Angel-12

2K 88 14
                                    

Twelve

----------------

Parang ayokong huminga ngayong kaharap ko na ng lahat sa hapag kainan. Kumpleto kami as in kumpleto talaga! I don't even know na pati pala Parents ng mg pinsan ko andito! Pakiramdam ko tuloy out of place ako.

Dahil ako lang ang nag iisang tao dito.

Kahit pa alam ko na kahit na kailan, hindi nila pinaramdam sa akin na iba ako sa kanila. Tumikhim si Grandpa kaya't napatuwid kaming lahat ng upo.

"Breathe everyone, don't hold your breath at baka maubusan kayo ng hangin." Bakas ko ang kasiyahan sa boses niya. Kahit gusto ko siya lingunin, hindi ko magawa sa sobrang haba ng dining table namin. At sa may kadilimang paligid. Dahil sa mga kandilang nagsisilbi naming ilaw.

"You definitely know by now. Importante ang Pagtitipong iyon. It's not just an ordinary Banquet." Nagpatuloy si Grandpa. "Everyone is entitled to attend. Especially us, because we're from the Higher Bloodlines."

"Yes Grandpa." Koro naming lahat.

"The thing is, it's about Fley."

Sumikdo ang dibdib ko sa narinig. Nagsimula na akong kabahan. Lalo pa at lahat sila nakatingin sa akin. Juicecolored! I'm so tensed! Tumayo ako at humarap sa direksiyon ni Grandpa. Dahil iyon ang nakasanayan namin.

"It's your first time attending a Vampire Banquet, right?"

"Yes, grandpa."

He smiled at me at sinenyasan ang Mayordoma na nakatayo sa gilid. Lumapit siya kay  Grandpa at inabot ang kahon na bitbit niya. I didn't actually  notice na may hawak pala siyang kahon.

"Come here, Juuri Fley."

Tumalima agad ako at naglakad palapit sa kanya. Sinenyasan niya akong yumuko na ginawa ko naman agad. Agad niyang sinuot sa akin ang isang kwintas.

"Do not take off that Necklace while we're on the Banquet." Nginitian ako ni Grandpa.

"Para saan po ito Grandpa?" Hinaplos ko ang kwintas.

"It's a protection My Dear, as long as your wearing that necklace, walang khit na anumang masamang mangyayari sayo."

Tumango ako at bumalik na sa aking upuan. Matapos kong magpasalamat.

"Levign. I want you to take care of Fley. I can't give the responsibility to Jibrill, because he can't tame the green monster inside him." Narinig ko ang mahinang tawanan. Seriously, paano kaya nila nagagawang tawanan ang obvious na pagseselosos ni Jibrill kapag may ibang lalaki sa paligid ko?

"I can take care of him, Grandpa!" Protesta na ng kakambal ko.

"I already made a decision, Jibrill Drae." Apila agad ng Lolo ko.

"Hindi ba pwedeng maiwan nalang si Fley dito?" Saka ko lang napansin na para bang si Mommy at Daddy lang ang tahimik at seryosong nakaupo lamang sa harap ng hapag kainan.

"Like what I said. I already made a decision."

Napabuntong hininga ang Mommy ko.  She looks so bothered, kinailangan pang hagurin ni Daddy ang likod niya na para bang pinapakalma niya ito.

"Your Mom, was just being so worried. Alam mo ba first time na haharap ka sa buong Vampire Society. She's scared for you. Tao ka, at nasa dagat ka ng mga Bampira." Tinapik ako ni Violet.

"Okay dismiss, you can all go take a good rest. Para sa flight natin paalis ng Pilipinas." Sabay sabay kming tumayong lahat at nagyukod ng ulo.

Ng makaalis si Grandpa ay nagsunuran narin kami. Hindi ko mapigilang haplusin ang kwintas. Nahinto ako sa tangkang pag akyat sa hagdan. May eyes settled on the corner. Kung nasaan ang lahat ng pictures ng pamilya. Even the huge family portrait. 

Angelic Demonic (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon