Angel-14

1.7K 75 5
                                    

Fourteen

Hindi ko maalis ang titig sa kanya.

"Oh, Sorry for being rude. Let me introduce myself to you." Tumayo siya at animo Prinsipe--Prinsipe nga pala talaga siya. Ngumiti siya at bahagyang tumango. "My name is Ydriss Corvin Eisen Gremory. The First Prince of the Eisen Gremory Clan. I'm the son of the late Empress Serise Eisen Gremory. "

Anak siya ng Emperatris...

Naalala ko yung kwento ni Kyohen. Kung anak siya nito. Ibig sabihin...

Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko alam kung para saan ang takot. Gayong nakatayo lang naman siya. At hindi gumagalaw roon. Siya ang batang--

"Oh No. I'm not that child."

Umawang ang aking bibig. Ngumiti siya sa akin at muling bumalik sa pagkakaupo.

"Pero ang sabi sa kwento...Ang anak ng Emperatris ang..."

"Yes, It's the Empress child." he tilted his head on the other side. "But it's not me. "

"Fley."

Lumipad ang tingin ko sa pintuan at mas lalong nakaramdam ng takot. Paano kung makita nila ang Prinsipe dito. Paano kung naramdaman nila? "Kamaha---" napakunot noo ako ng masulyapan kong wala na ang binata sa loob.

Lihim akong napabuga ng hangin. Goodness. Bakit nakalimutan kong Bampira nga pala ang lalaking iyon? He can easily disappear, whenever he wants. Narinig kong bumukas ang pinto.

"Fley."

"Violet?"

"Your Father wants to talk to you."

Nagsalubong ang kilay ko, habang si Violet naman ay seryosong naupo sa kama at para bang napakalalim ng iniisip.

-----------------------------

"Fley, Hija."

Kumpleto silang lahat habang nakaupo sa malawak na sala. Umupo ako sa tabi ni Ether since iyon lamang ang bakante. "Daddy?"

"We have decided to send you back home."

Agad nagsalubong ang kilay ko. That fast?

"Sasamahan ka ni Jibrill at ni Violet pauwi." My Mom smiled at me. "And Levign also."

"Pero Mommy, kadarating lang natin dito." Why sudden change of mind. I don't get it. "Biglaan naman po yata?"

"It's not safe for you to stay here anymore." My Mom took a deep breath. "Have you seen those Vampires who've just vanished in thin air?"

"Natatakot kayong mangyari yon sa akin. Dahil tao ako?" Why do I feel offended by her words? Na para bang napakahina ko. At kahit sa isang kisap mata lang ay maglalaho na ako.

Bakit hindi ba?

Natigilan ako sa pagkuwestiyon ng sarili kong isip. I know I'm too weak compared to those Vampires. But I know how to take care of myself.

"In just a month. You will be turning Eighteen. Mas mabuti ng nasa Pilipinas kana sa oras na tumungtong ka sa edad na labing walo." Bumaling ako kay Daddy. Bago ko iginala ang tingin sa mga pinsan ko. So they will be staying here.

"May I know who is the guy earlier?"
Hindi ko alam kung bakit kusang lumabas iyon sa bibig ko. Kahit alam ko naman kung sino ito, since ipinakilala na nito mismo ang sarili niya sa akin. 

"Prince Ydriss Eisen Gremory." Pinagsalikop ni Daddy ang mga kamay. "Son of the late Empress Serise, and now the next ruler of the entire Vampire Society."

Angelic Demonic (HIATUS)Where stories live. Discover now