CHAPTER 9

100K 3.1K 263
                                    

CHAPTER 9

“HEELAN!”

Napaigtad siya sa lakas ng boses ni Andrei na pumukaw sa kanya sa pagmumuni-muni.

Nilingon niya ang kaibigan. “Yeah?”

“God!” Maarte itong bumuntong-hininga. “Kanina pa ako salita ng salita dito pero hindi pala nakikinig ang lola. I was asking kung okay ka lang.”

“I’m fine.” Mabilis niyang sagot at tumingin naman sa malayo.

“Ever since bumalik tayo sa New York parang wala ka sa sarili mo.” Narinig niyang sabi ni Andrei.

“Okay lang ako.” Aniya sa matigas na boses para hindi na siya nito kulitin pa.

“Okay ka lang ba talaga? If this is about Blue—”

“Shut up!” Padasko siyang tumayo mula sa kinauupuang bench at naglakad palayo kay Andrei.

 Ipinikit niya ang mga mata at nilanghap ang sariwang hangin ng Manhattan Park, New York. Pagkatapos ng komprontasyon nila ni Blue sa unit niya, agad siyang umalis papuntang New York. Ito lang ang naisip niyang paraan para makatakas sa sakit na idinulot ni Blue.

“Heelan, don’t leave me.” Maarting wika ni Andrei at hinabol sya.

“Just leave me alone for a while, Andrei. I’m not in the mood.” Aniya sa mahinang boses.

“Bakit wala ka sa mood? Is this because of Blue?”

“Ano naman ang tungkol sa lalaking ‘yon?”

“Heelan, masyadong halata na may nangyari sa inyo ni Blue sa isla. What happened? Bigla ka nalang nagdesisyon na umalis pagkagaling mo sa Isla. Akala ko ba sa Pilipinas mo ila-launch ang new fashion line mo?”

Heelan sighed. “I change my mind. Dito ko nalang sa New York ila-launch iyon.”

“Whatever you say, Heelan. Basta kapag may kailangan ka nandito lang ako.” Niyakap siya nito ng mahigpit. “I’m here for you.”

She hugged him back. “Thanks, Andrei.”

“No problem.” Pinakawalan siya nito sa pagkakayakap. “I have to go, Heelan. I have important things to attend. Basta kapag kailangan mo ako, call me. Okay?”

“Okay.” She kissed his cheek. “Take care, Andrei.”

“You too.”

Ihinatid niya ito ng tingin. Nang makasakay na ang kaibigan sa kotse, umupo siya sa bench at ipinikit ang mga mata. Naramdaman niyang may tumulong mainit na likido mula sa mga mata niya. Mabilis niyang pinahid iyon at nagmulat ng mata. Hindi niya akalain na umiiyak na naman siya. Urgh!

A white handkerchief suddenly appeared in front on her. Mabilis niyang nilingon  kung kanino nanggaling ‘yon. Nanlaki ang mata niya ng makita si Sky. Gusto niyang manliit sa hiya ng makita ang lalaki. Biglang pumasok ang isip niya ang narinig niyang sinabi nito sa cell phone.

“Sky? What are you doing here?” Tanung niya at tumungo para itago ang hiya na nararamdaman niya para sa sarili.

Sky shrugged and sits beside her on the bench. “I ahm… I’m looking for you.”

Kumunot ang nuo niya. “Looking for me? Bakit naman?”

“Blue is in the Hospital.”

“What?!” Bigla siyang inataki ng kaba. “Bakit? May sakit ba siya? May nangyari bang masama sa kanya?”

Sky looked at the clouds. “Drunk driving. He got into accident and boom, his knee and arms are broken and obviously, he can’t walk.”

“Is he okay?” Puno ng pagaalala ang boses niya. Kahit sinaktan siya ni Blue, hindi pa rin niya maiwasang hindi mag-alala.

ACE CENTREX UNIVERSITY: Romance with Mr. Candy 2 [To Be Published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon