga Christmas decor nang dumating si April at si Louise. Si Louise, nanood ng TV sa kuwarto. Si April, tinutulungan lang si Ate Natasha na magluto para mamaya.

"Kalabasa," tawag ko kay April, "si Tito Sonny?"

"Wala e," sagot naman niya. "Hindi raw siya uuwi."

"Ay gano'n. Sayang."

"Ay shoot!" biglang sigaw ni Ate Natasha. "Wala palang drinks! Daaaaan!"

Tinawag ni ate si Dan, natural, para bumili ng soft drinks.

"Bumili ka nga ng coke," utos ni Ate kay Dan. "Mga lima."

"Ate," sabi naman ni Dan, "sarado sina Ate Bebang."

"Hi, Dan!" bati ni April sa kapatid ko.

"Ui, April," bati naman ni Dan pabalik.

Nakakatawa dahil kahit kuya ang tawag niya sa 'kin, April lang ang tawag niya kay April.

"Seryoso?" sabi ni Ate, namomroblema.

"Oo nga," dagdag ni Dan. "Magpapaload dapat ako e."

"Para na naman sa girlfriend mo?" tanong ko.

"Tumahimik ka nga."

"Bumili ka sa Ever," utos ni Ate.

"E!" reklamo ni Dan. "Ang layo!"

"Sagot ko na load mo at load ng girlfriend mo. Bumili ka lang."

"E! Nakakatamad!"

"Take it or leave it?"

Natatawa kami pareho ni April. E siyempre, alang-alang sa girlfriend niya, alam naming o-oo 'yan.

"Sige na, sige na."

"Magpasama ka kay Louise."

"Wag na. Ako na lang. Kukunin ko na rin 'yong padala ni papa."

"Oo nga pala," sabi ko. "Andoon 'yong extrang allowance ko. Kunin mo a?"

Pumunta si Dan sa taas para magbihis tapos umalis na. Inaayos ko pa rin 'yong mga Christmas decor at nagluluto pa rin sila nang tinawag ni Ate si Louise.

"Louise, halika dito," sabi ni Ate.

"Bakit po?" narinig ko namang tanong ni Louise.

"Samahan mo naman ako."

"Sa'n po?"

"Kuha tayo ng malunggay do'n sa kabilang kanto."

"Ate Tash," sabi ni April. "ako na lang."

The 22nd of AprilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon