Prologue

8.3K 231 11
                                    

''Yaya! Yaya! I can't see Merlia! Nakita niyo po ba siya?"
Nagkamot ng ulo ang kasambahay nila at pasumandaling nag-isip. Siya naman ay ngumuso at humalukipkip sa harap nito. ''Yaya?"

"Ayyy! Oo. Naalala ko na, na kay Kuya mo, Prinsesa."

Namilog ang kanyang mga mata. Nasa kapatid niya ang pinakamamahal na alaga? Mabilis niyang tinalikuran ang kasambahay at patakbong umakyat sa ikalawang palapag. Kung nasaan ang silid ng kapatid. Naabutan niya pang nakatayo sa tapat ng pintuan nito si Victor.

Ang tagapagbantay ng Kuya niya.

"Binibini?" Anito sa kanya.

''Victor...Sabi ni Yaya, kinuha ni Kuya si Merlia. Totoo ba?"

Napakamot ito ng ulo at kinagat ang kanyang labi. Bumaling doon ang tingin niya. Ang gwapo talaga ng tagapagbantay ng kanyang kapatid. Pag laki niya gusto niyang maging noby--

"Kamahalan?"

Bumukas ang pinto at bumalandra doon ang kapatid niya na nanlilisik ang mga mata. Hinagis nito ang duguang alaga niya at pinaningkitan siya ng mga mata. "Keep on thinking flirty things about other guys, and I will kill them just like your beloved pets. Juuri Fley."

At sinara din agad nito ng malakas ang pinto.

Siya naman ay lumuhod at kinuha ang walang buhay na katawan ng alaga. Pang ilan na nga ba si Merlia, sa mga alaga niyang walang awang pinapatay ng kakambal niya? Tumulo ang kanyang luha kaya't mabilis niyang pinunasan iyon.

"Binibini..."

"Okay, lang Victor."

Tinalikuran niya ang tagapagbantay. Baka kasi ito naman ang pag-initan ng kapatid. Lumaki sa ibang bansa ang Kuya niya. Ngunit ng magsampung taon ito ay pinauwi na ito dito sa Mansion nila. Kambal sila. At isa sila sa mga magkakakambal na hindi magkasundo. Kung anong magustuhan niya, mapatao o bagay ay dinidispatsa agad nito. Ayaw na ayaw nito, na may binibigyan siya ng atensiyon maliban sa dito.

Kambal sila.

At dapat lang daw na nasa isa't isa lang ang mga atensiyon nila. Bawal sa iba, dahil papatayin niya.

--------

Angelic Demonic (HIATUS)Место, где живут истории. Откройте их для себя